" Clay, doon lang ako sa mga tauhan mo ha? Hindi naman ako lalabas ng building."
Paalam ko kay Clay habang kinukuha ang bag ko sa sofa ng opisina niya. Hindi ko ba alam kung bakit narito lang ako at pinagmamasdan siyang magpirma, ako naman ay nakaupo lang doon, kaya naman nakakaburyong.
" Kapag pinatawag kita sa mga sekretarya ko, kailangan ay lumapit ka kaagad."
" Okay, Boss."
Umalis ako at saka ako pumunta sa mga tauhan niya. Agad kaming nagkumpulan at saka kami nag usap usap, hindi naman magagalit si Clay dahil kausap naman nila ako, at wala naman silang masyadong ginagawa, kaya ayos lang.
" Ma'am, talaga po bang sa mga kaaway ni Sir Clay galing ang regalo na iyon?" Tanong nila sa akin, ang isa naman ay hawak ang aking kamay na may benda at nagaalala siyang nakatingin sa akin.
" Yes, sinabi mismo sa akin ni Clay, pero maayos naman ako, siniguro ni Clay iyon." Tumango sila at ngumiti.
" Ma'am, hindi na po kayo nagta trabaho? Hindi po ba ay Doktor kayo?" Tanong nanaman ng isa.
Tumango naman ako sa kaniya.
" Oo, hindi na. Pero minsan, kapag kailangan nila ng magoopera, ako ang tinatawag nila, pumapayag naman si Clay-"
" Ma'am, bakit po ayaw kayong pagtrabahuin ni Mr. Clay?" Nagkibit balikat din ako, agad naman silang tumawa.
Magaan sila kausap, hindi ako nakakafeel ng awkwardness sa kanila tuwing naguusap kami, kaya gustong gusto kong tumambay dito.
" Tinatanong ko kay Clay kung bakit pero, hindi naman siya sumasagot, siguro kasi-"
" Baka kasi Ma'am, gusto niya na ng anak kaya naman ayaw ka na niyang pagtrabahuin?" Napalunok ako sa sinabi ng isang tauhan niya. Umiling naman ako sa sinabi niya.
Umayos ako ng upo at saka ko sila tinignan isa isa.
" No, ineenjoy namin ni Clay na kaming dalawa lang muna, at saka pinagusapan na namin ang tungkol sa pag aanak kaya hindi pa ngayon iyon." Pagsisinungaling ko sa kanila. Kahit naman wala kaming pinaguusapan na ganon, sinabi ko lang, para may assurance sila at hindi sila makahalata na hindi naman talaga kami ni Clay, mas maganda ng ganito, malalaman din naman nila na nagkukunwari kami balang araw kaya susulitin ko na ang pagsisinungaling ko.
Si Clay din naman ang may kargo nito, for sure.
" Kung nagugutom kayo, sabihin niyo lang, magpapa deliver tayo ng pagkain, at saka sabihin niyo lang ang pangalan ni Clay, ako na ang bahalang magbabayad." Tumango sila. Kumuha sila ng telepono, at saka nila iniabot sa akin, napatawa naman ako.
Gutom na pala sila, kung hindi ko pa sinabi, hindi pa sila kikilos para umorder.
" Hello? This is Mrs. Lascaux, I want to order 8 boxes of pizza. Iyong overload sana, and some ice cream, salamat." Nanlalaki naman ang mata ng mga tauhan ni Clay dahil sa order ko.
Ibinaba ko ang telepono ko, at saka ako tumayo para kumuha ng bayad. Alam kong mabilis lang dadating ang order ko dahil sinabi ko ang apelyido ko.
" Saan po kayo pupunta, Ma'am?" Tanong nila.
" Kukuha na ako ng bayad kay Clay, aagahan ko na, baka magalit e." Sabay sabay kaming tumawa.
Naglakad ako magisa papunta sa opisina ni Clay, sila naman ay bumalik ata sa upuan nila. Bukas naman ang pintuan ng opisina niya, hindi ko ata naisara ng maayos? O yung sekretarya ang hindi? Ewan ko. Kinukuha ko ang telepono ko sa bag ko habang binubuksan ko nang dahan dahan ang pintuan, pero habang papalapit nang mabuksan ang pintuan ay nakakadinig ako ng boses ng babae.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...