" Shit!"
Naririnig ko pa rin ang mura at galit ni Clay sa labas ng aking opisina. Dito niya ako diniretso sa ospital na pinagta trabahuan ko at saka sa opisina niya ako pinunta para hindi kami siguro masundan ng kung sinong sinasabi niyang nakasunod sa amin.
" Hindi naman malala at malalim ang sugat mo, Doktora. Mabuti at diyan lang po banda." Nginitian ko naman ang nurse na tinawag ni Clay. Kilala ko naman siya kaya walang problema.
Si Clay ay agad na pumasok nang makita na tapos na akong magamot.
" You can now leave."
" Excuse me, Sir."
Ngumiti lang ako sa nurse na iyon dahil baka hindi na siya makapag paalam sa akin. Nahihiya siguro. Kaya naman dire diretso siyang umalis. Hinintay ni Clay na sumara ang pintuan, at saka niya ako tinignan ng nakakatakot sa aking mga mata.
Napalunok ako.
" Clay, sabihin mo saakin kung magagalit at sisigawan mo ako, tatakpan ko ang tainga ko." Sambit ko sa kaniya. Sumandal ako sa gilid ng lamesa ko at saka ko tinakpan ang isang tainga ko gamit ang kamay kong walang benda.
" Baby, I'm not mad." Malambing na sambit niya sa akin. Napakagat ako sa aking labi nang makita ko ang pintuan na nakabukas ng kaunti at may nakasilip na ilang mga doktor at nurse. Kahit sa bintana ay may nakasilip din.
Hinawakan niya ang kamay ko na may benda at saka niya ito hinalikan.
" Clay, sorry, pinakialaman ko kasi ang regalo na hindi naman pala totoong regalo. Akala ko regalo iyon na may magandang gamit na laman. Kaya nauna na akong buksan iyon bago ka. Mabuti at ako ang nasugat, madami ka pang papel na pipirmahan, hindi ba?" Mahabang sabi ko kay Clay. Ngumisi naman siya sa sinabi ko.
Hinawakan niya ang beywang ko at saka siya lumingon nang kaunti sa pintuan, baka alam niyang may mga tao doon.
" Hindi ako papasok ng ilang araw, doon tayo sa bahay maghapon. Hindi tayo lalabas." Sambit niya.
Hinila niya ang aking beywang at saka niya inilapit ang labi niya sa akin.
" Let's go home, Baby." Inalalayan niya ako matapos magtama ang aming mga labi. Kinuha niya ang aking bag at saka kami naglakad palabas ng opisina ko. Agad naman na umalis at umayos ng tayo ang mga nurse at doktor na nasa pintuan kanina.
Kinuha ng mga kasambahay ang gamit ko. Hindi naman ako umangal dahil may benda din ang isa kong kamay.
" Clay, kanina pala. Iyong box na iyon, bakit ganoon? May kaaway ka ba? Nakakatanggap ka ba ng death threats? May gusto bang pumatay sayo matagal na?" Tanong ko naman sa kaniya. Ngumisi lang siya at saka siya umayos ng tayo sa aking harapan.
" Yes. Mayroon, at dahil nalaman nilang may asawa na ako, pati ikaw gusto nilang idamay-"
" Edi ito na ang tamang panahon para magkunwari tayong magdidivorce na! Tama na ito! Ito na ang dapat nating gawin ngayon." Sinamaan niya ako ng tingin sa sinabi niya. Agad naman akong bumusangot sa reaksiyon niya.
Why is he like that? What's the matter?
" Uriah, mas lalo ka nilang susundan. Pipilitin ka nilang magsalita tungkol sa akin, sa mga impormasyon na tungkol sa akin." Tumango naman ako sa sinabi niya sakin.
" Clay, paano kapag sa oras na natakot ako? Na pakiramdam ko hindi na ako ligtas? Paano kapag ayaw ko na? Paano kapag ayaw kong maging asawa mo sa susunod na mga araw?" Tanong ko. Hinalikan niya ako. Malalim. Hinawakan ko ang batok niya para mas mahalikan ko siya ng mas malalim.
Bakit ako sumasagot? Bakit ako ganito? Bakit hindi ako umiiwas? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
" Clay-"
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...