" Mommy, who is he?"
Tanong ni Yevhen habang hindi napuputol ang tinginan namin ni Clay. Gusto ding kumalas ni Yevhen sa pagkakahawak ko sa kaniya. Napalunok ako nang magtama ang mata ni Yevhen at Clay.
" Yevhen, anak, we have to-" Aalis na sana kami nang hawakan ni Clay ang aking braso. Agad akong bumalik sa harapan niya. I guess, ito na ang pagkakataon para maipakilala ko ang anak naming dalawa?
Binitawan ko si Yevhen, hinayaan kong tignan niya at suriin ang lalaking nabangga niya.
" Mom, the CEO's wear that kind of clothes right? Like Dad?" Yumuko ako para tignan si Yevhen. Nakatingin siya kay Clay, si Clay ay ganoon din.
Hinawakan ni Clay ang kamay ni Yevhen.
" Yeah, Yevhen, your Dad also wears that." Hinawakan ni Clay ang kamay ko, inilapit niya ako sa kaniya. Bumulong siya sa akin.
Kinilabutan ako sa sinabi niya.
" Uriah, who is he?" May diin na sambit niya.
Binawi ko ang kamay ko sa kaniya, kinuha ko din ang kamay ni Yevhen mula kay Clay.
" Hindi mo kailangang malaman-"
" Who is he?" Humarap ako kay Clay, hindi kailangang makita ni Yevhen na nag aaway o nagsasagutan kaming dalawa, kaya lumapit ako kay Clay para bulungan siya.
" He's our son, Clay.." Laglag ang panga niya habang nakatingin kay Yevhen. Gusto na sana niyang hawakan pero nilayo ko agad si Yevhen sa kaniya.
" Can I-"
" Let me tell him first, please.." Tumango siya.
Umupo ako, upang magpantay kami ni Yevhen. Nakatingin naman siya sa akin. Tinignan ko muna si Clay, bago ko hinagod ang likuran ni Yevhen. Nagtataka naman ang mata ng anak ko sa mga nangyayari.
" Yevhen, anak, hindi ba sinabi ko sayo na sa 6th birthday mo, you will meet your Dad?" Tanong ko dito, tumango naman siya.
" Why, Mom?"
" Yevhen, anak, this is Alexander Clay Lascaux, he's your Dad." Nanlaki ang mata ni Yevhen sa sinabi ko. Agad siyang tumakbo at niyakap si Clay. Hindi ko nagawang tignan, unti unting may namumuong luha sa aking mga mata. Niyakap siya pabalik ni Clay, hindi naman umiiyak si Yevhen, sa katunayan ay masaya siya at nakangiti.
Binuhat ni Clay si Yevhen. Si Yevhen naman ay nakayakap sa Papa niya.
" Daddy, you came home? What took you so long?" Nakabusangot na tanong ni Yevhen sa Papa niya. Tumingin si Clay sa akin. Agad naman siyang tumawa.
" I'm just so busy with works, Son. I'm sorry for coming home late." Napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Si Clay naman ay nakita kong nagpupunas ng kaniyang luha? Ewan ko. Nakayakap lang si Yevhen sa kaniya.
" Uriah, can I drive you home?" Tanong ni Clay sa akin. Tumango naman ako.
Sa sasakyan mismo ni Clay kami sumakay, naiwan sa Ospital ang aking kotse. Kahit nanginginig ay kinuhanan ko sila ng litratong dalawa, kaya nahuhuli ako sa lakad. Naguusap silang mag ama, habang buhat siya ni Clay.
" Mommy, I will sit on your lap then you will sit next to Dad, is that okay?" Ngumiti ako bago ako tumango.
Umupo kaming dalawa sa tabi ng driver's seat. Si Clay naman ay nagsimula ng mag drive.
" Dad, where are we going?" Nagtatakang tanong ni Yevhen.
" Mansion, Son. Uuwi kayo sa akin." Habang nasa byahe ay naguusap silang dalawang mag ama, hindi lang ako makapaniwala, naguusap na sila at nagkukulitan kaagad. Ni kanina lang sila nagkita, mukhang close na silang dalawa. Hindi naman ako umiimik, wala din naman akong sasabihin, at wala akong alam sa pinaguusapan nilang dalawa.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...