"She's too young for you Dude." Agad na nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang nang-iintrigang si William na sinabayan pa ng tawa ng gagong si Villegas.
Here they are again! Ang aga pa nambubwesit na naman.
Binaling ko ang tingin sa ungas at tama nga ang hinala ko dahil nakangisi ang mga gago habang nakatingin sa akin at pasimple pa silang nagbubulong-bulungan ni Villegas.
"Don't start Guerrero, it's too early." Masungit kong sabi sa kanya pero nagkibit balikat pa si gago at lalong ngumisi sa akin.
Bakit ba kasi sinama pa ni Vin Derick ang mga gagong to dito ngayon sa hacienda Valderama? Lalo na itong si Guerrero.
Ayos lang naman sana kapag andito si gago kasi masaya ang tropa yun nga lang sobrang intrigero, chismoso, sipsip at hindi lang yun napaka-ingay pa. Kung ano-ano lang kasi ang pumapasok sa utak ni gago. Daig pa ang babae sa katabilan
"Kanina ka pa dyan nakatingin sa batang babae, kala mo hindi namin napapansin?" He said, raising his cup of coffee. Lalo pang ginanahan si gagong mag-inis sa akin dahil katabi niya si Villegas na taga sulsol sa kanya.
Tang-ina 'di nalang tumahimik at nilaklak ang mga kape nila. Hindi yong ako ang pinagti-tripan, ke aga-aga pa.
"Shut up Guerrero, stop annoying me,it's too early."
He chuckled and raised his cup para makipag-cheers ng kape kay Villegas.
Muntanga ang mga gago! Tatawa-tawa pa ang mga 'to kahit wala namang nakakatawa.
Hindi pa nakuntento at tumabi pa talaga sa akin.
"Will you please move?" Annoyed kung sabi dahil sobrang dikit nito. Siniksik pa talaga ang sarili para makita lang kong sinong tinintingnan ko.
Kanina kasi nung ako palang mag-isa dito sa terrace nakita ko ulit yong batang babaeng nakita ko kahapon kaya hindi na ako nakaalis dito dahil pinagmamasdan ko siya. Maaga pa lang busy na ito pabalik-balik sa greenhouse nina Valderama at sa kusina bitbit ang basket na may kung ano-anong laman.
Di mawala ang tingin ko sa kanya dahil sa maamo niyang mukha. Yeah, her face is so angelic. When I saw her yesterday, I know it's wrong because the kid is too young for me but I was fascinated by her beauty.
The kid owned the most beautiful pair of eyes with a distinct color, amber. Though mine is hazel brown which also captures attention especially to girls, her's is my favorite. It's very rare, and the way she looked at me yesterday it's like she hypnotized me. Hindi lang siguro ako, dahil napansin ko din ang paghanga sa mga mata ng kaibigan ko.
"Tingnan niyo si gago,muntanga! Kumikibot ang bibig parang pwet na manok." Villegas commented.
"What?" I spatted at him. "Anong kumikibot-kibot? Wala naman ah."
Agad kong tinikom ang bibig at kinunutan sila ng noo.
" Dude kilala ka na namin, ganyan ka kapag may natitipuhan ka. Pero Brute, goodness! Wag naman yung bata. Tingnan mo nga yan oh, baka di pa yan nagdadalaga e."
"Shut up!" I hissed to cover my embarrassment.
Yeah right bata pa nga ito pero bata pa rin naman ako. I'm only fifteen, hindi lang halata dahil malaking bulas ako. My dad is filipino-spanishand my mom is fil-am kaya I look mature than my age.
"Baka magaya ka dito kay Dominguez Dude." Natatawang sabi ni William at nakipag-apir pa kay Calyx. I think maaga pa lang nakalaklak na ng energy drink si gago. Ang lakas na ng tama kung mang-asar e.
"Why?" I asked,kunwari hindi interesado pero gusto kong malaman anong nangyari kay Dominguez.
"Nakipag-away dun sa batang naghuhugas ng pechay sa likod bahay. Ang ending imbes na ang bata yong inisin niya, si gago pa ang napikon nung bata. Tawagin ka ba namang unggoy at pinaakyat pa sa puno ng niyog?Tangna! Laughtrip ang batang yun ah!"
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...