Chapter 6

63 39 0
                                    

" Clay? Nagluto ako ng almusal natin."

Bati ko kay Clay nang makababa siya at naka ayos na ang lahat sa kaniya. May trabaho ba ito?

Bumaba siya nang mabilisan para makapunta sa akin. At saka niya hinalikan ang labi ko, napahinto ako nang matapos. Wala naman ang Mama niya, kaya bakit kailangan pa naming magpanggap?

" Fix yourself. Pupunta tayo sa opisina ko." Nanlaki ang mata ko.

" Clay, wala akong maisusuot! Dapat kagabi mo pa sinabi sa akin iyan! Ano ba?" Taranta kong sambit. Hinuli niya ang aking beywang, at saka tinignan ako sa aking mga mata.

" May nakahanda ng damit mo doon at saka sapatos na isusuot mo. Hihintayin kita dito sa ibaba."

" Saglit lang ako."

Nang matapos ako ay saka na ako bumaba. May bagong bag din na kasama ang ibinigay niya kanina. Kaya naman iyon ang ginamit ko. Naglakad ako pababa ng hagdan, namataan ng mata ko si Clay na nasa sofa na at may kausap. Napatingin siya sa akin, at saka siya tumayo matapos iyon. Nakakain naman na ako kanina pa, kaya hindi ako nakakaramdam ng gutom.

" Clay, do I look okay? I mean, this is so expensive, kahit na ang bag na ito, bakit kasi ang dami mong pera? Mukha tuloy kitang sugar daddy." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Nauna akong maglakad ngunit kinuha niya ang aking kamay at saka niya ako hinatak sa harapan niya pabalik.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay nang nasa harapan niya na ako.

" What did you say?" Umiling iling ako ng diretso. At saka ako nagpipigil ng tawa.

" Sugar Daddy? Mukha ka namang Daddy talaga."

" Uriah-"

Napatingin kaming dalawa ni Clay sa nagbukas ng pintuan.

" Sir, tara na po?" Agad akong umalis sa harap ni Clay. Pero nakaisip ng katarantaduhan kaya naman bumalik ako.

Lumapit ako sa kaniya at saka ko tinutok ang bibig ko sa tainga niya.

" Let's go, Daddy?"

Humahagikgik ako habang umalis doon sa harapan niya. Nang makapasok ako sa kotse niya ay saka ako umayos ng upo. Nakasunod naman siya kaya papasok na din siya habang nagkakabit ako ng seatbelt ko. Napapalunok siya sa tuwing tumitingin ako sa kaniya. Kaya napapatawa ako sa aking isipan. Masyado ba siyang apektado sa sinabi ko? Baka naman may iniisponsoran talaga tong isang to?

" Good morning, Mr. Lascaux." Bati ng lahat ng empleyado ni Clay. Nakatayo silang lahat sa mga upuan nila at hinintay nilang makapasok kaming dalawa ni Clay para batiin.

" Everyone. This is my wife. Lavinia Uriah Fraunliebe- Lascaux. I want you to respect her." Bumati silang lahat sa akin.

" Good morning, Mrs. Lascaux."

" Hello everyone. Good morning also." Ngumiti silang lahat sa akin. Ngumiti naman ako pabalik. Hindi naman siguro sila mahirap pakisamahan, kaya naman sigurado akong may magiging kaibigan ako dito.

Hinawakan ni Clay ang aking beywang at saka kami pumasok sa opisina niya. Namangha ako sa nakita. Malaki ang opisina niya, pwede na makatira dito ang isang pamilyang may dalawang anak at silang mag asawa kung sakali. Inilibot ko ang aking paningin sa kaniyang opisina, mabango naman dito. At saka madaming trophies na nakatayo sa isang shelf, at may mga pangalan niya din, talagang kilala siya ng mga tao?

" Clay, this is all yours? Nakakahiya naman ang opisina ko sa opisina mo." Napahawak pa ako sa aking noo, dahil sa pagkakapahiya. Ang opisina ko sa ospital, kasya lang ang papel at ako. Hindi nga ata magkasya doon ang limang tao e. Dito, kahit buong pamilya ko, kakasya.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now