Chapter 17

14.5K 642 372
                                    

I'm still alive but I'm barely breathing. It's been three years pero hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang sakit na aking nararamdaman. Nagmahal lang naman sana ako pero bakit ba ako nasasaktan ng ganito? 

Bakit kailangan kong maranasan ang ganitong sakit? May gamot ba na pwedeng inumin para mawala ang sakit na nararamdaman ko?

Why do I still have to feel this pain?

Do I really deserve to feel this kind of pain?

Why life is so unfair? Bakit hindi niya na lang ako tulungan makalimutan siya?

Ang tagal na niyang nawala, ang tagal ko na siyang pinakawalan pero hanggang ngayon walang araw na hindi ko siya naiisip. I miss him so much. Hindi ko alam kung ayos na ba siya? Ano na ba ang nangyari sa kanya? Pero ano ba ang karapatan ko?

I don't have any news about him. I deactivated all my social media accounts. I changed my number. I want to disappear, I want to be gone .I want to surrender. I'm so tired but I can't. I have people around who loves me, supported me and never left my side.

Akala ko ayos na ako, na kaya ko na pero bakit bumabalik na naman ang sakit?

"Tama na, please tumigil ka na..." Marahan kong hinaplos ang aking dibdib. "Kalimutan na natin siya, please...parang awa mo na."

Ilang beses ko na ba itong sinabi sa aking sarili pero hanggang ngayon hindi ko pa rin magawa. Ang sakit ay lalo lang lumalala. Parang may karayom na tumutusok sa aking dibdib sa tuwing nararamdaman ko ito. Gusto ko nang maging manhid, ayoko na nito.

I started crying hard again. Tears are continuously falling down my cheek, ayaw tumigil kahit anong pigil ang aking gagawin.

Umupo ako sa sahig at niyakap ang aking tuhod at doon ko muling binuhos ang lahat ng sakit. Napuno na naman ng hagulhol ang aking silid naputol lang ito ng hindi ko namalayang naupuan ko pala ang remote at biglang nagplay ang videong pinapanood ko kanina.

My pregnancy Journey...

"Hi D-daddy I have a good news for you..." I want to look happy but tears started pooling in my eyes as I look at the camera with my shaking hands and trembling lips. I'm holding my pregnancy test with two lines showing it to him. Supposed this is the happiest day of our lives. 

Its been two months since he left when I found out that I am pregnant.

 "I-I'm positive, Daddy. I'm pregnant, you're going to be a real daddy soon." I look straight at the camera like I was talking to him. " I know it's not possible for you to know about my situation but still I want to tell you. Joe, magiging daddy ka na. Natupad na ang matagal mong pangarap."

Tumigil ako dahil may bumara sa aking lalamunan at nahihirapan akong huminga. Tumingala pa ako para pigilang ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking mga mata pero patuloy lang ito sa pangingilid sa aking pisngi.

"Ang daya mo ang sabi mo mag-iingat ka pero ayos lang dahil iniwanan mo akong ng magandang alaala." I tried to joke and smile but I end up sobbing. Ang dami naming pangarap ni Joe para sana sa mga magiging anak namin pero biglang naglaho ang lahat.

"As much as I want that our baby will  grow with a complete family, with you and me taking care of him or her but I know it's no longer possible. Pero ayos lang..." umiiyak kong sabi. "..masakit pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na may mga bagay talaga na kahit anong pilit natin ay hindi na pwedeng mangyari."

"...ayos lang daddy,wag kang mag-alala naiintindihan ko. I promised to take care of this baby because this is the best reminder of you. Aalagaan ko magiging ang anak natin, papalakihin ko ito na puno ng pagmamahal. Sisikapin kong hindi niya maramdaman na may kulang sa pagkatao niya. " sabi ko sabay haplos sa tiyan kong may maliit na umbok. 

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon