Chapter 25

33 22 0
                                    

" Good Morning, Ma'am Fraunliebe."

Umattend ako nang mas maaga sa meeting namin para sa promotion ko. Hapon kasi kami aalis ni Clay. Hanggang gabi na iyon, kaya mamaya ay wala ako dito. Nandito din si Ashton, sabay na din kaming kakain ni Clay ng tanghalian kasi kailangan ko pang mag ayos.

" Ma'am, this is the memo, and nandiyan na po lahat. Iyong mga kailangan niyong gawin kapag head na kayo ng Ospital." Pag uumpisa ng Sekretarya ni Ashton.

Tumingin naman si Ashton sa akin.

" Iyong mga papel na pipirmahan mo, mas dadami iyan, Uriah. Hindi ka na din pwedeng mag rounds, kasi magfofocus ka sa papeles ng pasyente." Paliwanag ni Ashton. Napatango naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang loob ng memo, lahat ng kailangan kong gawin, narito na nga.

" Pero kung may free time ako, pwede naman akong tumulong mag rounds hindi ba?" Tanong ko dito.

" You can. Kahit sa operasyon, ikaw parin ang aasahan nila. Hindi bale, nariyan na din sa loob ng memo ang salary mo, dahil tataas na ang posisyon mo, mas malaki ang kikitain mo." Ngumiti ako sa sinabi niya. Dapat lang, ang hirap maging head. Charot.

Umalis ang Sekretarya ni Ashton. Dalawa nalang kaming naiwan dito.

" Lilipat ka ba ng opisina malapit sa akin? O ayos ka na sa opisina mo ngayon?" Tanong ni Ashton sa akin.

Nag isip ako, lilipat ba ako?


" Pag iisipan ko pa, Ashton. Maayos pa kasi ako sa opisina ko." Nahihiya kong sambit sa kaniya.

" That's okay. Inform mo ako tungkol diyan. Saka nga pala, iyong celebration o araw kung kailangan kita idedeclare as Head, sa susunod na araw na iyon. Kaya maghanda ka." Tumango ako.

Lagi naman akong naka ayos, hindi naman siguro ako magmumukhang epic kapag sinurprise nila ako. Alam naman na siguro nilang lahat na mapo promote na ako.

" Thank you, Ashton. Akala ko mamamatay akong hindi magiging head ng Ospital." Tumawa ako sa sinabi ko.

Tumayo siya at saka nag ayos ng damit niya. Humarap siya sa akin, itinukod niya ang kamay niya sa lamesa at saka niya inilapit ang labi niya sa akin. Nagkatitigan kami, mata sa mata. Nakaupo pa rin ako.

" You deserve everything, Uriah. You worked hard for this position. Keep up the good work, Dra. Fraunliebe."

Ilang oras din ang tinagal ko doon, nag usap pa kami ni Ashton, iba na din pala ang mga pipirmahan ko, kaya tinuro niya sa akin ang dapat gawin sa papel na mga iyon. At saka ang pag eencode ng pangalan ng pasyente, tinuro niya din sa akin. Kaya matagal ang naging meeting namin.

" Clay! Kanina ka pa diyan? Natagalan ako, sorry." Pag hingi ko ng tawad kay Clay, nakaupo na siya sa opisina ko, at naghihintay sa akin. Binaba ko ang coat ko, at saka ko kinuha ang bag ko.

Nakapag paalam na din naman ako kanina kay Ashton, kaya aalis na lang ako.

" Let's eat first. Binilhan kita ng susuotin mo, naroon na sa bahay."

Sumakay ako sa kotse niya. Kumain nga kami sa isang restaurant. At pagkatapos niyon, umuwi kami para magpalit ng damit ko.

" Let's go?" Aya ko ng matapos akong magpalit at makapag ayos.

Tumingin si Clay sa suot ko, mula paanan hanggang buhok ko.

" Sexy. Let's go."

Nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang lugar. Medyo may kadiliman sa labas. Pero maganda naman. Parang mansiyon din sa laki. Bahay naman ito, pero malaki nga lang. Parang palasyo. Ito siguro iyong kampo nila, o kung saan sila naguusap usap. Sa labas din, may makikitang mga targets, dito siguro sila nagpa practice bumaril. May iba ding kotse na nakapark, magagandang uri ng sasakyan. May fountain din, gumagana naman, at saka may ilaw, iyon lang ang ilaw dito sa labas. Kahit na palubog palang ang araw, madilim na dito.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now