"Bakit ba ayaw mo akong paakyatin dito, Valderama? Sino ba ang andi---"
After how many years of not seeing him I thought that everything will be fine when this day will come. Pero ngayong andito siya sa aking harapan, buhay, at nakatitig sa akin parang muling bumalik sa akin ang mga alaalang akala ko ay nakalimutan ko na.
I'm not ready for this. My heart started beating so fast again that I could feel it is hurting my chest. Suddenly I feel that my nerves are shaking. The room became hot, the surrounding became heavy. It's suffocating me. I felt something in my throat, para akong sinasakal.
I closed my eyes tightly I need to calm down. Naramdaman ko ang paglapit ni Tatay Ben sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni tatay. Alam niyang inaatake na naman ako. "Kumalma ka, anak, andito kami." mahinahong sabi ni Tatay. I tried to relax my breathing. Inabutan ako ng tubig ni Kuya Gaden na agad ko namang ininom.
Tumabi din si Papa sa kabilang side ko, marahan niyang hinaplos ang aking likod. Ang mga kaibigan ni Kuya ay natahimik. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Lahat nag-aalala. Nang kumalma na ako ay muli akong tumingin sa lalaking dumating.
Nanatili itong nakatayo sa pintuan, diritso ang tingin sa akin.
He is in his dark green three-piece, walang tie at bukas ang dalawang butones ng damit niya. His hair is texture crop top giving him a gentleman and classy look. His face looks more matured and masculine than before. Mas lumapad at mas lumaki din ang katawan niya.
Dumako ang tingin ko sa mukha niya. Ang makakapal niyang kilay ay ganun pa din mukhang palaging galit. Ang matangos niyang, ang mapupula niyang labi at ang magandang hugis ng panga ay ganun pa din ay lalo lang na depina. Umakyat ang tingin ko sa mga mata niya.
His hazel brown eyes is looking at me but I couldn't feel the recognition in it. Saglit lang akong may nakitang emosyon pero bigla ding nawala. It's like he don't know me. He didn't recognized me at all. Why? What happened to him?
" H-hi everyone. I'm sorry for barging." aniya saka mahinang sinikmuraan si Derick. Lahat ng kaibigan niya ay tahimik pa rin pero unang nakabawi si Kuya Gaden. Tatayo sana ito pero napansin kong sinenyasan ni Kuya Hendrick si Ethan at William kaya agad siyang napigilan ng mga ito.
"He's still not well, brute." dinig kong sabi ni Kuya Hendrick.
Anong not well? Akala ko ba dinala siya sa amerika para ipagamot pero bakit iba ang sinasabi ni Kuya?
Muling bumalik ang tingin ko sa kanya he looked okay from the outside but I can't see the glow in his eyes. Iba ang nakikita ko sa mga mata niya. He's not the same Joe I used to know. He may look happy but I can see the sadness in his eyes. I know because I know those eyes. I know when those beautiful pair of hazel brown eyes are happy or sad.
Bigla ko na namang naramdaman ang malakas na tibok ng aking puso ng magpang-abot ang tingin namin lalo na nang bahagya itong ngumiti sa akin na tila ba nahihiya sa kanya inasal.
"Akala ko pa naman sinong andito kayo lang pala brute." Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan niya. " Bakit hindi niyo ako hinintay? I told you to wait for me 'coz I'm coming. Ganyan na ba kayo ngayon or dati pa kayong ganyan sa akin?" may himig tampo sa boses niya pero agad din namang nawala ng isa-isang nagsitayuan ang mga kaibigan niya.
He confidently walked towards our direction. Naglakad ito palapit sa pwesto ni papa saka magalang na bumati. Lahat ay nanatiling tahimik, walang nagkalakas loob na magsalita ni isa man sa kanila na tila ba takot na magkamali. Lahat nagmamasid kung anong gagawin ni papa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...