Chapter 37

16.1K 612 219
                                    

In a world where you can be anything... Be KIND. It is difficult to be nice and kind but at least try to be one. Merry Christmas Avangers! Thank you for being with me in this journey.  Ang saya ko pong naging bahagi kayo ng mga akda ko. Salamat po sa inyong lahat.

________________________________________


"One million..." he declared. " They sold your for a million."

Shocked is an understatement of what I am feeling right now. Pakiramdam ko biglang namanhid ang utak ko sa aking narinig. Pagtingin ko kay Joe umiigting na ang mga panga niya, nakikita ko ang galit sa mga mata niya. 

Nilipat ko ang tingin kay Papa andun ang galit sa mga mata niya pero mukhang hindi na ito nagulat. Malungkot lang ang mga mata niyang tumingin sa akin. 

Binalik ko ang tingin ko kay Samuel Dela Vega. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi pero wala akong nakikitang pagsisinungaling sa mga mata niya. 

Pakiramadam ko may pumiga sa aking puso. Hindi ako makapaniwala na binenta na pala ako. Pero sino? Sinong ang nagahas na ibenta ako? Anong akala nila sa akin? Hayop?

"Your mother and your sister sold you." Diretso niyang sabi. 

Ang pag-uunahan ng mga luha ko ay hindi ko na napigilan. Ang sakit na aking naramdaman nang malaman kong binenta ako ay lalo pang nadagdagan pagkatapos niyang sabihin sa akin kung sino. 

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero walang salitang gustong lumabas sa akin. Alam kong hindi ako malapit sa dating pamilya namin ni tatay Ben pero hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito. Kailanman hindi sumagi sa isip ko na ibebenta nila ako. Ganun na ba sila kasama? Ganun ba kalaki ang galit nila sa akin? 

Hindi naman ako nagkulang sa kanila. Kahit nahihirapan ako noon hindi ko pa rin sila kinalimutan padalhan ng pera. Ang sakit isipin na ang taong minahal at tinuring kong pamilya ay nakuha pala akong ibenta?

"They found their way how to reach me. Isang araw dumating na lang sila kasama ang mga Dela Merced. "

Lalong nadagdagan ang kaguluhan sa aking isip. Paano nakilala ni Tiyang at ni Patricia ang mga Dela Merced? Palagi silang gipit sa pera noon. Kaya nga palagi akong inaaway ni Patricia dahil doon kaya paano nangyaring nakarating sila dito sa Manila kung ni ultimo pangkain nila ay inaasa nila sa amin ni Tatay?

"Hindi ko alam na kilala nila ang mga Dela Merced. Kahit nung sa Davao pa ako nag-aaral hindi ko alam na kilala sila ni Tiyang. At paano sila nakapunta dito? Sa amin lang ni tatay  umaasa si Tiyang at Patricia. Kaya nagtatrabaho ako habang nag-aaral dahil tumutulong ako kay tatay magpadala ng pera sa kanila."

"I don't know how it happened. I didn't know about your mother and your sister as well. I can't tell you how they met with the Dela Merced's before that."

"Bakit naisipan ni Dela Merced na ibenta sayo ang asawa ko Dad? Are you using other women behind my Mom's back?" Simone asked using his cold authoritative voice. He's looking straight at his dad's face, reading what's in his mind.

"I can't do that to your Mom. I love your mother so much that until now I'm hurt and broken that she chose to leave me because of my stupidity." mahinang sagot ng daddy niya pero dama ko ang sakit sa bawat salitang binitiwan niya.

"Then why did  Dela Merced went to you?"

"He offered a merging to strengthen our hotel business but before we could do that you have to marry Paula." he paused and look at me. Si Paula ang gusto niyang mapangasawa ni Joe, para pala mas lumago ang negosyo nila maliwanag na sa akin yan noon pa pero ang sakit pa rin pala kapag marinig ito ulit.

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon