I'm planning to wake up early para sana makapag handa ng agahan ni Kuya at ng anak ko pero na late ako ng gising dahil sa dami ng iniisip ko kagabi. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang naging usapan namin ni Kuya tungkol sa pag-uwi namin ng anak ko.
For the past years that I've been here, nitong taon lang nagkalakas ng loob si Kuya na banggitin ang pag-uwi namin sa Pinas. Noong bago pa kami dito ni Bella, my family is avoiding to mention any of their names o kahit anong bagay na maaring makapagpapaalala sa akin doon.
My mental health is my family's concern. Kahit si Tatay Ben, kapag nag-uusap kami sa phone o nagbi-video call kami wala siyang binabanggit sa akin. They are very cautious of their words. Even my bratty friend, Veronica, pigil din ang bibig nito sa tuwing binibisita niya ako dito.
Speaking of my old friends, we re-connected. Nagkaroon kami ng mini- reunion tatlo nung minsang bumisita si Ver at nagkataon namang andito si Zia. I'm happy and proud of Alejandra, despite what happened to her she still managed to get back on the track.
Akalain mo yon halos magkaedad lang ang anak namin ni Z. But really I'm so proud of her, she is so strong na nakayanan niya lahat ng ginawa sa kanya ng lalaking yun. Kung sa amin ni Joe, ang masasakit na salita ay galing sa parents niya kay Z, ang malala dahil mismong sa lalaking pinagkatiwalaan niya nanggaling ang lahat. But still my friend managed to recover, di naman nakakapagtataka because we are born fighter. Sa probinsiya pa lang palaban na kami ni Alejandra.
Ver is doing well with her career, may anak na din siya, babae. Mas bata ito kesa sa anak namin ni Z. I don't know what's wrong with us at mukhang hindi kami maswerte sa mga lovelife namin. But well, ganyan siguro talaga ang buhay. Sometimes the odd are not in favor, kumbaga ang buhay ay weather-weather lang.
Masaklap man ang lovelife, bawi na lang sa mga bata. Atleast ang ganda naman ng mga iniwan nilang souvenirs sa amin, mga gwapo at magagandang bulinggit.
Wala na din akong balita sa dati kong matalik na kaibigan, si Samantha. But I don't have any bad blood with her. Naiintindihan ko si Sam, we're both young that time and maybe she don't know what to do. Baka din inipit siya ng daddy niya or maybe hindi niya din sinabi. I don't know, hindi rin naman na kami nag-usap after nun. Hindi ko din siya binigyan ng chance na maipaliwanag ang side niya.
Sobrang bilis ng mga pangyayari pero isa lang ang sigurado ako, dama ng puso ka na hindi rin gusto ni Sam ang nangyari sa akin...sa amin. I still consider her as my bestfriend at hindi na yun magbabago. Lumipas man ang panahon at nagkatampuhan man kami, nanatili pa rin siya sa puso ko.
"Tato stop, I c-can't...I can't breath."
Nasa hagdanan pa lang ako dinig ko na ang matinis na boses ni Bella na malamang ay nakipagkulitan na naman sa Tato niya.
It's still seven in the morning, usually my daughter wakes up late lalo na kapag walang pasok pero ngayon mas nauna pa ito sa akin.
After naming mag-usap ni Kuya weeks ago, napagdesisyunan kong tatapusin na lang ang klase ni Bella this week tapos uuwi na kami sa Pinas. Year-end na din naman tsaka ang sabi ni Bella hindi na daw siya a-attend ng year end party nila kasi wala na man daw siyang friends sa mga kaklase niya.
Mas excited pa nga itong umuwi sa Pinas. Hindi niya na ako tinantanan simula nung sinabi namin sa kanay na uuwi na kami sa Daddylo at Mommyla niya, everyday may pa countdown ito sa akin. Mas nauna pa nga itong nag-empake ng mga damit niya at hindi niya rin tinantanan si Ate Anya.
Kung may batang persistent awardee of the year, si Bella Emmanuelle na yun. Like her father, hindi talaga ito titigil sa pangungulit kapag hindi nakuha ang gusto niya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...