"P-po? A-ano po ang ibig niyong s-sabihin."naguguluhan kong tanong. Naiiyak na din ako dahil naawa ako sa kanya.
Inalalayan ako ni Gaden na umupo pati ang daddy niya. Punong-puno ng luha ang mata ni General Montenegro. Binigyan pa siya ng panyo ni Gaden para punasan ito. Magtatanong pa sana ako kung bakit siya umiiyak pero biglang may nagsalita.
"A-anak..." sabay kaming tatlong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si tatay, nakatayo sa may pintuan na luhaan ang mga mata.
Bakit sila nag-iiyakan? May nangyari ba?
Dahan-dahan humakbang si Tatay Ben palapit sa akin at agad namang akong tumayo para sana magmano sa kanya pero mahigpit niya akong niyakap.
Gaya ni General Montenegro kanina, mahigpit din ang pagkakayakap ni tatay sa akin na para bang takot siyang mawala ako sa kanya.
"T-tay?" nabasag ang boses ko. "Ano p-pong problema? May nangyari po ba?"
Hindi siya sumagot sa halip patuloy lang itong umiyak sa aking balikat. Marahan kong tinapik tapik ang likod niya para kumalma siya. Masama sa kanyang kalusugan kapag na-stress ito.
Pagkalipas ng ilang minuto kumalma na si tatay at siya na rin ang kusang bumitaw sa akin. Maingat niya pang pinahid ang luha sa aking pisngi bago niya ako pinaupo. May sumilay na ngiti sa mga labi ni tatay pero nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya ng sumulyap siya kay General Montenegro, kaya gusto kong maiyak.
Ayokong nakikitang malungkot ang tatay ko. Ayoko siyang nasasaktan.
It's the first time I saw my Tatay Ben with that kind of emotion. Pero bakit naman magiging malungkot si Tatay? Anong kinalaman ng mga Montenegro dito?
"Good morning everyone." Putol sa amin ng baritonong boses.
Muli kaming napalingon sa pintuan ng marinig ang boses ni Kuya Hendrick. Sabay kaming tumayong apat para magbigay galang sa kanya. As usual he is in his authoritative and formal look again. Diritso itong naglakad palapit sa amin at bahagyang tumango sa akin.
"Please take your seat." he said and motioned the seats in front of him.
Kuya Hendrick settled in the center, Gaden and General Conrad Montenegro is on his left while me and Tatay Ben was on his right side. Ramdam kong nakatitig sa aking si Kuya Hendrick kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Sakto namang iniwas niya ang tingin sa akin at tumingin sa kaibigan niya na tila ba may pinag-uusapan sila.
Matagal bago may nagsalita sa aming lima. Maya-maya narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Kuya Hendrick bago niya tinawag ang pangalan ko.
"Belle..."he started. "I called you today not because of some work related issue and I wanna apologies for that." Isa-isa niyang sinulyapan ang mga lalaking kasama namin ngayon bago siya nagpatuloy sa kanyang sasabihin.
"Manong Ben." tawag niya kay Tatay. Nakita kong ngumiti si tatay sa kanya pero hindi umabot sa mga mata nito ang saya. Ayokong pangalanan ang emosyong nakikita ko sa mga mata ni tatay dahil ngayon pa lang nasasaktan na ako.
"I want you to meet, Lt. Colonel Gaden Lucas Montenegro and General Conrad Montenegro."
Bahagyang yumukod si tatay hawak ang kamay sa dibdib niya,bilang pagbigay galang sa dalawang lalaking nasa harapan niya.
"Gentlemen, this is Benito Saavedra, Belle Marie's...father." Napansin kong binitin niya pa ang huling salita.
Ganun din ang ginawa ng dalawang ginoo. They nodded their head respectfully to Tatay Ben.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari, palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang apat. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Kuya Hendrick. Bakit kailangan niyang ipakilala si Tatay Ben sa mga Montenegro? Lilipat na ba si tatay ng trabaho sa kanila?
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...