Chapter 20

16K 604 331
                                    

Double update sa masisipag sumabay sa tama ni author. Hahaha! Lumagpas nga ng 200 ang comments hahaha... Tawang-tawa ako sa inyo Avangers! 

__________________________________

Hindi paman lumagpas isang minuto isa-isa nang nagsipasok ang mga kaibigan ni Kuya Hendrick nagtatawanan pa ang mga ito at mukhang pinag-uusapan si Derick. Si William ang nangunguna, sumunod si Ethan, Calyx at Knight. Parang mga bata pa itong nagtutulakan papasok at ang iingay pa. Present lahat ng maiingay sa grupo nila, absent si Knoxx at Nate. 

Naalala ko pa nung bago pa akong secretary ni Kuya, wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nakakaakyat sa office ni Kuya Hendrick, hanggang sa meeting room lang sila sa baba. Pinayagan lang silang makabisita sa opisina ni Kuya nung nanganak na ako pero hindi sila pwedeng lumapit sa akin. Binawalan din silang makipag-usap. Hi o hello lang tapos diritso na sila sa loob ng opisina ni Kuya.

Maligalig ang mga ito pero pansin kong malaki ang respeto nila kay Kuya Hendrick dahil siya ang pinaka matanda sa kanilang lahat. Minsan nga natatanong ko kung paano sila naging magkaibigan dahil halos lahat sila mga bata isip maliban na lang kay Nate at kay Knoxx na halos ayaw ding kumibo. 

"Brute good morning!" Si William ang pinaka maingay sa grupo ang unang nagsalita. 

Una siyang lumapit kay papa at nakipagkamay "Good morning Tito Gen, gwapo ah! Kaya love na ka ni Tita Sol eh." nakangiting bati niya kay papa. Tinawanan lang siya ni papa at mukhang close silang dalawa. 

Sunod niyang binati si Tatay Ben, as usual kung ano-ano namang kalokohan ang lumabas sa bibig niya. "Tatay Ben ang chick hunter ng Davao, magandang morning sayo." aniya sabay kuha sa kamay ni tatay para magmano.

Sa lahat ata ng kaibigan ni Kuya Hendrick si William ang pinaka magaling mambola,  pati nga si Mommy Elize at Daddy Vince ay ka-close niya din.

Sunod na lumapit si Ethan , nakipagkamay ito kay papa at nagmano kay tatay. Mukhang wala ito sa mood ngayon dahil hindi masyadong maligalig gaya ni William. Minsan silang dalawa kasi ang pinaka maingay sa grupo at nagpapaligsahan sa mga kalokohan nila.

Ganun din ang ginawa ni Knight, himala nga at tahimik din ito ngayon kahit wala ang kambal niya. Dati kasi maingay din ito, tumatahimik lang kapag sinisita ni Knoxx.

"Tito Gen, good morning, si Tita Sol po?" Si Calyx naman ang bumati at nakipagkamay kay papa.

"She's at home." sagot ni daddy sa kanya. "We dined in your resto last week, the food is great. My wife liked the baked oysters with cheese and garlic."

"Oh thanks Tito, next time tell me when you are coming so that I can give you my treat. I will let Tita Sol, taste our new recipe, baked oysters with wild mushroom ragout and spicy butter and herbs. Perfect Tito, promise! I'm sure Tita Sol, will love it. " tumango lang si daddy.

"Tatay Ben, musta? Pogi natin ngayon ah." bati niya kay tatay sabay mano. " Punta ka sa resto may ipapakilala ako sayo dun, bagong chef, tahong ang specialty niya Tay, diba paborito mo yun?" kinindatan niya pa si tatay kaya umiiling itong ngumiti sa kanya. 

"Kami din Dude! Libre! " sabi ng mga kaibigan niya pero tinaasan niya lang ang itong ng middle finger. 

"Shut up! Hindi kayo kausap ko si Tatay Ben lang. Siya lang din ang ililibre ko. Kung gusto niyo magbayad kayo. Ang dami niyong pera ah."

"Wala kaming pera Dude." sabay pang sabi nila. 

Pati tuloy si papa natawa na rin sa inasal ng mga kaibigan niya.

In fairness dito sa mga kaibigan ni Kuya mukha lang itong maloko pero magalang silang lahat. Close ang mga ito kahit sa mga kasamahan namin sa bahay ng mga Valderama, kahit kay manang Fe nagmamano ang mga ito. Sila yong mga mayayaman na hindi nangmamata ng kapwa.

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon