Chapter 31

17K 650 271
                                    

"Alam ba ni Mommy Sol at Papa Condrad na ngayon ang dating natin, Kuya?" I asked.

We reached but I don't know what's Kuya's plan because  we are still inside the car waiting. Ilang minuto na kaming nakatambay sa labas ng mansion ng mga magulang namin pero si Kuya ay busy-busyhan pa sa cellphone niya. I don't know kung sino ang ka-chat niya pero kanina pa ito napapansing sekretong tumatawa. 

"For a while princess, may pinapahanda lang ako. Alam mo na pang-welcome ko sayo. Ilang years din kayong nawala ni baby gurl dito kaya dapat may pa-surprise si Kuya." he said smiling but I can sense that he is into something funny dahil mukhang may pinapalno itong kalokohan. 

"We missed our princess and our baby girl so much and it's supposed to be grand welcome pero ayaw mo naman kaya heto na lang muna. Wait lang saglit ah."

Aww that so sweet right? Pero ano naman kayang klaseng surprise yon?

"It's my way of saying thank you to you for making our parents happy. Ang tagal na kayang wish ni Mom at Dad at Si---Rocky na umuwi kayo dito." 

Pati si rocky nagrequest? Over naman mambola tong si Kuya pero inaamin ko, I'm touched. Mukha lang loko-loko tong Kuya ko pero sobrang sweet nito sa amin.  

"Alam mo Kuya, hindi mo na kami kailangan pang e-surprise. Helping me and my daughter is more than enough already. Isa pa, ikaw ang isa sa instrumento kung bakit nagdesisyon akong umuwi kaya ako nga dapat ang magpasalamat sayo. Tsaka miss ko na din sina Mom at Papa pati na din si Tatay Ben e."

Ilang saglit itong tumutig sa akin saka matamis na ngumiti pagkatapos muli na namang bumaling sa phone niya. Mukhang ang dami niyang kausap dahil ang bilis niyang magtype. Nakita ko pa ang dami ng laughing emojis na pinipindot niya.

Nilipat ko ang tingin ko sa labas ng sasakyan. I can't help but look at the huge house in front of us. Well lighted at maaliwalas tingnan mula dito sa labas. My ilan akong guards na nakikita sa labas ng gate. 

Mula dito sa pwesto namain maliwanag din ang poste ng ilaw na nagsisilbing liwanag sa daan papuntang main gate. 

How I miss this place. It's really good to be back home. Hindi man ako gaanong nagtagal sa pagtira dito pero nami-miss ko pa rin. I could still remember the first time I set foot on this house. Naalala ko pa ang sari-saring emosyon na nadarama ko noong unang pagtungtong ko dito. 

The mixed feelings, hesitations and and fear na baka ang asawa ni Papa ay hindi ako matatanggap at magiging kagaya lang din ni tiyang na asawa ni tatay Ben pero its was totally the opposite. Mommy Sol let me feel the love of a mother I longed for since I was a kid. She is the type of mother any children could wish for. She's so kind, gentle and loving. She accepted me and treated me as her own. 

Dito sa bahay nila nakahanap ako ng panibagong pamilya. Hindi lang ama, ina kundi nakaroon din ako ng mapagmahal at overprotective na kapatid, si Kuya Gaden. 

I can't thank God enough for all the goodness He let me experienced. That despite the hardships, struggles and hard life I experienced since my childhood, he gave me a loving family that I deserved. 

"Get ready, we're going inside." pukaw ni Kuya sa akin, bahagya pa kong nagulat lalo na ng makita ko ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi pero agad niya din namang tinago.

 "Baby are you ready for my surprise?" baling niya kay Bella na sunod-sunod ding tumango sa kanya. Nagtaas-baba pa ang kilay ni Kuya Gaden sa anak ko na kanina pa excited makita ang lolo at lola niya pati ang kung sino pang pinagbubulungan nila kanina pa.

"I'll be the one to go out first, okay? And then when one of my friends knock on the car, that's my signal that you and baby girl will come out. But you go out first and then saka mo na pasunurin si baby girl." mando niya sa akin. 

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon