Chapter 32

17.5K 617 208
                                    


"Mommy? Why are you hugging my kambal po?"

Bahagya akong lumayo kay Joe nang marinig ang boses ni Bella. Nakatayo ito ilang dipa mula sa amin at bakas  ang kalituhan sa kanyang mukha habang palipat lipat ang tingin sa amin ng ama niya. 

"OMG!" She exclaimed loudly. "You look pale my kambal. D-don't, don't pass out agai---" pagbaling ko kay Joe nakahawak na ito sa sintido niya at nakapikit na naman ang mga mata. 

"Tato! Bring water for my kambal palaboy!" malakas na sigaw ni Bella na nagpa-panic sa akin.

My daughter is right dahil pagtingin ko sa mukha ni Joe, namumutla na naman to at malapit na naman atang mawalan ng malay. 

"Relax, Daddy, calm down..." pangpakalma ko sa kanya. "I will explain everything pero kumalma ka muna..."

Mabilis na lumapit si Mom sa amin at binigyan akong pamaypay. Siya naman mahinang pinisil-pisil ang kamay ni Joe. Si Papa at si Tatay ay tumatawa lang sa amin. Mukhang tuwang-tuwa pa ang mga ito sa nakikitang pamumutla ni Joe. 

Kawawa naman ang daddy Joe mukhang naging weak ata pagkatapos ng aksidente niya. For sure, gagawin itong katatawanan ng mga kaibigan niya. Mga bullies pa naman ang mga yun.

"My goodness, son. Hanggang ngayon talent mo pa rin yan?" natatawang komento ni Papa at natatawang umiling. 

"Ano ba yan nak, kaya ka inaasar ng mga kaibigan mo e." dagdag pa ni tatay Ben. The way they talked about my Joe parang hindi lang ito ang unang beses na nahimatay siya. Kawawa naman ang asawa ko, naging laughing stock na talaga ata.

Maya-maya ay bumalik si Kuya Gaden may dalang pitsil at isang baso ng tubig. Akala ko ay bibigyan niya ng tubig si Joe pero yung isang basong dala niya ay ininom niya muna saka siya nag-ipis ng isa para kaya Joe. 

"Argh! What a disaster! Ang weak mo naman brute." pang-aasar ni Kuya kay Joe. " This is not what I expected. Nakakahiya ka naman, andito pa ang buong tropa saka yan pa talaga ang pa welcome mo sa mag-ina mo." 

Napansin ko ang pagtingin niya sa mga kaibigan niya na ngayon ay nakasilip na pala at kumukuha na naman ng video. Kung siguro wala si Knoxx, Nate at Kuya Hendrick na humaharang sa mga ito, malamang pumasok na naman ang mga ito at nakiusyuso na.

"Mom oh, si Gaden, he's making fun of me..." parang batang sumbong ni Joe kay Mommy.

I was shocked a liitle bit. He looks so closed with Mommy Sol at si Mommy naman to the rescue agad kay Joe na parang mas ito pa ang anak niya.Pinagalitan niya pa si Kuya Gaden. They look so cute, para silang mag-ina na nagkakampihan. 

"Tumigil ka sa mga kalokohan mo Lucas at puntahan mo na yong mga kaibigan mo. Kayo talaga para pa rin kayong mga bata, puro kayo kalokohan.  Lalo ka na, hindi ka man lang nahiya sa pamangkin mo. Dinaig mo pa si Elle sa pagiging isip bata mo."

"Ang lampa kasi ni Simone,Mom, nakakahiya." Kantyaw ni Kuya.

"At least hinimatay lang, e ikaw?" Ganti ni Joe sa kanya. Nakalimutan na ata nilang nakatingin si Bella sa kanila. Kung hindi pa tinaboy ni Mommy si Kuya wala pa ata itong balak umalis.

"Go to your friends Lucas, wag bitter kung walang lovelife ah. Hanapin mo si AA, para hindi itong si Simone ang pinagti-tripan mo."

Nagkakamot ng batok si Kuya at hilaw na tumawa bago ito tumalikod sa amin. Nakita ko pa ang pagsimangot niya kay Simone at pag-irap niya dito. He's back to being childish Gaden Lucas again.

But wait, alam ni Mom ang tungkol sa kanila ni AA? Well, problema na ni Kuya yun.

Nilipat ko ang tingin  ko kay Joe na ngayon ay titig na titig na sa anak namin. They are looking at each other with confusion on their faces. But for the first time, Bella Emmanuelle seems so cool hindi ito nakasimangot.

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon