" Yes, Doktora! Kanina pa iyan!"
Natatawang sambit sa akin ng mga kasama kong Nurse sa aking duty. Duty ko ngayon, at hindi ko alam kung uuwi ba ako doon sa bahay ni Clay habang naroon pa si Astrana, hindi naman kasi siya umaalis, hindi ko alam kung bakit, pero, baka doon na si Astrana habang buhay? Biro lang.
" Nako, sa susunod na matatalo natin si Ashton sa laro, mas mahal na pagkain ang ipabili natin sa kaniya!" Tukso ko pa sa mga kasama namin dito, natalo kasi si Ashton sa laro naming dalawa, kaya naman nautusan ko siyang ilibre nalang kaming mga Doktor at Nurse ng meryenda, iyon muna, sa susunod na talo niya, mas malala na.
Tumingin sa akin si Ashton, umiwas naman ako.
" Doktora Uriah, bakit kasi hindi niyo na sagutin si Director? Nako, kung ako sayo, sasagutin ko agad, gwapo na, mayaman pa, maalagaan ka pa." Pangsusulsol sa akin ng ibang Nurse. Napailing naman ako, at saka ako sumubo ng pagkain ko.
" Trabaho muna ako, hindi pa ako handa sa relasyon, kaya huwag muna siguro."
" Pero hindi po ba may lalaking bussiness man na kasa kasama ninyo dati?" Tanong nila sa akin.
Tumango naman ako.
" Yeah, Clay is his name." Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.
" Gwapo yun e, nakita ko siya nung sinundo ka dito, Ma'am. Tatagilid ako kaagad kay Sir Ashton kapag sinabi niyang kumain na ako." Tumawa kaming lahat sa sinabi niya.
Wala akong telepono, hindi ko nadala dito sa pinagkakainan namin. Nakapatay din iyon, at kung may tatawag man, hindi ko marereceive. Baka mamaya ay tumatawag si Clay, mamaya nandito nanaman siya at susugod bigla. Nang matapos kaming kumain, nauna na ako sa opisina ko. Nag ayos ako ng mga papel, wala akong pipirmahan o gagawin sa mga papel ngayon, kanina ko pa natapos iyong mga papeles ng pasyente ko, kaya naman rounds nalang ang gagawin ko, tsaka mga check up, sa akin naka toka, kaya mahaba haba nanaman ang araw ko.
Kapag ganitong wala naman akong ginagawa masyado, nagvo volunteer na ako sa check up, mahaba kasi ang pila dito ng check up araw araw, kaya kailangan ng maraming doktor, kaya minsan, nasa check up ako. Nag ayos ako ng aking mukha at damit, saka ako dumiretso sa mga taong naghihintay ng doktor for check up.
" Hello, Doktora. Mahaba po ang pila today. Kayo lang po ang available na Doktor e." Tumango naman ako saka ngumiti.
" Ayos lang, simulan na natin, para matapos na."
Unang pasyente ko ay bata. May mga buntis din, matatanda, PWD, at kung ano ano pa. Wala namang problema sa akin, iyong iba, reseta lang ang ginawa ko, iyong iba, kailangan ipa examine, sinusunod naman nila, kaya natutuwa ako. Ilang oras ako nagtagal, saka ko nanaman naalala na nakalimutan ko ang telepono ko. Malayo pa naman ito sa opisina ko, hindi bale na.
" Magpagaling ka, mahirap magkasakit ngayon."
" Salamat po, Dok."
Halos maubos ang tinta ng ballpen at papel na gamit ko sa paglalagay ng papel, at saka mga reseta nila, lagay din ako ng lagay ng aking alcohol, nakasanayan na kasi e. Ayos na din ako ng ayos sa aking uniporme dahil bumababa na siya ng kusa.
Alas singko, natapos ako sa check up, alas singko naman kasi talaga ng hapon ang close ng check up dito sa Ospital, kaya makakaalis na ako. Hinayaan ko na ang mga ginamit ko doon.
" Salamat po, Dok. Nako, tuwang tuwa nanaman sa inyo si Director Ashton." Tumawa ako sa sinabi nila. Tinanggal ko ang aking coat, at saka ako naghandang umalis. Malayo pa ang lalakarin ko papunta sa Opisina ko.
" Walang Anuman, basta kapag libre ako, ako nalang ulit sa check up, ingat kayo pauwi." Paalam ko.
Nakaramdam ako ng init sa aking mga mata, pakiramdam ko ay may hindi tama sa loob ng katawan ko, para akong lalagnatin, pero baka hindi iyan, kaya hindi ko pinansin. Wala pa si Clay, nakakapagtaka. Nang makapasok ako sa Opisina ko, binuksan ko kaagad ang aking telepono. Agad kong tinignan ang mga messages at tawag sa akin ni Clay. Napailing ako.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...