"Mommy! The pretty, smart and the beautiful soon to be the face of Cruise Asia is here!" masayang bungad ni Bella Emmanuelle sa akin. Nakadipa pa ang dalawang kamay niya at sobrang lawak ng kanyang ngiti.
She's with her nanny galing silang school. Nauna itong pumasok, habang ang yaya niya naman ay nakasunod bitbit ang pink niyang hard shell trolley bag.
Nakasunod din si Kuya Gaden sa kanila dahil siya ang nagpresentang susundo,hindi ko kasi maiwan ang bi-nake kung cake at cookies kanina.
"Magandang hapon, Ma'am Belle." bati ni Ate Anya. "Ilagay ko lang po muna tong mga gamit ni baby girl sa room niya."
Si Ate Anya ang kasama namin simula nung pumunta kami dito ni Bella, anak siya ni Manang na kasama din sa bahay ni Mommy Sol. Siya ang katuwang ko sa pag-aalaga ng anak ko nung mga panahong mahina pa ako.
"How's my very pretty, beautiful and sexy Mommy here?" pambobola ng anak ko sa akin ng makalapit kaya napatawa ako. Hindi ko alam kung saan niya natutunan ang pagiging ganito pero sa tuwing ginagawa niya ito sa akin isang tao lang ang pumapasok sa utak ko. Ang daddy niya.
"Did you miss your pretty, smart and beautiful baby with cute dimples, Mom?" nagpapa-cute nitong tanong sa akin.
Nagkatinginan pa kami ni Kuya bago sabay na tumawa.
"May pinagmanahan talaga." mahinang komento ni Kuya saka umiling-iling.
My baby girl looks so energetic in her blue uniform with knee high socks. Her brown and wavy hair is tied neatly into pony tail with one big pink ribbon in the center. Ang energy niya ay umaapaw, sobrang ligalig. Patapos na ang araw pero yung energy ng anak ko pangsimula pa lang.
Yumakap at humalik muna ito sa akin bago kumandong kay Kuya.
"How's school, Baby?" I asked. "Mommy missed you so much." Dinukwang ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Oh, same pa rin Mommy, boring..." aniya saka bumuntong hinginga pero nanlaki ang mga mata niya ng ma-realize niya ang lumabas sa kanyang bibig. "....ahm, I mean exciting pala Mom...school is exciting as usual." bawi niya sabay takip sa bibig. Nagkatinginan kami ulit ni Kuya saka nagpipigil itong matawa.
Kung meron pang isang namana si Bella sa ama niya yun ay ang pagiging mainipin nito sa klase. One time nagrequest pa ito sa akin na kung pwede ba daw idiritso ko na siya sa grade six kasi nababagot na siya sa paulit-ulit na lesson niya sa grade 1.
Akala ko ngayong nasa grade 2 na siya magbabago na ito pero lalo lang atang lumala. She doesn't want to go to school minsan, kasi palagi na lang daw siyang bored. Pero in fairness naman sa kanya, hindi naman ito pasaway sa klase at matataas din ang grades niya kahit wala masyadong class participation.
"How's your classmate, do you have friends now?"
Nabanggit sa akin ng yaya niyang muntik na silang mapaaway dahil sa sobrang tahimik ni Bella napipikon agad ito kapag may nangungulit sa kanya. She's a nice kid pero mainitin ang ulo at nung kinukulit siya ng kaklase niya nasigawan niya ito. Kapag ayaw niyang magsalita, hindi mo talaga mapipilit kasi nang-aaway pwera na lang sa amin ng yaya Anya niya.
"They are fine po, Mom. Same like before, loud, nosy, annoying and never mind..." parang matandang sagot nito sa akin. "I still don't want to be friends with them."
"Patay tayo dyan, baby princess." natatawang komento ni Kuya. " Kung ganun wala kang friends sa school?"
"It's fine, Tato." Kinumpas niya pa ang kamay niya. "I have my Mom, Yaya Anya, You, Daddylo and also my Mommyla...and Mommyla's new friend . I saw him feeding Rocky one time, but I didn't see his face because he's far and I also have my ate's in the Philippines." mahabang litanya niya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
Roman d'amourWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...