Prayers sa lahat ng apektado ng bagyo. Ingat po kayong lahat. Malalagpasan din natin 'to. Tiwala lang. Godbless po sa ating lahat!
————————————————————————-
"Come here, Elle, tabi tayo ng seat. May ibibigay daw na gift si Ninong Ethan sayo." Agaw ni Kuya Gaden sa atensyon ni Bella.
Tumingin sa kanya ang anak ko saka ngumiti. Agad namang tumayo si Kuya Gaden at kinuha si Bella sa ama niya. Magpo-protesta pa sana ang bata pero mabilis si Kuya, bago pa makatanggi si Bella karga niya na ito at may binubulong na.
"Gift? Toy plane?" Tanong ni Bella sa maliit na boses, sunod-sunod namang tumango si kuya, tinuro niya pa si Ethan.
"Really Tito Ninong? You will give me toy plane?" Kumikislap ang mga matang tanong niya kay Ethan na agad din naman tumango sa kanya.
"Yes!" She exclaimed." You're really the best and most handsome ninong of the universe ninong Ethan. Ikaw na ang favorite Tito ninong ko po." Pambobola niya kay Ethan na nagpatawa sa mga kaibigan nila. Pati si Papa at si Tatay ay napapailing na lang sa pagiging bida ng anak namin.
"Ayun! Manang-mana talaga." Kantyaw ni William kaya lalo kaming nagkatawanan lahat.
"Ilan ba gusto mong toy plane, baby Elle? Ayaw mo ba ng barbie?" Nakangiting tanong ni Ethan kay Bella, tinapik niya pa ang upuan sa tabi niya.
"I like plane more, Tito Ninong, because I want to be a pilot." Pagbibida niya.
Nang tingnan ko si Joe napansin kong may kislap ang mga mata niya habang nakatingin sa anak naming nagbibida sa mga kaibigan nila ni kuya na gusto nitong maging piloto.
"Your dad can give you real plane, baby. Ilan ba gusto mo?" Natatawang komento ni William na agad namang siniko ni Calyx.
"Why?"
"Pabida ka talaga." Mahinang sabi ni Calyx sa nagtatakang si William pero dinig din naman naming lahat.
"Totoo naman diba? Secret ba?" Tanong ni William, hilaw pa itong ngumiti ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
May planes si Joe? Siya na ba ang nagmamanage sa airlines nila?
Agad iniwas ni William ang tingin niya sa akin at kunwari busy-busyhan ito sa mga kaibigan niya.
"Sinong nakita ni princess sa airport, baby?" Halos pabulong ng tanong ni Simone sa akin pero mukhang narinig ni papa dahil nagsalita ito at sinenyasan kami.
"Umupo na kayo Simone, Belle. Kakain muna tayo, mamaya na natin pag-usapan yan." Sabi ni papa. Tinuro niya pa ang upuan sa kaliwa niya.
Nakaupo si papa sa kabisera, sa kanan niya ay sina Mommy Sol at Kuya pati mga kaibigan niyang maiingay. Sa kaliwa naman ay grupo ng mga tahimik. Sa kabilang dulo ay si tatay Ben nasa kanan niya si Manang Fe.
Tahimik na sumunod si Joe pero bakas ang pagkalito sa kanyang mukha. Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayang makaupo bago niya inisa- isang tingnan ang mga kaibigan niyang pasimpleng nagsisikuhan at nagpipigil ng tawa sa kanyang harapan.
Si Kuya Gaden ang nag-asikaso kay Bella. Wala namang reklamo ang anak ko dahil masaya pa itong nakipagbiruan sa mga kaibigan ni Kuya
"Ang sarap talaga ng luto ni Tita Sol, you're the best talaga Tita." Biglang puri ni William kay Mommy na sinegundahan naman ng iba.
Masaya silang nagku-kwentuhan sa mesa pero panay ang pasimpleng sikuhan nila sa tuwing nagagawi ang tingin nila sa amin ni Joe.
"You eat more baby." Sabi ni Joe habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Gaya ng dati ang malambing kong asawa ang nag-aasikaso sa akin.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...