" Shit! Clay! Can you help me?"
Bumulabog ang sigaw ni Hayes sa buong kabahayan, kinaumagahan. Agad akong bumaba, nakita kong nasa sofa si Cassidy at mukhang nahihirapan, manganganak na ata.
" Hayes? Ipahanda mo na ang sasakyan, ako na muna ang bahala dito." Hinawakan ko si Cassidy, agad na isinarado ni Hayes ang pintuan, naglabas siya ng baril.
Anong meron?
" Ipasok niyo ang mga bata sa kwarto! Nandito sila! Ma! Come on! Hide!" Si Clay ay bumaba na din, may hawak silang baril ni Hayes, tinignan ko si Cassidy, basa na ang dress niya, talagang manganganak na siya.
" Cassidy, I want you to calm down-"
" I can't, Uriah, nararamdaman ko na ang anak ko, ayaw ko dito manganak sa bahay." Tinignan ko si Hayes. Lumabas sila ni Clay, pinuntahan kami ng mga guards nila, inalalayan nila si Cassidy, ipinabuhat ko na para sigurado, lalabas kami kahit na may nagbabarilan?
" Hayes, nasaan ang kotse? Hindi na kaya ni Cass, lalabas na ang bata!" Sigaw ko, itinuro niya ang kotseng kulay itim, dahan dahan at nakayuko kaming naglalakad, para hindi kami tatamaan ng bala.
Madami sila sa labas, pero wala akong magagawa, kailangan na namin siyang dalhin sa ospital. Inilibot ko ang paningin ko, nakita ko ang isang lalaki na nakatutok ang baril kay Cassidy, agad akong humarang.
" Uriah!" Napadaing ako nang tumama ang bala sa likod ng braso ko.
" Ibalik niyo si Cassidy sa loob, may kuwarto kung saan kumpleto kayo ng gamit hindi ba? Ako na ang magpapanganak kay Cassidy!" Sigaw ko. Sinunod nila ako, ibinalik nila si Cassidy sa loob, manhid na ang tama ko sa braso, pero kailangan ko siyang panganakin, kaya tumakbo ako sa pintuan at saka ako sumunod sa kwartong iyon.
Ipinatawag ko si Mama para may aalalay kay Cassidy, normal na panganganak lang naman kaya hindi ako mahihirapan.
" Cassidy, push!" Dinig ko ang sigaw niya. Mabilis lumalabas ang bata mula sa kaniya.
" Push! Isa pa, Cass, lalabas na!" Sumigaw ulit siya.
Isa nalang.
" Uriah, marami ng nawalang dugo sayo!" Sigaw nila.
" Push!"
Lumabas na ang anak nila ni Hayes, ginawa ko na ang dapat gawin, at saka ko ito inayos. Kumuha ako ng sapin ng bata at saka ko siya nilinisan.
" Ah." Daing ko habang hawak ang bata, nandito sa braso ko ang bala.
" Ma, bantayan niyo ang baby dito, aasikasuhin ko si-"
" Anak, ang braso mo." Tinignan ko ito.
" Ayos lang po ako." Inayos ko si Cassidy, nilinisan ko siya at inayos ang higa niya. Lumapit ako sa kaniya, nakangiti siya sa akin.
" Cassidy, ligtas ang anak mo, maya maya makikita mo na siya."
Lumabas ako ng kuwartong iyon, naroon naman sina Mama. Sumandal ako sa pintuan, at doon ko dinamdam ang sakit ng tama ko. Gamit ang isang kanay ko, kinapa ko kung nasaan nakabaon ang bala, nang maramdaman ko ito ay akong kong pinilit na kunin.
" Ah!" Sigaw ko. Hinihingal ako habang dahan dahan mong tinatanggal ang bala. Nakita ko sina Hayes at Clay na pataas na. Kaya gumaan ang pakiramdam ko.
Nang makuha ko ang bala ay tinignan ko ito, panay dugo na ang aking kamay, nakita ako ni Clay, panay mura siya habang palapit sa akin, ang aking itsura ay hindi ko na malaman, nakapusod nga ang buhok ko pero nakababa na siya, pawisin na din ako.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...