Chapter 16

31 25 0
                                    

" Nasaan ang asawa mo, Clay?"

Pababa na ako ng hagdanan nang madinig ko ang boses ng Mama ni Clay, agad naman akong nagpakita sa kanila, bumati ako at saka humalik sa mga pisngi nila. Ngumiti naman sila sa akin.

" Ma? Sakto po, nagluto ako nang marami, may iba pa po ba kayong kasama?" Tumingin si Mama sa pintuan, nanlaki ang mata ko nang kasama nila si Cassidy at si Hayes, ngumiti naman saakin si Cassidy.

" Hayaan mo na ang mga kasambahay na ipagluto kami, magusap usap tayo sa sala." Tumango ako. Bumati ako kina Cassidy at Hayes pagkatapos ay umakyat ako para tawagin si Clay, nag ayos na din ako ng aking sarili, dahil may mga tao sa labas, baka dito din sila matutulog, kaya mabuting ipalinis na ang ibang kuwarto.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin ni Clay, nadatnan ko siyang nasa kama at walang ganang magkukumot na sana para matulog.

" Clay? What are you doing? Naroon sila sa baba." Nagtalukbong siya ng kumot niya. Agad naman akong napakusilap sa inasta niya.

Hinila ko ang kumot at saka ko siya tinignan sa mga mata nito.

" Uriah-"

" Clay, wala kang ibang gagawin, makikipag usap ka lang ng masinsinan, okay? Isantabi mo ang galit mo, o kung ano man iyan, nandoon ako, kasama kita, kaya tara na doon, please?" Tumayo siya. Hinawakan niya ang kamay ko, at saka niya hinalikan, naibalik na din pala ang singsing sa kamay ko.

" Thank you, Uriah."

Sabay kaming bumaba ng hagdan ni Clay, umiwas ng tingin si Hayes nang magtama ang tingin nilang dalawa. Hindi naman ako nagpatinag, hinila ko si Clay katabi ni Cassidy, mas malapit siya kay Hayes para magkaroon sila ng closure na dalawa, kailangan nila iyon, kaya naman nagsama sama kami para ayusin sila.

" Hayes? Sa susunod na araw ba ay wala kang gagawin? Gusto ka sana naming ayain magbasketball, nagpaturo kasi ako kanina kay Clay, kaya gusto kong makalaro ka din." Ako na ang kusang nagumpisa ng usapan namin, ngumiti sa akin si Hayes. Hawak ni Cassidy ang kamay ng asawa niya.

Tumingin si Hayes kay Clay bago sa akin.

" Yes, I am free. Itext mo lang kung kailan, para naman makapaghanda ako at makapag practice." Ngumiti ako at saka tumango.

" Paano kaya kung sa araw na maglalaro kayo ng basketball ay gawin natin iyong family day?" Tanong ng Lola ni Clay, napatango naman si Cassidy at ang Mama ni Clay, tinignan ko si Clay, nakatingin lang siya sa akin, habang hawak ang beywang ko, hindi naman siya kumikibo.

" Clay? You want that also? Love? Sabihin mo saakin para makapag plano tayo kasama sina Mama." Tumango si Clay.

" That's great, gawin niyo ang gusto niyo." Mas lumapit pa sa akin si Clay at saka niya sinandal ang uluhan niya sa aking balikat.

Tumango tango naman silang lahat.

" Well, sige, gagawin nating family day iyon, ipapasara natin ang palibot ng court, para wala namang ibang sisingit, isasama ko din ang mga bata para naman makapasyal sila sa parke." Tumango ako.

Sakto na at natapos na din magluto ang mga kasambahay namin, inihain na nila ito sa lamesa, habang kami ay narito parin sa sala. Hindi pa ata sila nagugutom, kaya baka ayaw pa nilang tumayo. Si Cassidy at Hayes naman ay tahimik na naguusap, sina Mama at Lola din, ganoon din, si Clay naman, agad kong tinignan. Ngumiti ako dito, at saka ko hinalikan ang noo nito.

" Ma, kain na po tayo-"

" Pwede ba sa garden ninyo, Clay? O kahit sa may malapit sa swimming pool nalang, maginom tayo." Aya ng Lola ni Clay, tumango si Clay bago tumayo at umalis. Ngumiti nalang ako kina Mama at hindi sinundan si Clay.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now