Chapter 1

203 49 5
                                    

" Doktora!"

Napahinto ako sa pakikipag usap sa isang Nurse nang madinig ko ang sigaw ng isang babae. Malakas din ang dagundong ng mga ambulansiya at may mga nakaitim na taong nakaalalay sa lalaking nasa stretcher.

" Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko kaagad. Nagtama ang mata naming dalawa ng pasyente. Nakahawak siya sa dibdib niyang may tama ng baril at ang tagiliran niya naman ay may dugo din.

Ang puting kumot ng stretcher ay kulay pula na ang kulay.

" May barilan po malapit dito, Dok. Nadali po siya."

" Ako na ang bahala."

Pinasunod ko sila sa operating room at sinimulan na ang operasyon.

" Mr. Lascaux, your operation was succesful. You have to rest and after how many days, you can go home." Pasimula ko nang magmulat ng mata ang pasyente. Wala siyang kasamang pamilya niya kaya naman naghintay ako mula kanina na magising siya para sabihin at ipaliwanag ang kalagayan niya.

Nakatingin siya sa mga mata ko, napapangiwi ang kaniyang mukha habang ginagalaw ang kaniyang braso.

" Thank you, Doc?" Tinignan niya ang aking name tag sa gilid ng uniporme ko. Agad ko naman itong inayos at ipinakita sa kaniya.

Ngumiti ako.

" Doctor Fraunliebe, Lavinia Uriah Fraunliebe is my full name." Pagpapakilala ko dito. Hindi siya ngumiti o nagpakita nang kahit na anong reaksiyon sa akin, kaya naman awkward ko nalang na tinignan ang aking logbook.

" Thank you, Doc. But, can I stay at my house? I will hire you to take care of me, doon nalang natin pag usapan kung magkano ang ibabayad ko sa pagaalaga sa akin." Nag isip ako ng paraan. Depende kung malaki ang sahod ko doon. Pwede.

Tumingin ako sa kaniya.

" I'll think about it-"

" Magkano ba ang sahod mo dito sa isang buwan?" Tanong niya.

Humarap ako sa kaniya bago isuksok ang mga kamay ko sa bulsa ng aking uniporme.

" 100 thousand to 150-"

" 1 million. I'll give you Millions, just take care of me, please?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Umiwas pa ako ng tingin dito. Lumakas pa ang kabog ng aking dibdib.

Totoo ba iyon? 1 million? Magbabantay lang? Dito, tuwing duty ko, umiikot ikot pa ako, tapos pinagpapawisan pa, doon, relax lang.

" What's your name? Sure, I will accompany you, Mr. Pero ngayon na ba aalis?" Tanong ko dito. Naiilang pa ako, baka sabihin niya ay mabilis akong magdesisyon. Pero pera naman kasi talaga iyon e. Tsaka malaki ha. Kahit naman malaki ang kita ko dito dahil may posisyon na ako, mas big time naman ang makukuha ko doon sa kaniya.

Tumingin ulit siya sa mga mata ko.

" I am Alexander Clay Lascaux. If you don't mind, we'll go to my house tonight. I don't want to stay here." Sambit niya. Napalunok ako. Kinuha ko ang aking telepono at saka ako tumawag sa bahay.

Nag sign ako kay Mr. Alexander na saglit lang.

" Wait for me."

" I will."

Lumayo ako ng kaunti, mabuti at may sumagot agad.

" Ma'am?"

" Paempake ako ng mga damit ko riyan sa kwarto. Dadaanan ko mamaya." Sambit ko.

" Sige po, Ma'am."

Lumapit ako sa lalaking nasa hospital bed at saka ko sinalubong ang mga mata niya. Nakatingin din naman siya saakin, ang mga kasamahan niya ay naroon lang sa labas at nakapalibot lang sa buong ospital kahit na sa buong hallway.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now