I was left crying when the nurses came and took him out of the office. Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi pero base sa nakikita ko kanina, natatakot ako na baka lalo lang lalala ang pakiramdam niya kapag nakita niya ako. Lahat ng mga kaibigan niya sumama sa kanya, maliban kay Kuya Hendrick at kay Kuya Gaden na nagpaiwan dahil inalalayan din ako kanina.
Gusto ko siyang sundan pero natatakot ako. I'm scared that something bad might happen to him when his memories will be triggered.I'm scared maybe they will blame me. Maybe his family will blame again. His father will be mad to me again. He will repeat those hurtful words to me again.
"W-What happened to him, Kuya?" I asked Kuya Hendrick , gusto kong maliwanagan."C-Can I go with him? H-he'll be fine right?"
I'm still his...wife, right? He said that he's looking for his wife. Ako lang naman ang asawa niya diba? I should be with him.
I saw the pain in his eyes when he looked at me. I saw how the tears fall on his face when he asked why his heart beating so fast for me. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit nung nakita ko siyang nasasaktan kanina.
"I s-should be with him. I should be there on his side. He needs me...he needs me... My husband needs me. " I'm hysteric now. Lumakas na rin ang pag-iyak ko. Gusto kong sumunod sa kanya. Mabilis akong tumayo para sana sundan siya pero muli akong naupo dahil nanghina ang tuhod ko.
Mabuti na lang at mabilis akong nasalo at naalayan ni tatay. Mariin kong pinikit ang aking mga mata dahil pakiramdam ko nanghihina ang mga kalamnan ko, nahihilo ako. Nagsisimula ng manikip ang aking dibdib pero hindi ako pwedeng magpadala. Kailangang kong mapuntahan ang asawa ko.
"B-Belle, anak kumalma ka. Andito si tatay, andito kami ni papa mo." dinig kong tawag ni tatay sa akin. Nabasag na din ang boses niya. "A-anak please...kumalma ka. Inumin mo ito."
Kinuha ko ang tubig na binigay ni tatay saka ininom. I need to calm myself para makasunod ako sa kanya sa ospital. Kailangan ako ng asawa ko ngayon. Kailangan ko siyang alagaan. Kailangan kong ipaliwanag kong bakit hindi niya ako kasama. Ang dami kong kailangang gawin.
Muli sana akong tatayo pero biglang nagsalita si Kuya Hendrick.
"He had retrograde amnesia."
Retrograde amnesia? Natigilan ako, pakiramdam ko namanhid ang utak ko dahil sa sinabi ni Kuya. Alam kung may mali sa kanya kanina pero ngayong kinompirma ni Kuya Hendrick parang ayaw kong maniwala. Hindi ito pwedeng mangyari sa amin. Hindi siya pwedeng magka-amnesia. Hindi niya ako pwedeng kalimutan.
"He can only recall the events happened to him five years before he had an accident. He can't remember anything that happened after that. There are some memories that are blur to him but the doctor advised, not to force him to remember. It might worsen his case and might cause him to forget everything."
Paulit ulit akong umiling. Nag-uunahan na ang mga luha sa aking pisngi. Naninikip na ang aking dibdib at nahihirapan na akong huminga pero lahat ng ito ay balewala sa sakit na naramramdaman ko ngayon. He forgot everything about us. He forgot about me, pero ang sabi niya hinahanap niya ako. Hinahanap niya ang asawa niya. Paano nangyari?
"He came back after a year. All of us thought that he is fine, because he's back to his old self, but his memory was triggered when William accidentally mentioned your name to him. That time you're on leave and they visited me in the office. We thought that he's just joking when he acted in pain but he fainted. We had to rush him to the hospital and we found out that he is still not totally healed."
Oh God...
Akala ko sa tv ko lang makikita ang ganito pero bakit ngayon nararanasan ko sa totoong buhay?
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...