Chapter 35

41 22 0
                                    

" Happy 6th Birthday, Yevhen Cassius!"

Sigaw naming lahat, hinipan naman ni Yevhen ang lahat ng kandila sa cake niya. Andami ngang cake na dumating, may galing sa nurses sa Ospital, galing kina Acacius, Callum, at Kylo, galing sa family nila Hayes, at Cassidy, mayroon ding galing kay Mama at Papa, at sa magulang ni Clay. Mayroon ding galing sa opisina ni Clay, at kay Ashton. Halos cake na ata ang laman ng lamesa dito.

" You're getting bigger and bigger, Apo, gusto mo ba ng younger sibling?" Pang aasar ni Mama sa kaniya. Nagkatinginan kami ni Clay, tumawa naman sila sa sinabi ni Mama.

Agad na tumango si Yevhen, sabay sabay silang lumingon sa amin.

" Nako, ayan na! Nagre request na si Yevhen ng kapatid, Clay, alam mo na ang gagawin!" Sigaw ni Kylo. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi niya. Nako, kung pwede lang magpalamon sa lupa, bakit ba pinepressure nila kami na mag anak ulit? Nakakatuwa naman.

Kaniya kaniya na silang kumuha ng pagkain nila. Kami naman ni Clay, inaasikaso silang lahat. Hindi naman kami nagimbita ng ibang tao, dito nalang kami sa bahay namin nag celebrate. Ang mga kakilala lang namin ang inimbita. Nandito din ang mga tauhan ni Clay, double celebration nga pala ito. Dito na din kami sa loob ng bahay kumain, para hindi na maulit ang nangyari noon.

Si Yevhen ay busy na makipaglaro doon kasama ang anak nina Cassidy na sina Amora at Grey. Nameet ko na si Grey, nagbigay din ako ng regalo, kasi hindi nga ako naka attend ng ilang celebrations niya. Kaya ganoon. Kalaro na din niya sina Cibrina at Zuri, may nagbabantay naman sa kanila. Nandito din ang anak ni Acacius, at Callum, kasama naman ni Kylo ang girlfriend niya. Ang ibang available naman na nurses ay nakadating din. Nandito din sina Mama at Papa, ang family ni Hayes, at ni Cassidy.

" Love, si Yevhen, ha? Doon muna ako sa mga Nurses." Sambit ko kay Clay, tumango naman siya.

Hinalikan ni Clay ang labi ko, sumagot naman ako doon.

" Doon muna ako kina Callum." Sambit niya.

Pinuntahan ko ang lamesa kung nasaan ang mga nurses, kumakain na sila at saka nagtatawanan sila. Agad naman nila akong napansin, kaya naman binati nila ako.

" Sana nag eenjoy kayo, kung may dala kayong extrang damit, open ang pool." Sambit ko sa kanila. Tumawa naman sila nang maglabas ng damit ang isang nurse, maging ako ay napatawa din.

" Maraming damit dito si Doktora, manghiram nalang tayo!" Sigaw ng isa.

" Pwede naman." Sagot ko din, mas lalo silang nagasaran at mas lalong umingay ang lamesa nila. Sunod kong pinuntahan ang lamesa ng mga tauhan ni Clay, maingay din sila.

" Ma'am, open ang pool? May dala kaming damit lahat, sinabi na saamin ni Sir Clay, kaya updated kami." Asar ni Yara. Tumango naman ako, kita ko nga ang dala nilang mga bag, malalaki, may damit talaga sa loob siguro ang mga iyon.

" Tama yan! Kung maliligo kayo, sasama ako mamaya."

" Yes! Sige, Ma'am, aabangan namin iyan."

Sunod kong pinuntahan ang lamesa nina Mama at Papa, kasama nila ang magulang ni Clay, Hayes, at Cassidy, nagtatawanan din sila, may alak din sa lamesa nila. Bakit mas maagang uminom ang mga matatanda kaysa sa amin? Mukhang madaya ha?

" Uriah! We are expecting baby number 2, nirequest na ni Yevhen!" Sambit ng Lola ni Clay, tumawa naman ako kaagad.

" Nako po, sige po, pagsasabihan ko si Clay." Mas lalong tumawa ang mga matatanda sa sinabi ko.

Masaya akong makita silang magkakasama at magkakasundo, bihira ka lang makakita ng pamilya na ganito kaclose, minsan kasi, yong iba, hindi sila nagkakasundo, mabuti nalang hindi ganoon ang akin. Kaya masaya ako na sila ang naging pamilya ko.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now