" Ang ganda ng singsing niyo, Ma'am. Pwede ba isanla yan?"
Natawa ako sa sinabi ng mga Nurse nang makita nila ang singsing ko. Agad nila itong napansin dahil sa laki ng diyamante nito sa gitna.
" Hindi pwede."
Nang matapos sila ay dumiretso na din ako sa opisina ko, kaya lang ay tinawag nila ako, hindi pa nakakapasok sa opisina.
" May naghahanap po sa inyo." Tumango ako.
Dumiretso ako sa kwarto kung nasaan ang pasyente. Agad akong napatingin sa lalaking nakaupo at inaasikaso ng Nurses. Napaurong pa ang isa kong paa nang makita siya. Bakit narito iyan?
" Doktora Fraunliebe? Ikaw ba ang asawa ni Mr. Lascaux?" Napailing ako sa sinabi ng lalaki. Siya iyong lalaki na nilapitan noon ni Clay dito sa Ospital at pinabura lahat ng record niya.
Bakit niya ako hinahanap?
" Hindi na-"
" Pero bakit nasa iyo parin iyang singsing na iyan?" Napatingin ako sa singsing na hawak ko. Nanlaki ang mga mata ng mga kasama ko, nang naglabas ng kutsilyo ang lalaki at saka niya ito itinutok sa tagiliran ko. Hindi naman ako gumalaw.
" Kailangan kong makita ang Lascaux na iyon." Sumisigaw na ang mga Nurses na kasama ko dito sa loob, nilock din ng kasama nila iyong pintuan, kaya hindi kami makakalabas dito.
Nanggagalaiti siya sa galit, nanlalaki din ang mata niya at pinagpapawisan siya. Kinuha niya ang telepono niya sa kaniyang bulsa at saka siya may tinawagan.
" Hello?" Boses ni Clay ang narinig ko. Agad na sumigaw ang mga Nurses kaya agad na nagmura si Clay sa linya.
Tinapat ng lalaki sa akin ang telepono, at mas lalong nilapit sa akin ang kutsilyo.
" Hello? Uriah? Baby? Where are you? Sinong mga kasama mo-"
" Clay? The man that you saw here in the Hospital, he's here, I'm with him, come here, please.." Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita, dinig ko ang mura ni Clay sa kabilang linya. Kinuha ng isang lalaki ang kamay ko, at saka nila ito nilagyan ng tali, ang hawak ko ay nabitawan ko na din.
Nakatutok parin ang kutsilyo sa tagiliran ko, binuksan nila ang pintuan at saka kami naglakad palabas sa hallway at palabas ng Ospital. Sumisigaw at nagtatago ang mga taong nakakakita sa amin. Napapalunok naman ako habang nakikita ang mga taong takot na takot.
" Magtago kayong lahat! Walang sisigaw! Walang magulo! Walang tatawag ng pulis! Tutuluyan ko ito!" Napakagat ako sa aking labi, lahat sila ay nagtago na sa kwarto nila. Napahinga naman ako ng maluwag dahil doon, mas mabuti na ngang naka lock nalang sila sa kanilang kwarto.
Agad akong nabuhayan nang may makita akong kotse na huminto at iniluwa nito si Clay, may hawak siyang baril, agad na tumama ang mata niya sa kutsilyo na nasa tagiliran ko.
" Mr. Lascaux, the powerful Mafia Boss of all time!" Sigaw ng lalaking nasa harapan ko.
" What do you want-"
" Ibalik mo sa amin ang perang kinuha ninyo. Hindi dapat sa inyo iyon, sa amin iyon, kaya ibalik mo na sa amin! Ganid ka, Lascaux, ninakaw mo lahat ng pera namin!" Ngumisi si Clay, kinilabutan ako doon.
Mas lumapit siya sa lalaking may hawak sa akin.
" Nasa papeles na ako ang may karapatang magmana at kumuha ng pera na iyon, pinaghirapan iyon ng Pamilya namin, kaya bakit kayo ang makikinabang?" Napamura ako nang maramdaman na ang talim ng kutsilyo sa tagiliran ko, kahit na makapal ang coat na suot ko, ramdam ko parin ang kutsilyo na nakatutok sa akin.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...