Chapter 1

2.6K 53 3
                                    

Malaking bahay, magagara at mamahaling mga sasakyan, ibat-ibang masasarap na pagkain, makukulay na mamahaling damit at ibat-ibang mayayamang tao ang nasa harapan ni Jaica ng mga oras na iyon.

Kahit saan niya ibaling ang ulo ay puro kumikinang at nagsusumigaw sa karangyaan ang nakikita niya.

Karangyaan na kahit kailan ay hindi niya naranasan simula ng ipanganak siya. At alam niyang hindi niya mararanasan pa hanggang mawala siya sa mundo.

Ni hindi nga siya nakapagtapos ng high school dahil sa hirap ng buhay. At nang mawala ang mga magulang nila ay inako na niya ang responsibilidad para sa nakababatang kapatid na nagdudusa dahil sa sakit sa puso.

Maaga silang naulila sa mga magulang. Namatay ang kanilang ina dahil sa panganganak sa kapatid niya.
Habang ang kanilang ama ay naaksidente sa pinapasukan nitong construction site sampung taon na ang nakalilipas.

At sa kasamaang palad ay hindi na pinalad pa ang kanyang ama at sumama na ito kay San pedro. Nakipag reunion agad sa kanilang ina sa kabilang buhay.

Minsan naitanong niya sa sarili na kung buhay ba ang kanilang mga magulang ay mararanasan ba nila ang hirap na nararanasan nila ngayon.

"Syempre naman oo. Anak mayaman lang, Jaica. Ambisyosang palaka." Mahinang bulong niya habang iniikot ang mata sa paligid.

Lumapit siya sa table kung saan nakahain ang masasarap na pagkain.

Ilang beses pa siyang napalunok habang nakatingin sa mesa. Kanina pa tumutunog ang tiyan niya dahil sa gutom at ayaw naman niyang mabisto ang mga plano niya kaya pilit niyang nilalabanan ang gutom.

"Lea..! Hoy Lea..!" Ani ng isang babae na lumapit sa kanya. Nakasuot din ito ng uniporme tulad ng suot niya.

"Lea?!" Nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa mukha nito.

"Oo, Lea. Hindi ba sabi mo Lea ang pangalan mo? Bakit may iba ka pa bang pangalan?" Tanong ng babae sa kanya.

Ang nagtataka niyang mukha ay nauwi sa ngiwi at pagngiti. Nakalimutan niyang Lea nga pala ang ibinigay niyang pangalan sa mga ito.

Bakit ba sa dinarami rami ng oras na aatake ang katangahan niya ay ngayon pa.

Tumawa siya ng mahina at pabirong tinapik ang kamay ng babae. "Ay oo. Lea nga pala ang palangan ko. Binibiro lang kita, akala ko kasi nakalimutan mo ang pangalan ko." Aniya habang tumawa ng mahina ng nakangiwi.

Kumunot ang noo ng babae saka sumagot sa kanya. "Ako ang nakalimot na Lea ang pangalan mo o ikaw."

Tumawa muli siya saka pabirong binangga ng mahina ang balikat nito. "Sabi ko nga ako. Sino ba namang hindi makakalimot sa pangalan kung ganyan ang nakikita mo? Kahit saan ka tumingin mamahalin, ang hirap tuloy gumalaw." Palusot na lang niya dito.

Tumingin ito sa paligid saka tumango. "Sabagay. O siya, dito ako sa kabilang side mag se-serve ng pagkain ikaw naman dito. Tapos yung iba doon sa dulo. Naintindihan mo ba?" Tumango siya saka tipid na ngumiti. "Basta huwag kang magkakamali o gagawa ng eksena. Kung ayaw mong mapagalitan ng amo natin." Ani muli ng babae.

Nang umalis ito ay sandali siyang nag-isip saka mahinang nagtanong sa sarili. "Ano nga ulit pangalan niya." Aniya saka kumamot ng ulo.

Ipinilig na lamang niya ang ulo dahil ayaw na niyang isipin pa ang nakalimutang pangalan ng babae.

Ang pagiging makakalimutin ang isang dahilan kung bakit nawalan siya ng ganang mag-aral. Kahit anong aral niya kasi ay parating wala siyang natatandaan sa mga itinuturo ng mga guro sa kanya. Mabuti pa nga at umabot siya ng high school dahil sa kakakopya sa mga kaklase at pagmamakaawa sa mga guro. Binabawi na lamang niya ang grades sa araw-araw na pagpasok.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon