" Clay, may problema ba?"
Tanong ko kay Clay habang nasa loob kami ng sasakyan niya, nagmamaneho na siya pabalik sa bahay namin. Nakaluto na siguro ang mga kasambahay doon kaya naman kakain nalang kapag uuwi na. Mabuti iyon dahil napagod ako makipag chismisan sa mga tauhan niya doon.
" Nothing, Uriah. Just stay beside me, every single time. Magpaalam ka kapag may pupuntahan ka." Matigas na sambit niya. Napatango naman ako sa sinabi niya. Ano kayang problema? Bakit kanina ay takot na takot siya nang hindi niya ako mahanap sa paligid ng opisina niya?
Tinignan ko ang isang kamay niya, nakakuyom ito at nagiigting din ang kaniyang panga. Bumusangot ako ng makita siyang ganon.
" Clay, alam ko may problema-"
" Just stop talking, Uriah, could you?! I am thinking and I am worried about you!" Nanlaki ang mata ko sa sigaw niya.
Agad akong lumunok at dahan dahan akong tumango. Hindi na ako muling tumingin pa sa kaniya. Natakot ako ng husto sa pagsigaw niya. Gusto ko lang naman pakalmahin ang kalooban niya, pero napasama ata. Lagot.
Hanggang sa makauwi kami ay hindi ako lumalapit sa kaniya o tumitingin man lang. Nauna siyang lumabas, alam kong pagbubuksan niya ako ng pintuan kaya naman nauna na akong bumaba sa sasakyan niya. Hindi ko siya tinignan sa mga mata niya. Kinuha ko ang aking bag at saka na ako naunang pumasok sa loob ng bahay.
" Magandang Gabi po, Ma'am. Akin na po ang bag ninyo, ilalagay ko na po sa kwarto ninyo ni Sir."
" Salamat po."
Diretso akong lumakad papunta sa kusina. Nakahanda na nga ang pagkain namin. Alam kong may kausap pa si Clay kaya naman nauna na akong nagsandok ng aking pagkain. Kaunti lang ang kinuha ko, dahil baka maabutan niya ako at kausapin, tapos kapag magsasalita ay magagalit naman, ano bang problema non?
" I'll call you later. I need it tonight. I'll wait for you." Narinig ko na si Clay kaya naman inubos ko na ang nasa plato ko, uminom ako ng tubig pagkatapos at saka na ako tumayo para tumaas na sa kwarto namin.
Iniisip ko kung doon ba ako matutulog ngayon? I mean, ganoon sa magaasawa. Kapag may problema sila o may galit sila sa isa't isa ay hindi sila magtatabi ng kwarto. Kaya naman naisipan kong matulog nalang muna doon sa isang guest room na may mga unan at kumot sa loob.
" Ate, doon na po muna ako sa guest room na maayos na. Pansamantala lang naman po." Sambit ko sa ate na nag aayos ng gagamitin ko para sa paglilinis ng aking katawan.
Agad na nakita ng mga mata ko si Clay na palapit sa aming dalawa.
" Bakit doon ka matutulog?" Tanong ni Clay. Agad namang yumuko at nagpaalam na ang babae na aalis na. Nang makaalis na siya ay dalawa nalang kami ni Clay na nasa hallway ng bahay niya ang narito. Umiwas ako ng tingin, hanggang ngayon ay hindi ko parin siya tinitignan.
" Wala, galit ka e. Nasigawan mo nga ako kanina." Bumusangot ako sa harapan niya. Agad naman siyang yumuko at inayos ang polo niya.
Pinagsalikop ko ang aking mga kamay patalikod at saka ako lumingon lingon sa paligid para hindi magtama ang mata naming dalawa.
" I'm sorry, okay? I'm just worried about you." Inilagay ko ang kamay ko sa harapan niya, at saka ako lumapit dito.
Nagtama na ang mga mata namin sa mga oras na ito.
" You are mad. Ganiyan ka mag alala? I am peacefully talking to your employees, and you are so mad when you enter the room. You grabbed me for no reason, I am trying my best to calm you earlier but you scolded me, you shout at me, now, you are telling me that you are worried? You're weird, Mr. Lascaux." Mahabang litanya ko sa harapan niya.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...