Epilogue(Part 2)

12.1K 440 212
                                    

Today is our last day here in Davao. It's so sad na matatapos na ang bakasyon namin ng hindi ko man lang nakita ulit si baby girl. Gustong-gusto ko ng magtanong kung nasaan siya kaso ayoko namang maging target ng mga tukmol. Baka isipin pa nilang interesado ako sa whereabouts ni baby girl kahit yun naman talaga ang totoo. 

The last time I'd seen her was that in the green house. Hindi na ito nasundan kahit maaga pa akong nagpunta sa green house kinabukasan. Wala din doon ang tatay na sinasabi niya at mukhang ibang tauhan ang nandun para alagaan ang cauliflower ni baby girl.

"Brute, here's the box of your veggies." Napasulyap ako sa kahon na sinasabi ni Vin Derick. Naka-tape na ito and if I'm not mistaken ito yung cauliflower at lettuce na sinasabi ni baby girl. So tinotoo niya talaga ang sinabi niyang bibigyan niya ako ng gulay. 

That's so sweet...

I thought ako lang ang may dadalhin but then I stopped when I saw William and Calyx have this annoying smiles in their faces. 

"Bakit?" masungit kong tanong pero tumawa lang ang mga gago. 

"And here for Kuya Swiper na kamukha ni Boots, pechay for you from Dora." natatawang sabi ni William. "I don't know that you guys are eating vegetables now, galing pa talaga dito sa hacienda at...special request mula sa mga anak ng mga taga pangalaga dito huh?" the brute said smirking. 

"Yeah right, si Kuya Ethan na favorite ang Pechay ni Dora at Kuya Simone na mahilig sa cauliflower ni Marie. Naks! Ang galing ng mga brtue oh! Vegetarian..." Calyx added at nakipag-apir kay William.  

I want to erase that smirks on their faces pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. These brutes are annoying as fuck. Sa tatlong linggo naming magkakasama dito halos araw-araw, wala silang ibang ginagawa kundi ang inisin kami ni Dominguez. 

Mga gago, mga siraulo at mga isip bata!

"Daan muna akong hospital Dude, mauna na kayo sa airport." 

Nabaling ang tingin namin kay Hugo ng magsalita ito. Bitbit niya ang backpack at luggage niya at mukhang walang balak na sumabay sa amin. May isang sasakyan ding nakaparada sa unahan, siguro ito ang sasakyan niya papuntang hospital. 

Tiningnan ko ang oras sa relo ko, maaga pa naman, we still have enough time para sa flight namin. But, I am wondering kung sino ang pupuntahan ni Hugo sa hospital. The other day nawala din kasi ito, ang sabi may pinuntahan daw pero hindi naman sinabi kung saan. 

"Who's in the hospital Dude?" I asked.

Humakbang na ito papunta sa isang sasakyan ng magtanong ako. Paglingon niya sa akin, nakataas ang isang kilay niya at masungit na nakatingin sa akin. Is there anything wrong with my question? Pagtingin ko kina Guerrero at Villegas, pasimple na namang nagbubulong-bulungan ang mga ito. 

"Sinong dadalawin mo? Yan din ba ang pinuntahan mo the other day?" 

He didn't answer, instead tumalikod lang ito sa amin. Bastos ang gago!

Kinausap niya lang saglit si Valderama saka umalis na ito. Ngumisi pa ang gago bago tuluyang tumalikod sa amin. 

Gago! Feeling mo, Hugo taba!

"He's going to visit that girl with amber eyes." Dominguez said almost in a whisper dahil magkatabi kami. " I heard that the kid had an asthma attack kaya andun sa hospital kasama ang tatay niya.

The kid with amber eyes... Isa lang ang kilala kong may ganung kulay ng mata. 

"Naungusan ka na ata ni Hugo taba, Dude, mukhang binabakuran ni taba ang baby girl mo. Kung ako sayo pupunta din ako." sulsol ni Guerrero, nakangisi pa itong tumingin sa akin. Kahit hindi niya pa sabihin yun pupuntahan ko ngayon din ang bata. 

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon