" Kailan ang kasal ninyo, Mr. Clay?"
Hindi ako makapagsalita halos sa mga pinaguusapan nila. Hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin at isasagot ko, kaya mainam na si Clay nalang ang sasagot.
" Pinaguusapan pa namin iyon, sa ngayon, nagpa plano pa kami kung saan namin gaganapin ang kasal namin." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Hawak niya ang kamay ko, kaharap kasi namin ang mga designer daw ng damit ng Pamilya nila, kaya kailangan naming umarte. At saka kanina pa din sila nakatingin sa singsing na nasa kamay ko, baka hindi talaga sila makapaniwala na magkaka asawa na si Clay.
Tumayo na ang isa, kaya naman sumunod pa ang isa pa nilang kasama.
" Ma'am Uriah, dito na po kayo, you have to stand straight for us to check your waistline and the like." Tumango naman ako sa sinabi niya. Hinawakan ni Clay ang beywang ko nang patayo kami sa sofa. Tumayo naman ako ng maayos gaya ng sinabi nila. At saka nila inumpisahang sukatin ang kung akong masusukat sa katawan ko.
Nakatingin lang naman sa amin si Clay.
" Ano po palang trabaho ninyo, Ma'am?" Tanong naman niya sa akin.
" Isa po akong Doktor." Tumingin siya sa akin, at saka ngumiti. Nginitian ko siya pabalik. Kahit papaano ay gumaan naman ang aking loob dahil sa ngiti niya.
Nang matapos na sila ay saka na sila umupong muli, ako naman ay tumulong na kunin ang mga meryenda na hawak ng mga kasambahay dito sa mansiyon.
" Natapos na po, Sir. Medyo may kapayatan kung titignan, pero ang waistline, kumakabog. May naisip na po kaming style ng damit niya, kung ayos lang po ay backless ang isusuot ni Ma'am Uriah para mas makita ang kinis ng balat nito." Tinignan ko si Clay, tumango naman ito, siguro ay ayos din saakin iyon, nakasuot na din naman ako ng backless noon kaya madadala ko naman siguro iyon.
" It's fine with me. I want it on Tuesday, may Auction kaming pupuntahan." Sambit niya. Tumango naman sila. Nakipag kamay sa akin ang mga designer na ito, tinanggap ko naman ito ng maayos.
" Aalis na po kami, Sir and Ma'am. Maraming salamat po."
" Mag iingat po kayo, Maraming salamat din po."
Humarap ako kay Clay nang makaalis na sila. Binawi ko na ang kamay ko dito. Nakaupo parin siya sa sofa, lumapit ako para tignan ang sugat niya sa dibdib.
" I need to undress you, Clay. I have to see your wounds." Tumango siya at umayos siya ng kaniyang upo.
" Go ahead." Dahan dahan at isa isa kong tinanggal ang butones ng kaniyang suot na puting polo. At saka ko dahan dahan na inangat ang benda sa kaniyang dibdib. Hindi naman siya dumadaing kaya itinuloy tuloy ko lang. Nakita kong unti unti na ding natutunaw ang ginamit na pantahi doon.
Binalik ko na ang butones ng kaniyang polo, nang ibabalik ko na ang panghuling butones ay sumandal siya sa sofa kaya nasama ang buong katawan ko sa lakas ng pwersa. Nakaupo na ako sa mga hita niya at nakasandal ang katawan ko sa dibdib niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil doon.
Hinawi niya ang mga buhok ko na nakatabing sa akin. Literal na nakaupo ako sa mga hita niya, hindi ko magawang umalis. Naestatwa ako sa mga nangyayari ngayon.
" I need to kiss you, they are watching us." Lumingon ako sa paligid, nakita ko nga na nakatingin sa amin ang mga kasambahay niya.
" Make it fast, Clay." Siniil niya ako ng halik, sumagot naman ako sa mga halik niya. Umayos siya ng upo, kaya naman hindi na ako nakasandal sa mga dibdib niya, hinawakan niya ang likod ko bilang suporta para hindi ako mahulog sa sahig.
Tunog ng halik lang namin ang maririnig sa sala, pero maririnig din ang kaunting mga tili ng kasambahay niya.
" Sorry for kissing you, I have to do that." Tumango ako. Tumayo ako sa pagkakaupo sa hita niya at saka niya ako tinignan sa mga mata ko.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...