Chapter 26

16.5K 625 447
                                    

Nagising ako mula sa himbing ng aking pagkakatulog dahil sa boses ng dalawang lalaking mahinang nagtatalo. Ang sarap pa sana ng tulog ko---

But, wait! What!?

What the hell did just happened to me? Oh shit! Did I just fainted?! Nahimatay ako? Ako nahimatay?! Oh no!

Gusto kong kutusan ang aking sarili. It's so embarassing.

Really? Simone Jose Dela Vega, you fainted in front of your father in law and asshole brother in law?

What the fuck!? Sobrang nakakahiya, baka isipin ng pamilya ng baby ko na lampa ako.

Bwesit kasi itong si Montenegro... I mean si Gaden, may pakasa- kasa pang nalalaman si gago. Sinong hindi mahihimatay kung sabay-sabay pang magkakasaan ng baril ang mga tauhan niya na parang ipa-firing squad na nila ako?

Hindi namana ko weak diba? Normal lang naman na kabahan? Syempre hindi naman ako sanay sa ganung sitwasyon like hello? Sure, I know how to use guns but being in front of them at alam ko pang may kasalanan, for sure matatakot ka talaga.

Hindi naman ako naihi diba? Hinimatay lang? 

"I told you Lucas not to do that pero ang tigas ng ulo mo. How would you explain that to your Mom now huh?" I heard General Montenegro said to the brute. Mukha  nagpa-panic si General pati si Gaden base sa mga boses nila.

Ididilat ko na sana ang mga mata ko pero pinili kung magkunwari muna para pakinggan kung ano ang pinag-uusapan nilang mag-ama. But even though my eyes were close I can still feel the death stares the brute is throwing to me. Siguro kung wala ang dad niya ngayon kanina niya pa ako ginising ng suntok.

Bwesit talaga ang gagong 'to, may araw ka din sa akin. Nilibre nga kita nung isang trip mo papuntang Spain tapos ngayon ganito lang pala igaganti mo sa akin? Kung alam ko lang di na sana kita nilibreng pamasahe. Makikita mo sisingilin talaga kita, last libre ko na yun sayo bahala ka na sa buhay mo.

"Why me, Dad? Hindi ako yung nagpaputok ah. Isa pa kasalanan ko bang nerbyoso pala yan si gago. The fuck! Hinimatay pa nga, apaka lampa. Ano kaya ang nagustuhan ni princess dyan? Tingnan mo nga hindi naman gwapo, anong pinagyayabang niyan, yang dimples niyang hindi naman bagay sa kanya?"

Kung makahamak to ah, akal mo naman kung gwapo din siya. Mukha mo, pwet ko lang uy!

"Ang pangit ng mata, mukhang pusa. Ang kapal pa ng kilay." dagdag niya.

Dinig ko pa ang nakabuntot na tawa ni gago mukhang tuwang-tuwa pa sa panlalait niya sa akin. Akala mo naman kagwapuhan din ang gagong 'to. Di hamak na mas gwapo ako kesa sa kanya. Malaki lang konti yong katawan niya sa akin pero kayang-kaya ko yan habulin. Makikita niya.

"Kung hindi ikaw ang nagpaputok, sino? Hindi din ako ah." Sagot ni General sa kanya.

"Hala malay ko Dad, basta hindi ako." tanggi ni Gago. " Tiyak magagalit si Mom,Dad, kapag nalaman niyang tinakot natin si Dela Vega, paborito niya pa naman itong si gago.Sipsip na din kasi ang isang 'to, naturuan na ni Guerrero."

So takot pala kayo kay Tita Sol ha. Bingo!  I'll take note of that. Pero anong sabi niya naturuan ako ni William? Excuse me lang ah, natural charm ko yan gago. Kaya nga hindi ako natanggihan ng asawa ko diba?

Tang-ina to apaka bitter!

"Hindi lang natin sasabihin kay Mom ang dahilan bakit nahimatay si Dela Vega, Dad." 

Yun ang akala mo, isusumbong kita kay Tita Sol, sasabihin ko may nagpaputok ng baril kaya nagpanic ako. Sabihin ko din kay Tita na kakabalik lang ng alaala ko at hindi pa ako pwedeng ma-stress. Akala mo ha.

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon