Chapter 11

38 30 0
                                    

" Why did you do that?"

Gulat na sambit ni Clay sa akin. Umiling nalang ako at saka ko siya inayos ng higa. Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kaniya.

" Clay, you are not fine. May ibang doktor doon, hindi ako maniwalang wala, gusto lang nila akong tawagin kasi-"

" Kasi ano?" Tanong niya sa akin. Napalunok ako.

" I think, Director Ashton, likes me." Ngumiti ako. Tumango naman siya. He caressed my hands, napakaliit ng kamay ko kapag ilalapit sa kaniya. Mukha akong duwende.

Hindi naman siguro ako magsisisi sa desisyon ko na hindi sumipot sa pagoopera? Kapag iniwan ko si Clay ay walang magaasikaso sa kaniya, hindi din naman ako makakalabas dahil baka hindi pa maayos ang sitwasyon doon, hindi pa kasi bumabalik ang lalaki kanina para balitaan ako. Dito na muna ako kay Clay, mas kailangan niya ako ngayon.

" He likes you? Sa tingin ko din, nasa iyo na ang lahat, Uriah, kaya hindi ako magtataka kung walang magkakagusto sa iyo." Bumusangot ako.

" But you're my husband, Clay, wala dapat lalapit sa aking ibang lalaki kundi ikaw lang, nabasa ko iyon sa kontrata-"

" You're mine, Uriah.."

Nang makalinis na ako ng aking katawan ay saka na ako bumalik sa kwartong iyon ni Clay, siguro ay dito na muna kami dahil mas ligtas dito at sila sila lang ang nakakaalam nito. Bumukas ang pintuan ng kwartong ito, nakita ko ang lalaki kanina na naglagay dito kay Clay, tumayo ako para salubungin siya, tulog kasi si Clay kaya hindi pwedeng magingay.

" Ma'am, maayos na po sa labas. Wala na pong barilan na nagaganap, ipapasara po muna namin ang buong bahay, kung may ipapabili po kayo sa labas, ilista niyo nalang po at kami na ang bahalang bibili niyon." Nag isip ako ng bibilhin, lahat naman narito na sa bahay ni Clay, kumpleto din siya sa gamot at kung ano ano pa. Kaya siguro wala na.

" Wala na po siguro, Kuya. Magiingat po kayo sa labas, at sabay sabay na po tayong kumain mamaya." Ngumiti siya sa akin, tumingin siya kay Clay, kaya naman napatingin din ako, gising na pala siya.

" Sige po, Ma'am, pindutin niyi nalang po ang pulang button kapag may kailangan kayo, nasa labas lang po kami." Sabi niya.

" Salamat po." Nang makaalis na siya ay saka na ako lumapit kay Clay, kinapa ko din ang kaniyang noo at leeg kung nilalagnat ba siya, hindi naman, kaya napahinga ako ng malalim, siguro ay wala na ang lason sa katawan niya, mabuti naman.

" What's wrong, Clay? Bakit ang bilis ng tulog mo?" Malambing na tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at saka siya humarap sa akin.

" I am worried, baka lumabas ka doon, kaya mabilis lang akong natulog." Tumango ako.

" Hindi ako lumabas, Clay. Naglinis lang ako ng katawan ko, at saka na ako bumalik dito kaagad. Matulog ka pa ulit, Clay, nandito lang naman ako sa tabi mo." Pagpapakalma ko dito, hinawakan niya ang kamay ko, at saka siya pumikit muli, hinagod ko ang kaniyang buhok para madali siyang makatulog, mabuti nalang at nakatulog naman siya kaagad.

Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking kamay ay agad ko itong kinuha, kailangan kong ipaimbestiga ang kahulugan ng logo na naroon sa bala na tumama kay Clay.

" Hello? Mr. Tugade?" Tanong ko sa abogado ng aming pamilya. Sa kaniya ko nalang ipapaasikaso ang lahat, at kapag pwede ng lumabas ay saka na ako mismo ang kukuha nito.

Hinawakan at tinignan ko ang bala na tinago ko sa aking bag, inilagay ko ito sa isang supot at saka ko isinilid sa aking bag kanina nang matapos ang operasyon.

" Ms. Fraunliebe? What can help you?" Tanong nito.

" May bala akong nakita, galing sa inoperahan ko, may logo ang bala kaya alam kong may ibang kahulugan iyon, pwede mo bang paimbestigahan ang bala na ito?" Nakikiusap kong sambit dito.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now