Chapter 13

13.1K 489 176
                                    

Happy 9th Month Avangers!

________________________________

The next day umayos na ang kalagayan ni tatay.Nailipat na siya sa regular room pero kailangan pa naming manatili ng ilang araw bago kami makalabas ng hospital. He is still sleeping pero sabi ng doktor normal lang naman daw, hintayin lang namin na magising siya. 

Nakakalungkot tingnan ang kalagayan ni tatay. Hindi pa masabi ng doktor kung ano ang maapektuhan sa katawan niya. Pinapanalangin ko na wag naman sana malala.

"Tay, lumaban ka ha?" mahinang bulong ko.

Gusto ko na namang maiyak pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. I need to be strong for us. kagabi ko pa kinokontak si Patricia para makausap si nanay pero naka block na ata ako sa kanya. Kailangan namin sila ni tatay ngayon, kailangan ko ng tutulong sa akin sa pag-aalaga kay tatay. 

"It's fine Belle, tutulungan ka naman naming alagaan si Manong Ben hanggang sa gumaling siya kaya wag ka nang malungkot." sabi ni Ver. I heard her soft sighs, nahihiya ako sa kanila dahil pati sila nadamay sa problema namin.

Kinausap ako nina Sir Hendrick at Sir Derick na kung papayag ako doon muna si tatay sa mansion nila manatili. Mukhang narinig ni Sir Derick ang usapan namin ni Patricia kagabi dahil kanina nagtanong siya kung kinontak na ba ako ni tiyang. Nung sinabi kung hindi pa, sabi niya magpapadala na lang siya ng tauhan nila sa bahay para ipaabot ang balita. 

Pero ilang oras na ang lumipas ni period wala akong natanggap mula kina Patricia. Nakiusap na rin ako kay Aling Ineng na iparating kay tiyang at kung maari pautangin muna ng load para makatawag sa akin pero wala parin. Kung sana makausap ko sila mapag-usapan namin kung anong gagawin kay tatay. Pero kung wala talaga doon, na lang muna kami makitira sa mga Valderama. Hindi ko naman pwedeng iasa sa kanila ang pag-aalaga kay tatay kaya kailangan ko din makitira sa mansion nila pansamantala hanggang sa tuluyan itong gumaling.

Malaki ang pasasalamat ko sa mga Valderama dahil talagang hindi nila kami pinabayaan. From time to time may doktor na naka-monitor kay tatay at may kasambahay ding salitan ang pagpunta dito para tulungan ako. 

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ako lang mag-isa. I might break down. Ilang oras na akong walang tulog dahil gustuhin ko man gising pa rin ang aking diwa. Ang dami-daming pumapasok sa utak ko. Isa na doon ang asawa ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong mensaheng natanggap mula kay Joe. Na-lowbat na lang ang cellphone ko, hindi niya pa rin ako kinokontak. 

Mamaya kapag dumating ang bagong papalit kay ate makikiusap akong uuwi muna ako saglit. Titingnan ko lang kung nakauwi ba siya sa bahay. Kukuha na lang din ako ng mga gamit at mag-iiwan na lang ng note sa kanyang nasa hospital ako binabantayan si tatay. 

Saktong pagkalipas ng sampung  minuto dumating si Manang Fe, may dala itong pagkain at damit na pinadala daw ni Veronica para sa akin sakaling gusto kung magpalit.

"Ang laki mo na talaga, anak, parang kelan lang nung..." hindi niya tinuloy ang gustong niyang sabihin pero alam ko kung anong ibig niyang sabihin kaya tipid lang akong ngumiti sa kanya. Siguro nabanggit ni tatay sa kanya ang tungkol sa akin. 

"Kumain ka muna, wag mong papabayaan ang sarili mo. Malulungkot ang tatay mo kapag nagkasakit ka." parang ina niyang sabi sa akin. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. "Sige na, umupo ka dyan."

Siya na ang ang kumuha ng pagkain at ulam at nilagay sa plato. Kahit wala akong gana kailangan kong pilitin ang sariling makakain. Tama si Manang Fe, kailangan kong magpalakas. Hindi ako pwedeng magkasakit dahil walang mag-aalaga kay tatay kapag nangyari yun.

"Manang Fe, pwede po ba akong uuwi lang saglit." paalam ko. "May kukunin lang po ako sa apartment, babalik din po ako agad."

"Walang problema, Marie. Ako munang bahala dito sa tatay mo. Pwede ka ding magpahinga muna, matulog ka kahit saglit lang. " may awa sa mga mata nitong tumingin sa akin. 

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon