" Uriah, if I can't call you later. Come to my office okay?"
Agad akong nagtaka sa sinabi ni Clay. Busy ba siya mamaya? Kaya hindi niya ako masusundo? O baka may pupuntahan siya?
" Why?" May inabot siya sa aking parang coin, maliit na bilog, at may ilaw sa gitna.
Pinakita ni Clay ang telepono niya at ang coin din niya sa kaniyang kamay.
" Uriah, if that coin that you are holding light up, and beep, you have to go to my office, or call Acacius, okay?" Bilin ni Clay. Kahit naguguluhan ay agad akong tumango. Nagulat ako nang bitawan ni Clay ang coin na hawak niya, tsaka tumunog ng malakas at umilaw ang coin na hawak ko.
" What the hell is this?" Tanong ko pa.
" Kapag nakuha ng iba ang coin na hawak nating dalawa, tutunog siya, kaya kapag ganoon, alam nating dalawa na nasa panganib tayo, okay? If you can't call me later or anything, I am in danger, Uriah, understand?" Agad agad kong tumango. Paano nalang ang gagawin ko kung hindi ko agad maririnig ang tunog nito. Sinuksok ko ang coin sa aking bulsa. Si Clay ay ganoon din.
Hinawakan ni Clay ang aking braso.
" Clay, bakit ka nagbibilin?"
" Just remember everything, Uriah.."
Aalis na sana si Clay pero hinila ko ang laylayan ng damit niya. Niyakap ko siya at saka ko hinalikan ang gilid ng labi niya. Wala na tong hiya hiya. Mukhang may kakalabanin siya o may kikitain siyang hindi ko kilala at alam kong masama sila.
" Clay.."
" I love you, I'm going.."
Ginawa ko lahat ng kailangan kong gawin. Hindi naman tumutunog iyong coin, kaya kampante ako. Ilang oras, naka rounds na ako, okay pa naman mag rounds kasi hindi pa naaannounce na promoted na ako. Sumilip din ako sa check ups, may Doktor naman, kaya ayos na daw na huwag na akong tumulong.
" Ma'am, hindi po ba out niyo na?" Tanong ng Nurse sa akin. Agad akong nagtaka, tinignan ko ang aking orasan. Alas singko na nga pala. Bakit wala pa si Clay? May text siya saakin kanina, oo, pero ngayon, wala na.
" Ay!" Sigaw ko nang gulatin ako ni Ashton.
" Anong problema? Bakit wala pa si Clay?" Tinulak ko agad si Ashton ng nang aasar. Tumawa naman ako, hindi niya pa pala sinasabi saaakin na Mafia siya. Ngayon na siguro ang oras para makonpronta ko siya.
Tinignan ko siya ng masama.
" Bakit hindi mo sinabi sa akin na Mafia ka pala?" Pang aasar ko dito. Tumawa naman siya sa sinabi ko. Hinila niya ako sa gilid ng pader ng isang hallway, pinakita niya sa akin ang logo sa gilid ng dibdib niya, nahawakan ko ang labi ko nang makita ko ang logo.
Pareho ito ng logo sa bracelet na ibinigay sa akin nina Acacius. Agad ko itong nakumpirma.
" Hindi ko masabi sayo, ganoon lang iyon, basta-" Nanlaki ang mata ako nang tumunog ang kung ano sa coat ko. Hawak ko na kasi sa gilid ko ang coat ko, wala na akong suot na uniporme.
Mas lalo akong kinabahan nang nakita kong tumutunog ang coin na ibinigay sa akin ni Clay. Agad akong nataranta.
Tumunog ang telepono ko.
" Ma'am, si Sir.."
" Ashton, kailangan kong pumunta sa Opisina ni Clay, may masamang nangyari sa kaniya."
Maraming tao sa labas ng building, may mga media, at may mga tauhan, may nagbabarilan din. Agad akong bumaba sa sasakyan ni Ashton, at saka kami dumiretso sa opisina ni Clay. Hindi pa kami nakakapasok sa building, may tinamaan na si Ashton, hawak ni Ashton ang aking uluhan, hindi kasi matantiya kung may ligaw na bala na dadating saamin.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...