"Tita, Brute, General, can I stay here in your house 'til my wife comes back?...Please po...."
"No!" mabilis na sagot ni Gaden, nakabusangot pa. "Bakit wala ka bang bahay? Ang tagal pa babalik ni Princess, hindi pa nga sure kung babalik yun dito eh, tapos heto ka makikitira dito? No. Freaking. Way."
Montenegro is back to being annoying again. Nilagay niya pa ang naka-cross niyang braso sa kanyang dibdib at masungit na tumingin sa akin. Ang yabang talaga ng gagong 'to, samantalang noon yung hindi pa ako nagka-amnesia halos araw-araw nga sila kung guluhin ako sa condo.
Baka nakalimutan ni gago, ilang pancit canton ko ang inubos niya noon at ni minsan hindi ako nagreklamo. Tapos ngayon ayaw akong patirahin dito sa bahay nila, apaka damot.
Pero syempre para cool, I act like it's okay but at the same time I showed them my sad face para 'pag makita ni Tita papayag siya. Wala namang magagawa silang dalawa kung papayag si Tita. Takot lang nila.
"No, Mommy, please wag kang pumayag." he said like a kid throwing tanrums. "Dad, please, ayokong andito yan. Ang lakas niyan kumain uubusin niya lang yung mga pagkain ko."
Napanguso ako kay gago. Kahit na malakas akong kumain kaya ko namang bumili no. Isa pa maggo-grocery din ako para may ambag ako dito sa bahay. Hindi ako palamunin may pera din ako kung yun ang inaalala niya.
Both his parents remianed wuiet pero kita kung nag-uusap si Tita at Tito sa pamamagitan ng mga mata nila. I even sa Tita supressing her smile to his childish and annoying son.
"Bakit ka ba makikitira dito, Dela Vega? Ang laki naman ng bahay niyo ah, tsaka diba may condo ka bigay ng kuya mo doon ka na lang. O di kaya doon ka sa isla mo, diba gusto mo naman doon tahimik saka walang nanggugulo sa 'yo? If you stay here, araw-araw kitang guguluhin. You won't have a peace of mind."
Ugh! Tang-ina mo Gaden! Kung wala lang tayo sa harap ng mga magulang mo kanina po kita binigwasan gago! Bitter! Napaka-bitter ni gago! Pero syempre dapat cool lang tayo kahit deep inside nasusura na ako kay gago.
"Pasensya na po, Tita, General, ayos lang po kung hindi kayo papayag." I said in a sad tone. Nakita ko pang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni gago, siguro nakadama ng konsensya sa kagaspangan ng ugali niya kaya lalo ko pang pinalungkot ang mukha ko para talaga effective.
Malay natin baka makonsensya, diba?
"Bibisita na lang ako dito Tita, General, siguro mga 7 times a week. Ayos lang naman siguro po ano?"
Nakita kong ngumiti si Tita sa sinabi ko pati si General pero si gago lalo lang nag-isang linya ang kilay.
"Brute, ayos lang naman sayo diba?" nang-aasar kong tanong sa kanya pero hindi ako tumawa, kunwari seryoso din ako sa tanong ko.
"Anong ayos? 7 times a week ka pupunta dito, ganun pa rin yon. Araw-araw ko pa ring makikita yang kapangitan mo."
"Wow pogi? Kung makalait ah, wagas." mahinang komento ko pero alam kong narinig niya ito. Tatayo sana ito para lumapit sa akin pero sinaway siya ni Tita Sol.
"Ayos lang po ba na bibisita ako dito araw-araw, Tita, General." baling ko sa kanila. Hindi ko na pinatulan si Gaden sa pagiging isip bata niya. Not today, maybe tomorrow 'til the next days ahead, siguro masaya yon, araw-araw kaming magpipikunan ni gago.
"You can stay here." si General na mismo ang sumagot kaya napasinghap ako sa gulat. "You are my daughter's husband kaya pwede kang tumira dito sa bahay hanggang kelan mo gusto."
My mouth parted in shock. As in literal akong nakanganga sa sinabi ni General. Natawa pa silang dalawa ni Tita sa reaskyon ko.
"Yes!" napasuntok ako sa ere. "Thank you Daddy...Ay! I mean Sir General." sabi ko saka malawak ang na ngumiti sa kanya. "Thank you po Tita Sol, I promise to be a good son po para hindi po kayo mamo-mroblema. I will help you din po dito sa bahay." nakangiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...