It's late pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina ko pa kasi napapansin na parang hindi mapakali si Joe. Nasa terrace ito ngayon, nakatalikod sa akin habang kausap ang friend niyang tumawag sa kanya kanina.
I noticed that he's acting strange lately. Palagi itong nagspe-space out at mukhang may malalim ang iniisip.
Actuallty, nagsimula ito nung nagkita sila ng daddy niya last month. Since that day napapansin kong mas extra protective at clingy siya sa akin na kulang na lang ay ayaw niyang mawala ako sa paningin niya. It's like he's scared of something pero hindi niya naman sinasabi sa akin kung ano yon?
Kahit nga sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko ay nakaabang siya sa akin. Wala itong pakialam kung madaming nagtataka kung bakit kasama ko ito araw-araw dahil kung siya lang ang masusunod matagal niya na akong hindi pinagtrabaho. Doon na din siya nag-aaral at sabay kaming dalawang pumapasok sa university. Palagi din kaming sabay maglunch, na minsan pati si Sam ay nagtatampo na sa amin. Lahat ng bakanteng oras niya ay pumupunta siya sa department namin at kapag labasan naman ay palagi na itong nakaabang.
Sabi nga minsan ni Sam sa kanya, grabe siyang makabakod sa akin pero tinanguan niya lang din naman ito. Ganun daw talaga kasi dapat. Ayon sa kanya, bakuran ang dapat bakuran at baka masalisihan pa siya, mahirap na.
Alam na din ni Sam na a..boyfriend ko ang kuya niya. Binalaan niya pa itong wag akong saktan kundi siya mismo ang tutulong sa akin para lumayo ako sa kanya. Pero sinagot lang siya ng kuya niya na kahit saan daw ako magtatago hahanapin-hahanapin niya pa rin ako. Wala na daw akong kawala sa aknya dahil forever na kaming magkasama sa buhay.
Napapitlag ako at muling napabalik sa kasalukuyan ng biglang bumukas ang pintuan ng terrace at pumasok ito. Nakita ko pa ang gulat sa mga mata niya ng makitang gising ako at naghihintay sa kanya.
"What happened? Are you okay?" I asked.
Pakiramdam ko kasi may mali. Hindi naman ganito si Joe dati. I think something is bothering him. He's not his usual self. Lalo pa akong naghinala na may mali dahil nung nakaraang linggo pagkatapos niyang makausap yong kaibigan niyang military na may security agency, may napansin akong mga lalaking nakamasid sa akin na para bang nagbabantay. I'm not sure though dahil kapag nahahalata nilang nakatingin ako sa kanila ay bigla lang din namang nawawala ang mga ito.
"Come here. I want hug you." I raised my hand and motioned him to come closer to me.
"Anything wrong? Are you tired? Do you want me to massage you? " sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"I'm fine, Baby, nothing wrong. I'm just talking to Hendrick about my investment." aniya at umupo sa tabi ko.
Isa rin pala ito sa nabanggit niya sa akin nitong nakaraang araw. Gusto niya pa daw dagdagan ang investments niya dahil ayaw niya daw umasa sa mga magulang niya. He never mentioned too much about his parents pero feeling ko hindi siya masyadong close sa daddy niya. Ang mommy niya lang kasi ang nababanggit niya sa akin at kung mabanggit niya man ang daddy niya dama kong may iba sa kanila, something is off.
"Ayaw mo bang e-manage ang airlines niyo?" tanong ko lang pero napansin kung medyo nag-iba ang reaksyon ng mukha niya at mukhang hindi ito komportableng pag-usapan yon kaya hindi na rin ako nagpumilit.
"Why are you still up? " malambing niyang tanong sa akin sabay halik sa gilid ng ulo ko sa halip na sagutin ang tanong ko sa kanya. Hinapit niya pa ako palapit sa kanya at pinahiga sa kanyang dibdib.
The warmth of his body is giving me comfort kaya kahit papano medyo gumaan ang aking pakiramdam. This is my favorite place, his arms is my safe haven. Payapa ang pakiramdam ko kapag nakayakap ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...