" Good Morning, Mommy. Me and Daddy cook breakfast for you."
Nakatanggap ako ng bulaklak galing kay Clay, at Yevhen. Tinanggap ko naman ito kaagad. Nag ayos na ako ng aking sarili. Nadatnan kong nakahanda na nga ang lamesa sa ibaba. Mamaya nalang daw kami maliligo, sa pool.
Pinaghila ako ng upuan ni Clay, ngitian ko naman siya doon.
" Wow, you really did a great job today, Yevhen. Make sure this food is nice, okay? Kapag hindi ito masarap, hindi tayo maliligo sa pool." Hinawakan naman ni Yevhen ang kamay ni Clay. Tumawa naman si Clay sa ginawa niya.
Kinuha ko ang aking kutsara, at saka ko tinikman ang pagkain na niluto nila. Masarap naman siya, kaya lang kailangan nating pakabahin si Yevhen. Let's see kung sino ang kakampihan ni Clay.
" I think, we can't go to pool, Yevhen." Bumusangot kaagad si Yevhen. Agad namang umaktong iiyak siya.
" Dad, I thought you know how to cook!" Reklamo ni Yevhen. Agad naman akong tumawa sa kanilang dalawa.
Tinignan ako ni Clay, agad naman niyang niyakap ang nagmumukmok na si Yevhen.
" I'm just kidding you, Anak. It's good."
" Yehey! Come on, Dad. Let's swim!"
Agad silang tumayo papunta sa pool. Hindi naman ako handa sa pagligo kaya naman ganito na siguro ang gagamitin kong pangligo. Hinila ako ni Yevhen. Kaya sumama na ako.
" Mom, be careful! Dad! Go get my Mom!" Sigaw ni Yevhen sa aming dalawa ni Clay. Kinuha ni Clay ang aking kamay, at saka dahan dahan kaming bumaba sa pool. Hinapit ni Clay ang aking beywang, bumagsak kaming dalawa sa tubig.
" Be careful, Doktora.." Malambing na sambit ni Clay. Hinalikan niya ang aking labi, sumagot naman ako doon. Hindi na namin napansin si Yevhen, dalawa nalang kami ni Clay na nasa gilid at naguusap, napasigaw pa ako nang maramdaman kong sumiksik si Yevhen sa gitna namin ni Clay, binuhat naman ni Clay si Yevhen para hindi siya mahirapan. Pinabawasan pala ang pool, kaya mababaw na ito.
" Mom, you look good with Dad." Puri ng anak ko sa aming dalawa.
" I know, Yevhen." Sagot ko naman sa kaniya.
Ilang oras kaming nagbabad sa tubig. Hanggang sa ramdam ko na ang lamig, kaya pinaahon ko na si Yevhen at saka ko siya nilagyan ng towel. Clay wants to know how to take care Yevhen, kaya tagautos muna ako today.
" You have to take a shower, upstairs, Love. And after that, Daddy Clay will put your clothes on." Sabay silang tumaas sa kwarto. Masaya pala magka pamilya, kahit na tatatlo palang kami, hindi boring, I mean, masaya, sobra. Lahat ng ginagawa ko noon, hindi ko na pwedeng gawin ngayon, tinigil ko na din ang pag inom, kahit na shots lang ang ginagawa ko. Lahat din ng gamit ko noon, kung bumibili ako linggo linggo, ngayon, hindi na. Kay Yevhen na lahat ng damit na ibinibili ko.
" You want me to take a shower with you, Uriah? I can put your clothes on, too." Binato ko si Clay ng tuwalya. Nasalo naman niya iyon.
" Don't talk like that when Yevhen's around." Pinanglalakihan ko pa siya ng mata. Nagsorry naman siya sa akin.
Doon sila sa kwarto ni Yevhen naligo, doon naman ako sa kwarto ni Clay. Kailangan pala naming kunin ang mga gamit namin sa bahay. Dito na daw kami matutulog at titira. Pumayag naman ako, ayaw na din kasi ni Yevhen na umalis dito, kaya hindi naman ako makatanggi. Masaya ang anak ko dito, kaya hindi ko siya pipigilan.
" Mom, where are we going?" Tanong saakin ng anak ko. Tinignan niya si Clay. Nakasuot sila ng ternong damit, hindi ko alam kung saan nila nakuha.
" Kukunin na natin lahat ng gamit natin sa bahay, kasi dito na tayo titira. Babalik tayo dito, don't worry." Tumango lang naman siya. Hindi parin ako makapaniwala. Nasa loob ako ng sasakyan ni Clay, habang hawak ang anak namin. Hindi ko inakala na magkakasama kaming tatlo, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya na makita ang mag ama ko na nag uusap, naglalaro, at kung ano ano pa.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...