Chapter 30

38 24 0
                                    

" Mommy!"

Agad akong lumingon sa batang tumatakbo palapit sa akin. Agad naman niya akong niyakap sa aking hita. Tumawa naman ako nang makita ang hawak niyang rosas, ibinigay niya ito sa akin, umupo naman ako at saka ko siya hinalikan. Nginitian niya naman ako nang pagkalawak lawak.

" Mommy, Tito Ashton told me to gave this to you, because I know you are tired from work." Yevhen said.

He's 5 years old. Yes, I am now a mother. After how many years.

And after that incident..

" Really? How's school? May homework ka ba today? Gagawin natin mamaya sa bahay okay?" Sambit ko sa Anak ko, tumango tango lang siya sa akin. Kapareho ko siya ng ugali pagdating sa pagkain, kapag binigyan mo lang ito ng chocolate ay tatahimik na sa isang lugar. Pero pinagbabawal ko pa rin ito kung minsan dahil sa ngipin nito, masama naman kung palaging naka chocolate.

Nag out na ako kaagad nang nakarating na si Yevhen dito sa Opisina ko sa Ospital. Nagpaalam na din siya sa mga Nurses na nandito, bago na silang lahat, iyong dating nandito na mga nurses noon, wala na, sa ibang ospital na sila lumipat, o napunta, pero mababait naman iyong mga nandito, close na close nila si Yevhen. Sinakay ko na ang anak ko sa sasakyan, si Ashton ang nagsusundo sa kaniya sa hapon, tapos sa umaga, ako na. Sabay nalang kaming uuwi sa hapon.

Sinukbit ko na ang seatbelt niya, at saka niya nilagay sa gilid niya ang lunchbox na ang design ay police.

" Mommy, you promise me tomorrow that we will go to the park, right? After school?" Muntik ko ng makalimutan ang isang iyon.

" Yes, Anak. Tomorrow, I will fetch you with Tito Ashton, then, we will eat dinner at the park, is that okay?" 

" Yes, Mommy!"

Let me explain. Yevhen, is my son, with Clay. Nakaligtas ako noong araw kung kailan ako nabaril. Kinuha ako ng mga magulang ko. Hindi nila ako hinayaan na makalapit kay Clay noong gabi na iyon. Noong gumaling ako, sinabi sa akin na buntis ako, at si Yevhen nga iyon. Alam ni Ashton lahat, pero kahit ganoon, nangako siya saakin na hindi niya sasabihin kay Clay ang tungkol dito. Bilib nga ako kasi kahit na madalas silang magkita ni Clay, hindi niya sinasabi ang tungkol sa Anak namin.

Gusto ko din naman na sabihin kay Clay, pero hindi ako sigurado kung may asawa o iba na ba si Clay, anim na taon na din ang nakalipas, siguro naman nakalimutan niya na ako, o baka nakalimutan na niya ako. Pero sana huwag, para naman kahit papaano, kapag nagkita sila ng anak namin, wala siyang kaagaw sa oras.

" Lola! I'm home!" Sigaw ni Yevhen nang buksan niya ang pintuan, kusa na niyang iniwan sa lapag ang bag niya at saka siya tumakbo papalapit sa mga magulang ko. Tuwang tuwa naman na hinalikan ni Mama ang anak ko.

Umakyat ako matapos kong magmano sa mga magulang ko. Magpapalit muna ako bago ko paliliguan ang anak ko. Mabuti ang pala at payag si Ashton na siya ang nagsusundo kay Yevhen, close na close din silang dalawa, mukha nga daw silang mag ama kapag magkasama. May naririnig akong balita kay Clay, tuwing galing si Ashton sa meeting nilang magkakaibigan. Napapangiti nalang ako, masaya ako na ayos pa siya. Alam kong hindi madali ang naging paghihiwalay namin ni Clay, nakaka trauma, pero wala kaming choice, nangyari na e.

Bumaba ako para pakainin ang anak ko, nakaluto na din naman ang kasambahay namin, kaya pakakainin ko na siya. Masaya nga ako, kasi hindi sakitin si Yevhen, monitor ko naman lahat sa kaniya, bilang isang Doktor, hindi ko hinahayaang magkasakit ang anak ko.

" Yevhen, after this, you have to take your medicine, take a bath, and then do your homeworks, because, tomorrow you have to get up early for school, okay?" Paliwanag ko sa anak ko, tumango naman siya sa akin. Ito ang ayaw ko sa kaniya e, ang pag eenglish at pagngiti ngiti sa akin ng ganito. Tuwing ginagawa niya iyon ay naaalala ko si Clay, hawig na hawig niya ang Papa niya. Kahit sa simpleng ngiti niya ay naaalala ko ang Papa niya.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now