"Belle" napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Sir Derick. Hindi ko alam na nakatulala na naman pala ako. Kung saan-saan na naman nakarating ang isip ko. Ni hindi ko nga namalayan na bumalik na pala siya.
"Sandro Dela Vega is outside, he wants to talk to you."
Hindi agad ako nakasagot. I was just staring at the door, contemplating on whether to talk to him or not. Natatakot ako na baka maulit lang ang nangyari kahapon sa silid ni Simone. Baka paulit-ulit na naman nilang isampal sa akin na hindi ako nababagay sa kapatid nila. Na hindi ako ang babaeng karapat-dapat na maging parte ng pamilya, na baka dudungisan ko lang ang pangalan nila.
Umupo siya sa tabi ko at naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa aking likod na tila ba pinapalakas ako.
Marahas akong napalunok dahil pakiramdam ko may bumabara na naman sa aking lalamunan. Nararamdaman ko na naman ang pananakit sa aking puso at nagsisimula ng manubig ang aking mga mata. Hanggang ngayon nahihirapan parin akong paniwalaan na natapos na ang lahat sa amin ng asawa--ni Simone.
It just means that what he had is done. My happy days are over. Hindi ko na siya mayayakap, mahahagkan at hindi ko na siya makakasama. Tapos na ang lahat. Walang nang babati sa akin sa umaga, wala ng mangungulit sa akin buong araw at hindi ko na siya makakatabi sa pagtulog ko sa gabi.
Kung alam ko lang na dadating ang araw na ito sana sinagad ko na ang lahat. Sana pinadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sana hindi na ako nagtampo sa kanya. Madaming sana pero ano pang magagawa ko? Huli na dahil sinubok na kami ng tadhana.
Masakit din para sa akin ang ginawa niya. Gusto ko siyang komprontahin. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit sa dinami dami ng babaeng pwede niyang paglaruan ako pa? Kung bakit sa dinami daming klase ng laro ito pa ang napili niya.
Ang sakit eh...ang sakit-sakit na pinadama niya lang sa akin na mahal niya ako tapos bigla niya lang pala babawiin. Sana hindi na lang. Sana hindi ako nasaktan ng ganito ngayon. Sana hanggang ngayon buo pa rin ang puso ko.
" Do you wanna talk to him? "malumanay niyang tanong sa akin. Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto ko. Part of me wanted to talk to him, to hear what he wanted to say but...but at he same time I'm scared. Natatakot akong muling marinig ang katotohanan sa kanya. He's the brother, siguro alam niya ang plano ni Simone noon pa.
Tumingin ako kay Sir Derick, kita ko ang pang-uunawa at awa sa mga mata niya.
"Don't worry about Kuya, akong bahala. Hindi ito makakarating sa kanya. Ang mahalaga ay yong gusto mong mangyari."
Tumango ako. I have to do this. Kailangan kong harapin ang kapatid niya. Kailangan kong marinig kong ano pa ang gusto niyang sabihin.
"Okay, wait for him here. I'll stay outside."aniya saka naglakad palabas.
Pagkabukas niya ng pintuan , pinapasok niya lang ang lalaki at agad isinara ang pinto. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nagbaba na lang ako ng tingin hanggang sa naramdamn kong umupo ito sa aking tabi.
Matagal bago siya nagsalita pero dinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. Siguro pinapakiramdaman niya rin ako. Hinanda ko ang aking sarili sa kung anuman ang sasabihin niya sa akin.
" I'm sorry." dalawang salita palang mula sa kanya ay nangingilid na ang luha ko. Dama ko ang kalungkutan sa boses niya, malayong-malayo sa inasal ng ama niya sa akin kahapon.
"I don't know how to start, 'coz I don't know what's your relationship with my brother but I want say thank you to you. Thank you for being there for him, thank you for helping him and thank you for inspiring him. I saw how my brother changed himself for the past months, totally different from the Simone who is a happy go lucky before. "
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...