Sana dumating ang araw na maging masipag din kayong magcomment sa bawat update ko. So sad.
________________________________
"Do you really have to go to work?" He ask while he's cuddling me . Maaga pa naman kaya heto si Simone naglalambing na parang bata sa akin dito sa kama niya.
My head is resting in his arm while he's spooning me from behind. Nararamdaman ko ang marahang paggalaw at paghaplos-haplos ng mainit niyang palad sa aking tiyan habang nakatalikod ako sa kanya.
"Wag ka na lang pumasok sa work, Baby." Sabi niya sabay halik sa nakahantad kong balikat. Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siyang patakan ng maliliit na halik ang aking balikat hanggang sa aking leeg.
" I can provide for your needs, Belle. I may not working but I have enough money for us. I have my own investments, if you're worried about it." His warm breath is fanning my neck kaya napapapikit ako dahil para akong naliliyo. Hindi rin nakakatulong ang mahinang paghaplos-haplos at pagdikit ng balat niya sa akin.
Kahit hindi niya sabihin sa akin alam kung magaling dumiskarte si Joe. Hindi na ako magtataka kung may investments na ito kahit nag-aaral pa. Kaya din siguro gusto ng Dad niya ma siya ang mag-manage sa airlines nila dahil nakita nitong magaling ang anak niya kahit na hindi ito nagseseryoso dati.
Pero hindi naman ako pwedeng umasa sa kanya. Gusto ko ring may mapatunayan ako sa aking sarili. I don't want others to think na kaya lang ako nakipagrelasyon sa kanya dahil sa pera niya. It's not like that, it's more than that.
The moment he said that I'm his and he's mine and I agreed to that, I already know what I am into. I maybe too young and naive but I know what I am doing. Yes Joe and I are...in a relationship.
Maybe it's to early to tell what I really felt about him but I know what I felt is something special. Wala naman sigurong timeline sa pag-ibig diba? You love because you love, hindi na kailangan ng rason o hindi na kailangan kung gaano kaiksi o kahaba kayong magkakilala.
"Please, Baby, don't go to work. I want to cuddle you more."
Gusto kong matawa sa paglalambing niya pero pinigilan ko ang aking sarili. Who would think na ang isang Simone Dela Vega ay ganito pala kalambing? Ang astigin at masungit na lalaki ay ganito pala ka sweet. He may be a threat for others because of his intimidating aura but they don't know that my... Joe is the sweetest. He maybe unsmiling to others but that's just his normal expression dahil kapag ako naman ang kasama niya mabilis ko lang itong napapatawa.
Kagabi pa nito sinasabi sa akin na wag na akong pumasok sa coffee shop na aking pinagtatrabhuan pero hindi ako pumayag kaya heto ngayon parang batang ayaw magpa-iwan sa akin. He's acting like a baby, my baby damulag na takot iiwan, akala mo naman kung hindj din kami magkikita mamaya.
Weird pero natutuwa ako at masaya ang puso ko na ganito ang pinapakita niya. I don't know but I feel that I'm so special to him na ayaw niya akong pakawalan. Parang gusto ko na tuloy maniwala sa kanyang ginayuma ko siya kahit hindi naman. Ni hindi nga ako naniniwala sa ganun.
"Sige na Belle, dito ka lang sa tabi ko..." hirit niya ulit. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin na parang wala talaga itong balak na pakawalan ako. Ugh! Such a warm hug from my sweet Joe, parang gustong matunaw ng puso ko. Gustuhin ko mang manatili na lang dito pero hindi pwede.
"We talked about it, right?" mahinahon kung sabi sa kanya. " I need to work for my needs Joe, I want to prove to myself that I can reach my dream, that being poor is not a hindrance for me to achieve the desires of my heart."
Marahan niya akong pinatihaya at pinaharap sa kanya. Inayos niya ang pagkakahiga ng ulo ko bago ito yumakap sa akin. The feeling is new to me. The warmth of his body is giving me different kind of comfort. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at tahimik na pinapakinggan ang banayad na tibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...