Chapter 23

15K 607 273
                                    

"What are you doing here, son?"  

He asked but his eyes was fixed on me. The same look I saw before, puno ng pagkadigusto.

Hindi na ako nakagalaw.Pakiramdam ko tumigil ang pagdaloy ng dugo sa aking katawan at hindi ko na alam kung ano ang tama kong gawin. Nanatili akong nakatingin sa taong nasa aking harapan at nagsimula ng manginig ang aking katawan. 

Alam kong darating ang araw na to pero hindi ko inaasahan na ngayon na ito mangyayari. Hindi man lang ako nakapaghanda, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Parang nablangko ang utak ko. Ni hindi ko kayang buksan ang aking bibig, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. 

Muling bumalik sa alaala ko ang araw na huli ko siyang nakita. Nung araw na pinamukha niya sa akin kung gaano kalayo ang agwat ng estado ng pamumuhay namin. Noong panahon ang madami akong masasakit na salita na natanggap mula sa kanya na naging dahilan kung bakit kami naghihirap ngayon ng asawa ko. Na mas pinili kong layuan ang asawa ko dahil sa takot ko sa kanya. Na naging dahilan ngayon kung bakit ako nagkaganito, na konting bagay lang nagpapaalala sa kanya hindi ko na alam paano kontrolin ang aking sarili. 

Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng takot. What he did to me left a big scar in my heart. I'm traumatized. I'm scared. He is the man who ruined my family.

Years passed but he still didn't  change. I can still see the disgust in his eyes. I can still feel how much he hated me for his son. 

Bumalik lahat ng mga alaala ko sa kanya, sa isang malupit at mapanghusgang Samuel Dela Vega. Para itong sirang plakang paulit-ulit na nagpapakita sa utak ko. 

"You're here, Samuel!" Natigil ako ng marinig ang boses na yun. Pagtingin ko sa pintuan andun si Papa kasunod si Kuya Gaden at Kuya Hendrick. Kalmadong naglakad ang mga ito at tumayo sa tabi ko.

Nakita ko ding pumasok si Sandro Dela Vega kasunod and lalaking nakita ko na noon, ang kaibigan ni Samuel, si Dela Merced at ang anak niya. Ang ibang kaibigan ni Kuya ay papasok pa sana pero agad sinara ng tauhan ni Kuya ang pintuan. 

"Good evening, General Montenegro. What a surprise! Why are you here?" he asked. Mukhang magkakilala na sila ni papa sa tono ng pananalita niya. Makikipag kamay pa sana ito pero tumango lang si Papa sa kanya. 

"I'm the one who should be asking you that, Mr. Dela Vega. Why are you here?" tumingin pa si papa sa akin saka ngumiti na tila ba sinasabing wag akong kabahan dahil nanyan sila. 

"I'm surprised to see you. What brought you here, Mr. Dela Vega?'

Kalmado ang boses ni Papa pero nararamdaman ko ang nagbabadyang panganib lalo na ng makita kong pasimpleng humawak ang kamay niya sa baril na nasa tagiliran niya.

"I'm here for my son, General. Naliligaw ata ang ang anak ko dito sa silid ng..." hindi niya tinuloy sa halip umiling-iling ito habang nakatingin saka nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga.

"Ow..so you're looking for your son. Bakit nga pala andito ang anak mo?" puto ni Papa sa kanya at tinapunan ng tingin si Joe na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. 

"Baka may binabalik-balikan." makahulugang sabi ni Dad sabay sulyap sa mag-amang Dela Merced. "You know I like this boy, I've seen him before in my house, maybe once? Twice? I don't really remember but I like his attitude."

"Yeah, right. Syempre kanino pa ba magmamana?" pagmamalaki niya.

" Yeah?" Papa chuckled. "I know your son used to hang out with my son and I don't have any problem with that but... I think I changed my mind now."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean by that Conrad?..." 

"Nothing...Forget about it." pakli ni dad. "Anyway why are you here?

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon