Ang bilis lang ng panahon, days , weeks , months, quickly passed. Parang kailan lang nung nakilala ko si Joe, ngayon tapos na ang first semester at sa awa ng Diyos naipasa namin ang tatlong minor subjects niya. This semester naman, yong dalawang incomplete niya ang kinuha namin. We need to pass this subject dahil graduating na siya.
Busy na din siya dahil kailangan niya ng actual na training at magpapractice na siyang magpalipad ng eroplano. Nabanggit niya sa akin nung nakaraan na nakiusap ang mommy niya para makapag-start na siya. Kailangan niya ding magtraining sa management ng airlines nila. Ayaw pa nga niya sana for some reasons na hindi niya naman sinasabi sa akin pero dahil nakiusap ang Mom niya, hindi niya ito nahindian.
But despite his busy schedule he always makes sure that he still have time for me. Minsan nga naawa na ako sa kanya dahil halos wala na siyang pahinga. Late na siyang umuuwi galing sa office nila then kailangan niyang gumising ng maaga para ihatid ako sa work, tapos diritso na sa school para sa actual training.
And for my part, bukod sa part time job ko sa coffee shop kumuha din ako ng dagdag na studyante para sa tutorial ko. Kailangan ko kasing mag-double work dahil kailangan kong magpadala kina tiyang at Patricia dahil napapdalas ang paghingi nila ng pera sa akin. Nabawasan ang padala ni tatay sa kanila dahil madalas itong magkasakit. Minsan nga umaabot pa ako ng pera kay tatay.
Isa pa yan sa pino-problema ko. Noong huling kita namin ni tatay mukhang nanghihina pa ito. Ang sabi niya sa akin simpleng lagnat lang daw at maayos na naman siya.
Kailangan kong magdoble sikap dahil wala namang ibang inaasahan si Patricia. Next year magko-college na din ito, pagtulungan pa namin ni tatay ang pangpaaral sa kanya. Hindi ko naman pwedeng iasa lahat sa asawa ko. Nahihiya na nga ako kay Joe dahil minsan siya pa ang nag-aabono.
Ayokong isipin ng iba lalo na ng pamilya niya na pera niya lang ang habol ko sa kanya kaya kung maari magdouble o triple job ako gagawin ko.
Ang hirap talagang maging mahirap. Kung kasama ko ang tunay kong nanay magiging ganito kaya ang buhay ko?
Minsan kasi nakakapagod na din pero hindi din naman ako pwedeng sumuko. Hindi ko pwedeng isuko ang mga pangarap ko, lalo't gusto kong pagdating ng panahon atleast may maipagmalaki man lang ako.
Napatingin ako sa mga estudyanteng dumaan sa harapan ko. Nagtatawanan ang mga ito, masayang-masaya, maaliwalas ang mga mukha. Mabuti pa sila, walang pino-problema. Sabagay ano pa ba ang po-problemahin nila e halos lahat naman ng mga studyante maliban sa mga skolar na kagaya ko ay puro anak mayaman.
As usual nag-iisa na naman ako ngayon dahil hindi na kami magkaklase ni Sam sa ibang subjects. Nagkikita na lang kami kapag nagpang-abot ang schedule naming dalawa. Mostly lunch time na lang.
I miss her, I miss our bonding pero ganun siguro talaga ang buhay walang permanente. Lalo pang nagpapa-lungkot sa akin ay ang sinabi niyang next school year sa states na niya ipagpapatuloy ang course niya. May kumuha kasi sa kanyang malaking agency para sa kanyang modelling career. I'm sad but I'm also happy at the same time dahil matutupad na rin ang pangarap niyang maging international model.
Speaking of her, malayo pa lang malawak na ang ngiti nito sa akin. Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan, hindi pa man ito nakaka-alis nalulungkot na ako. Isa ito sa mami-miss ko sa kanya sa susunod na taon ang pagiging malambing niya sa akin.
"Babe, My Dad is very happy about Kuya Joe's achievement." masayang bungad ni Sam sa akin. Humalik pa ito sa aking pisngi sabay abot ng paper bag mula sa isang sikat na fastfood. "How are you, Babe? I miss you..."
"Ayos lang ako, Sam.I miss you too."
"Eat ka muna, you look tired. Are you sure you're okay?" umupo ito sa tapat ko. Siya na rin ang naglabas ng pagkain na dala niya. Fried chicken with rice, spaghetti and chocolate sundae.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...