Chapter 30

17.2K 645 418
                                    

Nagkagulo sa likod namin bago kami umalis. May narinig akong sumigaw at mukhang may hinimatay kaya napalingon ako. I am not sure kung tama ba ang nakita ko pero mukhang nagkagulo sa grupo nina Samuel at mukhang inaalalayan siya. Bahagya akong tumigil pero mabilis akong inakay ni Kuya palabas saka dumiritso na kami sa exit kung saan naghihintay ang mga tauhan niya sa amin. 

My heart is pounding so fast na pakiramdam ko lalabas na ito sa aking dibdib. Not because I saw Samuel Dela Vega but because he saw my daughter. I'm not scared of him anymore, si Bella lang ang iniisip ko. Paano kung gagawin niya sa anak ko ang ginawa niya sa akin dati? Hindi ako makakapayag. 

And what did he do? He even have the guts to ask kung apo niya ba ang anak ko? Para ano? Para saktan niya din gaya ng ginawa niya sa akin?

Pero mukhang ibang Samuel ang nakita ko kanina? Bakit parang malungkot ang boses niya?

Anong nangyari sa kanya? 

Bakit ba kasi sa dami ng tao na dapat kong makita siya pa talaga? 

"Relax, princess, it's okay." Pagpapakalma ni Kuya sa akin. Tumango lang ako sa kanya bago ko pinakawalan ang hangin na matagal ko na palang naipon sa aking dibdib. 

Pinakalma ko ang aking sarili. Tumingin ako sa labas ng bintana ng magsimula ng umandar ang sasakyan palabas ng airport. Hindi ko muna kinausap si Bella pero dama ko ang mga tititg niya sa akin. 

Actually pagkapasok pa lang namin sa sasakyan andun na ang pagtatanong sa mga mata niya. I know any minute from now she will start asking question. I know my daughter very well. Siguro hinayaan niya muna akong makabawi lalo na at nakita niyang na-tense ako kanina.

"Mommy..." she said in a small voice.

Ito na yung sinasabi ko. 

"Yes, baby?" I said trying my best to act normal.

Matagal bago ito nagsalita pero nananantiya ang mga tingin niya sa akin. I smiled at her and caressed her cheek. "Do you want to say something, baby?"

She nodded continuously. I smiled at her again. "W-who is that man po, Mommy?" 

Nagkatinginan kami ni Kuya. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isasagot sa kanya. Ang mga mata niya ay matamang na nakatingin sa akin,andun ang kuryosidad sa mga tingin niya.

I heaved a deep breath and relaxed myself. I need to calm down para makaisip ako ng tamang isasagot sa kanya. 

My daughter is looking at me, patiently waiting for my answer. The curiosity is evident in her beautiful hazel brown eyes. Bella Emmanuelle is smart, siguro napansin nitong may hawig siya kay Samuel Dela Vega kaya ito nagtatanong ngayon. O di kaya may nasabi ang lalaki sa kanya na nagpapagulo sa utak niya. 

Based on her reaction kanina, nakakunot ang niya nong nakaharap ito kay Samuel.

"Why does the man have the same eyes as me po, Mommy? And then why he called me apo? Is he my Lolo?"

I stilled, I was stunned by her question. Hindi ko pa nga nasagot ang unang tanong niya heto na naman may kasunod na. Pakiramdam ko biglang nablangko ang utak ko at hindi ko alam ang tamang isasagot sa kanya.  I didn't expect my daughter to ask me this. Did she notice her resemblance to that man?

"He said apo ko, to me Mommy, when I bumped into him and he is crying po. He wants to hug me but I shook my head. He also called me princess po. Daddylo and papalo are my lolos right and they are the one calling me princess, but why the man called me apo? And why his eyes are sad and with tears po?"

Pakiramdam ko may bumara sa aking lalamunan at halos hindi ko malunok ang sarili kong laway. Nagpapaawa akong tumingin kay Kuya. I know time will come na malalaman din naman ni Bella kung sino si Samuel sa buhay niya pero hindi ko inaasahan na ngayon na agad yun.

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon