“ Susunduin mo ako sa hapon?”
Tanong ko kay Clay nang makababa ako sa kotse niya. Nakapwesto na nga din ang mga tauhan ni Clay sa labas at buong paligid ng Ospital, kaya nakaka ilang na pumasok, para tuloy akong terorista nito. Joke.
“ Yeah, text me if you’re done. I’ll fetch you. Tawagan mo ako kung may hindi magandang nangyari.” Tumango ako.
Binigay ni Clay ang number niya. Para kung sakaling may mangyari nanaman, matatawagan ko na siya kaagad.
“ Thank you, Clay. Drive safely. I’ll wait for you.”
Umalis siya. Pumasok naman ako sa Ospital, parang walang pinagbago. Nag ayos ako ng papeles sa opisina. At saka magra rounds din ako mamaya. Kakamustahin ko din pala ang mga pasyente na nakasaksi noong nangyari nong isang araw. Baka kasi naka apekto iyon sa mental health nila kaya kailangan ko silang tignan.
“ Dra. Rounds na daw po kayo later, tapos diretso daw po kayo kay Director mamaya after non.”
“ Sige, Mitch, salamat.”
Ilang oras akong nagpalakad lakad sa buong Ospital, hanggang pang limang palapag, nilakad ko, ibang Doktor na kasi ang nagra rounds sa ibang palapag, hanggang 5th floor lang ako. Halos lahat ng kwarto, kinausap ko, chineck ko, at nagturok turok ako, kaya pagod na pagod ako. Naka heels pa ako habang naglalakad.
“ Ashton..” Hingal na hingal kong sambit kay Ashton. Agad akong umupo at nilapag sa lamesa niya ang papel na dala ko, yung ballpen din na hawak ko ay kumalat kalat na sa kamay ko.
“ Bakit hingal na hingal ka naman?” Tanong niya sa akin. Tumayo ako at nag ayos ng aking buhok.
“ Hanggang 5th floor ba naman ang lalakarin ko? Tapos lahat ng kwarto papasukin ko.” Reklamo ko dito. Tumawa naman siya sa sinabi ko.
“ Okay, hanggang 3rd floor ka nalang, gusto mo?” Umiling ako.
“ No, it’s fine. Ewan ko nga bakit ganito ako kapagod ngayon e. Pero ayos lang talaga. Bakit mo pala ako pinatawag dito?” Tanong ko dito. Tinignan niya ako sa aking mga mata.
May ibinigay siya sa aking box, hindi ko naman iyon binuksan kaagad. Tinignan ko lang muna iyon, at hinintay ang sasabihin niya.
“ I want to date you, Uriah. I want to try. You know how much I love you, since your first day in here..” Pag uumpisa niya. Tumayo naman ako at saka kinuha ang papel na hawak ko kanina, pati ang box na ibinigay niya ay kinuha ko din.
“ Ashton, sa susunod na natin pagusapan iyan. Pagod ako e.”
Bumalik ako sa aking opisina. Ibinaba ko ang mga gamit ko, at saka ako umupo sa upuan ko. Masyado ba akong mabait kay Ashton para isipin niyang papayag din ako sa kaniya kung aayain niya ako sa date? Papayag ba ako? Aayaw ako? Hindi ko alam, priority ko ang kaligtasan at trabaho ko ngayon, kung aalis ako at makikipag date kasama si Ashton, baka magalit sa akin si Clay.
Binuksan ko ang box na binigay ni Ashton, may nakasulat doon na ‘ Will you be my Girlfriend?’ Girlfriend agad? Sabi niya lang kanina, date lang. Bakit jowa agad? Napailing ako. Hindi ko nalang iyon pinansin, at saka ko inilagay sa lamesa ko.
Nang maghahapon na, tinext ko na si Clay na tapos na ako. Sasama pa akong magluto sa kaniya mamaya. Hihintayin ko nalang muna siya sa opisina ko, bago ako maga out, ayaw kong doon ako maghintay sa labas, gusto ko pang magpahinga. Tinanggal ko na ang coat ko, at saka ako nagayos ng buhok at ng mukha ko. Lahat din ng gamit ko ay ibinalik ko na sa aking bag.
“ Uriah?”
“ Come in.” Nakita ko si Clay na pumasok. Hinayaan ko muna siya dahil nag aayos ako ng aking sarili. Hindi naman na siya umupo.
Tinapon ko sa basurahan ang mga pinagkainan ko, at mga kalat ko kanina habang nagaayos ako ng papeles. Inayos ko din ang mga nagkalat na ballpen at pins sa lamesa ko. Kinuha ko na din ang bag ko nang matapos akong mag ayos.
“ Clay! Akin na yan!” Nanlaki ang mata ako nang makita ko si Clay na hawak na ang box na ibinigay ni Ashton. Alam kong nabasa niya ito, kaya alam ko na ang nasa isip niya.
Tinapon ko sa basurahan ang box na iyon, at saka ako lumapit kay Clay para makaalis na kami.
“ Are you in a relationship with your Director?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong umiling at saka tinignan ang box na nasa basurahan na. Umiwas ako ng tingin kay Clay, nakapamulsa siya sa aking harapan at saka matalim ang titig sa akin.
“ Clay, hindi. Kahit gusto niyang makipag date sa akin, hindi ko tinatanggap.” Tumango naman siya.
Nauna na siyang umalis. Sumunod naman ako, nag out na din ako at saka ako nagpaalam sa mga Nurses na nandito. Sumakay ako ng tahimik sa kotse ni Clay, yung mga tauhan niya na nasa labas kanina ay wala na din. Baka nakauwi na din sila. Babalik ulit sila bukas.
“ Wala naman bang nangyaring masama sayo?” Umiling ako.
“ Wala.”
Tinanggal ko ang sapatos ko, nasa kotse palang. Napapakagat ako sa aking labi habang tinatanggal ang heels ko. Agad akong napamura nang makitang dumudugo ang ibang parte ng paa ko, dahil sa paglalakad ko kanina. Nakita naman iyon kaagad ni Clay, kaya naman tinignan niya ako ng nag aalala.
Nagpaltos at nagsugat ang ibang bahagi ng paa ko, sanay naman na ako sa ganito, kaya naman hindi na bago ito saakin.
“ Can you walk? Maraming sugat yan, gagamutin ko pagdating natin sa bahay.” Napalunok ako.
“ I can do it, Clay. Hindi ko na kailangan ng tulong mo.”
Nang makarating kami sa bahay niya ay umupo ako kaagad sa sofa at saka ko tinignan ang kalagayan ng paa ko. Namataan naman ng mata ko si Clay na may hawak na first aid kit. Tinignan ko si Clay at saka ko kinuha ang kaniyang dala. Ginamot ko ang sarili ko, at hindi nagpatulong kay Clay kahit na gustong gusto niyang tumulong.
“ Magluluto muna ako, bago ako magpalit ng damit-“
“ Sasamahan kitang magluto, Clay, hintayin mo ako.” Tumango naman siya.
Inabutan niya ako ng slippers nang makita niya akong tapos na maglagay ng band aid sa paa ko. Tumayo ako, at saka kami dumiretso sa kusina niya. Kumuha siya ng mga lulutuin, ako naman ay nanatiling nakatayo, nakabusangot at hinihintay ang iuutos niya. Inabutan niya ako ng apron, sinuot ko naman ito kaagad.
“ Clay? Anong gagawin ko?” Tinignan niya ako.
Kumuha siya ng chopping board at saka kutsilyo, inilapag niya ito sa lamesa at saka niya ako inabutan ng bawang at sibuyas, mga gulay, at karne, agad ko naman siyang tinignan.
“ You have to cut those, Uriah. We have to cut those. Just be careful with the knife.” Tumango ako.
Sinimulan kong hiwain ang mga bawang at sibuyas, si Clay naman sa karne, at sa ibang gulay na matitigas at mahirap hiwain. Tahimik ang buong paligid, hindi naman siya nagsasalita. Naghihiwa lang kaming dalawa.
“ Clay, bukas pala, kailangan kong mag over time, baka busy ka din bukas, paano iyon?” Tanong ko dito. Tinignan niya naman ako, at saka siya umalis para magsimula ng magluto.
“ Kahit anong oras ka umuwi, susunduin kita, Uriah.”
Tinitigan ko siyang magluto, napaka professional niya palang tignan kapag nagluluto. Tinignan ko ang kondisyon ng paa ko, agad naman akong tinignan ni Clay.
“ Ayos ka lang?”
“ Yeah.”
Tinitigan ko si Clay habang busy siya sa pagluluto. Ako naman ay nakatayo nalang. Hindi din naman ako marunong magluto, kaya anong gagawin ko dito? Tinanggal ko na ang aking apron, at saka ako umalis para maupong muli, nananakit pa kasi ang ilang parte ng paa ko, kaya minabuti kong umalis muna.
“ Clay! Tawagin mo nalang ako kung tapos ka na!” Sigaw ko. Hindi naman siya sumagot pabalik, tinignan niya lang ako mula sa pwesto niya.
Tinawag niya naman ako nang matapos na siyang magluto, naka prepare na din lahat ng pagkain sa lamesa, kaya lang ay nabulabog ako nang bumukas ang pintuan, iniluwa niya si Astrana, naka dress na sobrang ikli at nakababa na ang isang strap ng damit niya, agad niyang niyakap si Clay.
Umatras agad ang paa ko, papunta na sana ako sa lamesa kaya lang, ganoon naman ang madadatnan ko, kaya huwag nalang muna. Lasing ata si Astrana dahil umiiyak ito, at saka napansin kong wala pala siyang suot na kahit ano sa paa niya. Nasaan na kaya?
“ Astrana, bakit dito ka pa dumiretso? Alam mo namang nagtatago kami dito.” May diin na sabi ni Clay dito, agad naman itong tumingin sa akin, at saka siya naglakad palapit.
Nanlaki ang mata ko nang iduro niya ako gamit ang kaniyang daliri.
“ You! You know that I love Clay, but you stayed in here. Pwede naman kasing ako nalang ang nagpapanggap, pero bakit ikaw pa? Ikaw pa na walang alam sa galaw ng mga Mafia, bakit? Kung kinuha ka ng mga kalaban, anong gagawin mo? Tignan ang heartbeat nila? What the hell?” Lumapit si Clay kay Astrana, lumapit ako sa kaniya.
“ Astrana, you’re drunk-“
“ No, I’m not. Alam ko kung anong ginagawa ko, at alam ko kung gaano ka katanga na sumama pa ulit dito pabalik. Hindi ba sinabi mo kay Hayes noon na takot kang mamatay kasi gusto mo pang makatulong sa tao? Now what? Bakit nandito ka pa? Bakit sumama ka ulit? Mahal mo si Clay?” Hinawakan ni Clay ang beywang ni Astrana para alalayan siyang makaupo sa sofa, sobrang lasing na ni Astrana, baka nga bukas, hindi niya maalala ang mga sinasabi niya sa akin ngayon.
Tinitigan ako ni Clay, nakatayo lang ako sa harapan nilang dalawa.
“ Clay, tataas muna ako, ikaw na muna ang bahala kay Astrana.” Hinawakan agad ni Clay ang aking braso. Handa na akong umakyat kaya lang ay hinila niya ako.
Umiwas ako ng tingin, hindi man halata pero nasasaktan ako sa sinabi ni Astrana, oo nga naman, bakit ako sumama kaagad? At anong gagawin ko kung nakuha nga ulit ako? May punto naman si Astrana e.
“ Uriah, let’s talk.” Umiling ako. Binawi ko ang braso ko sa kaniya.
“ We don’t have to, Clay. Her words are enough.”
Umakyat ako sa kwarto kung saan ako naka assign. Nilock ko din iyon para masigurong hindi siya makakapasok, kaya lang, naalala kong bahay niya nga pala ito, kaya baka may susi siya, wala din lang silbi. Inayos ko ang gamit ko nang makapasok ako, kailangan ko ding maligo, kaya nag ayos na ako. Hindi pa ako nakakapasok sa banyo, bumukas na ang pintuan.
Nakita ko si Clay na may dalang susi. Sabi na e.
“ Uriah-“
“ What?” Agad na tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin, at saka niya ako tinitigan sa mga mata ko.
Hindi naman ako tumitingin pabalik.
“ Shit.” Mura niya.
“ Clay, umalis nalang kaya ako? Aalis nalang ako. Astrana loves you a lot, pwede namang siya nalang, tama naman siya doon. Nakakahiya nga na pabigat ako sa laban niyo, kaya aalis na ako bukas. Ilang beses na akong natatapakan, Clay, ilang beses niyo ng minamaliit ang trabaho ko, hindi ako nag aral ng ilang taon para lang maliitin niyo, okay? Kung iyon ang gusto ng mas nakasama mo na ng ilang taon, siya nalang ang sundin natin-“ Pinutol niya ako kaagad.
“ Why are you like this?”
“ Clay? Do you think I will nod like that if I don’t love you? Sa tingin mo, sa papayag ako na um-oo at sumama sayo dito nang ganoon kadali kung hindi kita mahal? I am here because I missed you, a lot. I am here because I wanna be with you, again.” Tumulo ang luha ko. Umiwas si Clay ng tingin sa akin, ibinaba niya din ang hawak niyang susi sa kama ko.
Hinawakan niya ang aking mga braso, at hinigit ang aking beywang.
“ Marry me then. Be my wife. So that no one will degrade you, again. You have my name, no one will tell you things like this again, baby. I missed you too, Uriah. You know that.” Hinawi niya ang aking mga luha, napapikit ako nang halikan niya ang aking noo.
“ How about her? He loves you too, Clay.”
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...