Chapter 20

35 24 0
                                    

" Clay, what are those?"

Nagtatakang sambit ko, ibinigay ni Clay sa akin ang isang susi, hindi ko alam kung para saan ba ito, dalawa sila, ang isa ay susi sa kotse at isa naman ay sa bahay, may papel din siyang ibinigay, pero naka envelope.

" Susi ng bahay at kotse, papel ng lupa, Uriah. Bumili ako, balak kong doon ka patirahin, kasama ako, kung gusto mo, but, I think, I have to just leave it to you." Agad kong ibinalik at inilagay sa lamesa ang mga iyon. Tinignan ako ni Clay, umiwas ako ng tingin.

Nagpameywang si Clay sa harapan ko, tanging lamesa lang ang pagitan namin.

" No, Clay. I don't need that. May sarili akong bahay, at maayos pa ang kotse ko, at saka, iyong tungkol sa matatanggap kong pera sayo, huwag na nating isipin iyon." Nag igting ang panga niya sa sinabi ko. Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko, at saka ako umiwas ng tingin sa kaniya.

" Uriah, is that what you want? My whole family know about this, about the contract, if you want to leave the house, you can freely leave-"

" Then I'll leave Clay, I will do it. Just give me sometime to think, at para makapag paalam sa pamilya mo, kasi sa mga narinig ko sa inyong dalawa ni Hayes, nahihiya ako, alam nila na nasa kontrata lang ang lahat pero todo pagpapanggap parin ako, kaya hindi ko alam saan ako kukuha ng lakas ng loob para magpaalam!" Sigaw ko dito.

" Pagpapanggap lang ba talaga lahat yon, Uriah? Sa lahat ng ginawa natin, pagpapanggap lang ba talaga yon? Wala ka bang ibang nararamdaman?"

" Meron, Clay. Iyong iba, totoo iyon, kaya lang pinipigilan ko, kasi ayaw kong madamay ang sarili ko, alam kong may mali, Clay, matagal na. Paano ka hahabulin ng mga taong armado na iyon kung wala kang ibang gawain? Really? CEO ka lang ba talaga? O may iba ka pang gawain? Mafia Boss? What?" Mahabang litanya ko dito. Umiling siya. Unti unti siyang naglakad papalapit sa akin.

Hindi ako gumawa ng galaw, nanatili akong nakatayo sa harapan niya.

" Really? Uriah? Thank you for not lying to me. Huwag mong ipilit ang nasa isip mo, Uriah, I am a CEO, that's all-"

" No, you're not Mr. Lascaux, I know there's something wrong with you, lahat napapansin ko, Clay, at pinaiimbestigahan ko lahat. They told me that ang bala, walang tatak, pero ang baril meron. Ang bala na tumama sayo, at ang baril na nasa opisina mo, at bala na kasama ng mga iyon ay gamit at ginagamit lang ng mga Mafia. May ganoon ka sa opisina mo, so, you are one of them!" Naglakad pa siyang muli, hindi ako nagpatinag.

" What if I am, Uriah? What if I am one of them. May magagawa ka ba? Wala naman hindi ba? Kaya kung ako sayo, ano man ang pinapaimbestigahan mo tungkol sa akin, itigil mo na-"

" Clay, Mafia? Really? I am a Doctor. Nagsasalba ako ng buhay, isinusugal ko ang sarili kong kalusugan para sa kanila, tapos ikaw, pumapatay ka ng tao? For what? For fame? Para sikat ka? Para sikat ang pamilya at apelyido mo?" Nahawakan niya ng tuluyan ang aking braso, tinignan ko ang mga iyon.

" Uriah, don't start a fight, and don't make me mad. You need to-"

Kumalas ako nang tuluyan.

" No! Hindi ko kailangan ng pahinga kasi mag eempake na ako, at aalis na ako, Clay. You lied to me, ilang buwan na ako dito, pero kahit kailan hindi ka nagsabi sa akin ng katotohanan, scripted lahat, Clay, kaya kahit ang matatamis mong salita, nasa script mo din. Aalis ako ngayon!" Umalis ako sa harapan niya. Nakasalubong ko ang pamilya niya, hindi ko sila tinapunan ng tingin.

Kinuha ko ang maleta ko at saka ko nilagay lahat ng gamit ko, ang mga gamit na ibinigay niya sa akin noon ay iniwan ko na din. Dahil kaunti ang gamit ko ay madali akong nakaempake, nang makuha ko na lahat ay saka na ako nagpatulong na ipababa iyon. Handa na ako sa lahat, kaya pati ang kotse ko ay naghihintay na sa labas ng bahay ni Clay.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now