" You are Clay's wife?"
Hindi makapaniwalang sambit ng asawa ng pinsan ni Clay. Nakalimutan ko nga agad ang pangalan, nakakahiya naman kung magtatanong ako ulit. Malaki na pala ang tiyan niya, baka sa mga susunod na buwan ay manganganak na ito. Nakapa formal ng suot naming lahat, kulay puti ang suot ko, habang si Clay ay naka tuxedo lang.
" Yes, I am. Hindi na ako makapag hintay sa announcement mo mamaya." Sambit ko dito, tumawa naman siya.
" Salamat nga pala at nakarating kayo ni Clay, hindi talaga iyan dumadalo sa celebration ng mga pinsan niya, ngayon nalang nga ata ulit." Tumango ako.
Cassidy is her name.
" Ganoon ba? Walang anuman, congratulations again!" Sambit ko.
Lumapit sa akin si Clay. Hinawakan niya ang aking beywang. Lahat sila ay busy makipag kwentuhan, may mga iba ding tao at hindi ko kilala, wala din naman akong balak na kilalanin sila.
" Clay, are you drinking?" Tanong ko dito. Umiling naman siya sa akin kaya ngumiti ako.
Lumapit sa amin ang Lola niya, at saka naman kami hinila papasok sa loob ng bahay ng pinsan niya.
" Omygod! Ikaw ang asawa ni Clay? You're so sexy, wala pa ba kayong anak?" Tanong nila sa akin. Umiling ako. Hinawakan ni Clay ang beywang ko, nakatingin naman sila sa akin.
" We are still planning, Tita. And besides, we're both busy, sila Cassidy muna ang pagtuunan ninyo ng pansin-"
" Sigurado akong maganda at gwapo ang magiging anak ninyo, Clay. You two look good together." Excited na sambit nila. Ngumiti nalang ako.
Ilang oras ang nakalipas ay tinawag na nila kaming dalawa ni Clay at ang lahat ng tao. Nasa labas na ang lahat para sa gender reveal, at pagkatapos nito ay maaari na siguro kaming umalis. Nasa harapan sina Cassidy at ang asawa nito, may cake doon at balloons, may cupcakes din sila. Nakaka excite pala ang ganito?
" We are going to slice the cake and kung blue ang lumabas, it means, it's a boy. Kapag girl naman ay kulay pink!" Sambit ni Cassidy, nakaupo ang lahat, para makita namin ng maayos. Nasa bandang likuran kami ni Clay, pero kita ko naman ang nasa harapan kaya walang problema.
Nagpalakpakan ang lahat nang hinati na ni Cassidy at ng asawa niya ang cake, kulay pink ito, kaya naman babae ang anak nila. Agad na tumayo sina Mama at saka nila niyakap si Cassidy. Hindi na ako tumayo at nagsayang pa ng oras, mamaya nalang ako ulit babati kapag paalis na kami ni Clay.
" I have a meeting? Wala ako ngayon. Bukas na." Dinig kong sambit ni Clay sa telepono. Tumayo na muna ako para batiin si Cassidy, wala naman na kasi siyang kausap.
Hindi ko alam pero dito ata kami matutulog ni Clay e.
" Cassidy! Congratulations! Mukhang magkakasundo kami ng anak mo." Tumawa kaming dalawa sa sinabi ko.
" If you're not busy, kukunin kitang ninang, ha? Alam kong ayaw ni Clay kaya ikaw nalang ang iimbitahan ko." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
" Sure, I can b-"
" Stop it, Clay and Hayes!" Sigaw ng Lola nila. Agad akong lumingon, at nakita ko nga na nagtatalo ata si Clay at ang asawa ni Cassidy sa loob ng bahay.
Tumakbo ako papasok, hindi na ako nakapagpaalam kay Cassidy, alam kong doon din siya papasok dahil naroon naman ang asawa niya. Tinignan ko ang Mama ni Clay.
" Ma-"
" Paalisin mo muna dito si Clay, anak. Pakalmahin mo lang saglit."
Lumapit ako kay Clay. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay, nakakuyom ito habang nakatingin siya ng matalim kay Hayes. Naroon na din si Cassidy at pinapakalma na niya din ang asawa niya. Nakatingin ako kay Clay, itinulak ko si Clay sa pinaka side ng bahay nila para pakalmahin, sumunod naman siya kaagad.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...