Ayaw makipag-usap ni tiyang at Pat sa akin kung hindi ko kasama si Tatay Ben kaya kailangan pa naming hintayin si Tatay na pinasundo ni Papa sa mga tauhan ni Kuya. Pagkadating ni tatay saka pa kami pumasok. Ayaw pa sana nilang may kasamang iba pero hindi ako papayagan ni Joe na mag-isa.
Magkatabi sila ni Pat parehong nakatulala at nakatingin lang sa mesa sa harapan nila. Ibang-iba ang ayos nila noong huling kita namin. Malaki ang ibinawas ng timbang nilang dalawa. Si Pat ay mukhang mas matanda pa tingnan kesa sa akin. Si tiyang hindi na kagaya nung nasa davao kami na sobra kung makapostura, ngayon kahit sa pagsuklay ng buhok mukhang wala na din itong pakialam at basta na lang tinali. Nang mapansin nilang dumating na kami ay biglang tumalim ang tingin nilang dalawa sa amin, lalo na sa akin.
"Ben love." tawag ni Tiyang pero hindi sumagot si tatay tatayo pa sana ito pero napahiyang umupo ng tinaas ni tatay ang kamay niya para pigilan ito.
"Papa ko." si Patricia na agad tumayo para salubungin si tatay ng yakap na agad din naman ginantihan ang yakap niya. Nakita ko pang nag-uunahan ang pangingilid ng luha sa pisngi niya habang siniksik ang mukha sadibdib ni tatay.
"Lalabas na ba kami dito Pa?" tanong ni Patricia na bahagya pang tumingin sa akin. " Ayoko na dito pa, hirap na hirap na ako. Gusto ko na pong ipagpatuloy ang pag-aaral ko."
"Umupo ka muna, nak." Mahinahong sabi ni tatay sa kanya, umirap pa ito sa akin bago umupo sa tapat namin.
"Tiyang, Pat..."mahinahong tawag sa kanila, pero nakaangat lang ang mga kilay nila sa akin. "Kumusta na kayo?"
Walang sumagot, matalim lang ang tingin nila sa akin.
"Take your seat, baby." sabi ni Joe, inalalayan niya akong umupo sa tapat nila. Nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Patricia habang nakatingin sa akin at sa asawa kong nakaalalay ang kamay sa aking bewang.
"Don't stress yourself, okay? I'm just here. I love you, wife." I smiled at him. Walang pakialam ang asawa ko sa matatalim na tingin ni tiyang at Pat sa akin, sinadya niya pang ipakita ang pagmamahal niya sa akin ng halikan niya ang tuktok ng ulo ko. Matagal bago siya lumayo.
Sinadya pang tumikhim ni Patricia pero hindi siya pinansin ni Joe. Nakakunot pa ang noo niya at nakaigiting ang panga ng tingnan ang dalawa.
"Bumalik ka na pala..." matabang na sabi ni tiyang. " Kumusta kami? Heto malapit ng mabulok dito sa pisteng kulungan na to." tumingin siya kay tatay saka bumalik sa akin.
"May gana ka pa talagang magtanong sa amin kung kumusta kami? Bakit hindi mo tanungin ang hilaw mong kapatid kung anong ginawa niya sa amin?"
Naguguluhan akong tumingin sa kanilang dalawa. Bakit kay Kuya Gaden nila isinisisi ang mga kasalanan nila? Kaya sila nakakulong dahil sa ginawa nila sa akin.
Matapang na nakipagtitigan si tiyang sa akin, yong uri ng tingin na pinupukol niya sa akin dati sa tuwing nauubos ang perang padala ni tatay sa kanya. Siguro kung nasa ibang lugar kami kanina niya pa ako sinaktan. Ganyan siya sa akin noon pa man, ako ang pinagbubuntunan niya ng galit.
"Ano masaya ka na ba na wala na kami sa buhay mo?" matapang na tanong ni Patricia kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Alam ko naman na noon pa lang nasusuka ka na sa amin. Pinipilit mo lang ang sarili mong pakibagayan kami dahil kay tatay pero ang totoo sukang-suka ka na. Palibhasa kasi, noon palang ambisyosa ka na. Naghahanap ka lang ng pagkakataon na iwan kami doon sa Davao dahil gusto mong kumawala sa amin, dahil makasarili ka. Sarili mo lang ang iniisip mo." hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan ni Pat pero bakas ko sa boses niya ang hinanakit para sa akin.
"I begged you to stay pero anong ginawa mo? Iniwan mo pa rin ako. Ang sabi ko naman sayo magbabago ako diba? Magiging mabuting kapatid ako para sayo pero anong ginawa mo? Pinili mong iwan ako doon dahil makasarili ka. Sarili mo lang ang iniisip mo!" mahaba niyang sabi habang nag-uunahan ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret (Simone Jose Dela Vega)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes letting go is the best choice. It will be painful but it will be worth it. Belle Marie Saavedra was still young when she met Simone Jose Dela Vega, the happy-go-lucky br...