Chapter 26

30 22 0
                                    

" Cibrina?"

Agad akong umalis kay Clay nang makita si Cibrina sa aking harapan. Bakit nandito sila? Binuhat agad ni Clay si Cibrina at saka kami naglakad papunta sa sala, doon ko na nakita sina Mama na kumakain.

" Oh! There you go. Kanina pa kami dito, sa likod kami dumaan." Tumatawa na sambit ng Mama ni Clay. Agad akong nahiya, nakita ba nila kaming dalawa ni Clay? Nakakahiya kung ganoon.

Umupo ako kaagad sa tabi nila.

" Bakit hindi niyo sinabi agad? Galing kami ni Uriah kina Acacius."

" Gusto daw makita nila Cibrina at Zuri si Uriah, pero iba ata ang nakita nila." Tumawa sina Mama sa sinabi niya. Agad namula ang aking pisngi.

Sabi na e.

" I saw Tito and Tita kissing!" Agad kong tinakpan ang aking mukha sa kahihiyan. Tinignan ako ni Clay, sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa naman si Clay sa akin. Binaba ni Clay si Cibrina, at sa akin naman ito dumiretso. Si Zuri naman ay naroon na din kay Clay.

" Aalis na din kami maya maya. Baka nakakaistorbo kami." Tumawa nanaman sila.

" Ma, hindi po. Ayos lang." Umiling sila.

Kinuha na ni Clay ang gamit ko, binigay ko naman agad. Tinignan ko sina Mama na nakatingin sa amin ni Clay. Tinawag na nila sina Cibrina at Zuri.

" Kiss niyo na si Tita Uriah niyo, aalis na tayo. Baka iba ang mag kiss diyan."

Hinalikan nila ako sa magkabilang pisngi, at saka ko sila niyakap. Tumayo na din sina Mama at umalis na. Nagpaalam muna sila kay Clay. Nang makaalis sila ay napaupo ako sa sofa at saka ko ninamnam ang kahihiyan ko kanina. They saw us kissing.

" Are you okay?" Tanong saakin ni Clay.

" Yeah."

Kinaumagahan, maaga akong nag ayos, isasama daw ako ni Clay sa Opisina niya. Mamayang gabi pa ang shift ko, kaya doon muna ako kay Clay, wala din naman akong gagawin sa bahay niya, at ayaw niya akong iwan doon, kaya sasama nalang daw ako.

" Ma'am! We missed you!" Bati nila sa akin. Tumawa ako sa bati nila.

" Hello." Maikling bati ko. Lumapit sila agad sa akin. Hinawakan nila ang kamay ko, at saka sila tumingin kay Clay.

Ngumiti sila ng awkward kay Clay. Tumingin din ako sa kaniya.

" Yara, magtawag ka restaurant na pwedeng ma occupy ng buong opisina. We have to celebrate." Nanlaki ang mata nila sa sinabi ni Clay, maging ako ay nanlaki ang mata sa sinabi niya.

Celebrate saan?

" Yes, Sir."

" Prepare your things. We're going out." Diin niyang sambit.

Lumapit ako kaagad kay Clay sa sinabi niya. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.

" Bakit magce celebrate?" Mahinang tanong ko.

" I'll tell you later." Ngumiti ako.

Nakahanap nga ng malapit na restaurant si Yara. Lahat sila dala na ang gamit. Dumating ang van, sumakay ang mga tauhan doon. Ako naman ay sa sasakyan ni Clay. Doon na kami nagkita kita. Maluwang ang resto, kaya nga kaming lahat doon, isang malaking lamesa na ang ginawa nila, sa gitna kaming part ng lamesa ni Clay, magkatabi.

" Lahat ng nasa menu, paorder mo, Yara. Isang malakihang plato nalang para sama sama." Utos ni Clay. Sinunod naman ni Yara iyon.

Ako naman ay naghihintay lang ng order nila. Si Clay, may kausap, kaya hindi ako nakikisama. Baka nagbabayad na kaagad siya? Ewan ko.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now