" You have to investigate, Ms. Fraunliebe."
Tumango ako sa huling sinabi ni Mr. Tugade bago siya umali sa harapan ko at iwan ako kasama ang sasakyan na nakapark dito. Nakatulala ako habang paulit ulit na sumisiksik sa utak ko ang sinabi niya.
Si Clay, Mafia Boss? How?
Halos malukot ko na ang resulta at envelope na hawak ko, bumalik ako sa huwisyo nang makarinig ako ng busina, agad na bumaba ang isang lalaki doon at nilapitan ako.
" Uriah, what are you doing in here?" Tanong ni Clay. Iniiwas ko ang kamay ko na hawak niya. Umatras ang mga paa ko para mabigyan kami ng distansiya. Agad na nangunot ang kaniyang noo sa ginawa ko.
Itinago ko sa likod ko ang envelope na hawak ko.
" Wala, Clay, nagkita lang kami ng kaibigan ko, pabalik na ako, bakit nandito ka?" Utal utal na sambit ko dito, sumakay ako sa katabing upuan, si Clay na ngayon ang nagmamaneho ng sasakyan na dala ko kanina.
Habang nasa byahe ay hindi ako lumilingon sa kaniya. Tanging sa bintana at sa daan lang ako naka focus. Siya naman ay todo ang lingon sa akin.
" Uriah, what's wrong? Why are you like this?" Umiling ako. Ngumiti lang ako sa kaniya. At saka ako umayos ng upo.
Kaya ba iyong mga litrato na naroon sa cabinet na nakita ko ay kakaiba ang damit niya dahil Mafia Boss nga siya? Ganoon ba ang mga damitan ng mga Mafia? Kaya ba ganito siya makapangyarihan at kayaman dahil isa siyang Mafia Boss?
" Clay, since we are hanging out this past few days, can you tell me your secret? I mean, I am not forcing you but, if you have your secrets that you are keeping, you can tell it to me, you can trust me." Napapalunok ako habang pinakikinggan ang sinasabi ko sa kaniya.
Kita ko ang pag igting ng panga niya. Kinabahan naman ako.
" I don't have any secrets, Uriah. Bakit ba ganiyan ka magsalit-"
" Clay, pina imbestiga ko iyong bala na tumama sa iyo. At sabi doon, galing ang logo sa isang Mafia Boss. Bakit kinakalaban ka nila? Are you one of them?" Agad na tumigil ang sasakyan sa pang huling tanong ko. Tinignan ako ni Clay sa aking mga mata, agad akong napaatras sa kinauupuan ko. Kinuha niya mula sa akin ang envelope, hindi naman ako nakaangal agad kaya nakuha niya ito.
Binuksan niya ang papeles at saka niya binasa, pinunit niya pagkatapos.
" Why did you do that?!" Sigaw ko dito.
" Uriah, kanino ka ba nakipag kita kanina? Kay Mr. Tugade na iyan? Siya ang gumawa nito, hindi ba? Kaya ka umalis at pinagkataon mong may ibang tao sa loob ng opisina ko para malaya kang makaalis?"
" Clay, I am just worried. Nagtaka ako kung bakit ganiyan at may logo sa baril na tumama sa iyo, kaya ko pinaimbestigahan, bakit mo ako sinisigawan?" Kinuha ko ang bag ko.
Now I know his true color.
" Lahat ng uri ng baril may tatak, Uriah, wala kang alam sa baril kasi doktor ka lang-" Sinampal ko siya ng malakas sa sinabi niya.
" Yes, tama, doktor nga lang ako, wala ako sa level mo, iyong lahat nasa iyo na, ako kasi, kailangan kong paghirapan ang lahat, Mr. Lascaux, sampong taon at mahigit akong nag aral ng medisina, tapos iyan ang ibabato mo saakin?" Umiwas siya ng tingin sa sinabi ko.
Tinanggal ko ang singsing na nasa kamay ko at saka ko nilagay sa harapan niya, kinuha ko ang bag ko at saka ko binuksan ang pintuan ng sasakyan.
" Huwag mo na akong hahanapin, sayo na ang pera mo, tapos na ako sa kontrata na iyan!"
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...