Chapter 19

1.3K 64 19
                                    

"Mukhang masarap yan ah."

Agad na napatingin si Jaica kay Jace ng magsalita ito at pumasok sa loob ng kusina.

Tiningnan niya ang likuran nito at hinintay na pumasok din si Blade ngunit nagtataka siyang wala ito kaya tumingin siya kay Jace.

"Si... Si Boss?" Tanong niya dito.

Kumukuha naman ng tubig sa baso si Jace nang magsalita ito.

"Namiss agad?" Nakangising anito kaya nahihiyang yumuko si Jaica. "May inaasikaso lang sandali. Babalik din agad yon."

Gusto pa sana niyang magtanong kung ano ba ang inaasikaso nito ngunit pinigilan na lamang niya ang sarili. Baka isipin na ni Jace na masyado siyang pakialamera.

Hindi naman masyado, slight lang.

Nakangiting tumingin si Jace sa kanya habang nagluluto siya kaya nakaramdam siya ng pagkailang dito.

"Sige lang, Jaica. Huwag mo akong pansinin dito. Ituloy mo lang yang ginagawa mo."

Bumusangot siya saka itinuloy ang ginagawa. Hanggang muling magsalita si Jace sa likuran niya kaya napatingin siya dito.

"Alam mo ba kung anong paboritong pagkain ni Blade?" Tanong nito sa kanya na tinanguan naman niya.

"Hmm. Sinigang na baboy." Nakangiti niyang ani.

Naalala pa niya noong una niyang lutuin iyon. Halos maubos ni Blade ang kanin sa kaldero. At gustong gusto nito ang sinigang kapag may patis at sili na sawsawan. Doon niya nalaman na ito ang paborito nitong pagkain.

"Eh yung pinaka ayaw niya, alam mo ba?" Tanong muli nito.

Muli siyang tumango at ngumiti kay Jace. "Ayaw niya ng gulay na okra. Nandidiri siya kasi madulas daw." Sagot niya kaya tumawa si Jace.

"Mukhang kilalang kilala mo na ang buddy ko ah."

Umiling siya saka tipid na ngumiti. "Hindi naman lahat. Yung mga nakikita ko lang sa kanya araw araw kasi kasama ko siya sa bahay." Aniya saka itinuloy ang ginagawa.

Sandaling namayani ang katahimikan sa kanila bago muling nagsalita si Jace.

"Jaica, pwede ba akong makiusap sayo."

Natigilan siya saka ibinaba ang hawak niyang sandok bago pinahinaan ang apoy ng lutuan.

Humarap siya kay Jace saka nagtatanong na tumingin dito.

"A-Anong pakiusap?"

Humugot ng malalim na hininga ni Jace saka ito seryosong tumingin sa kanya.

"Alam kong minsan ay mahirap intindihin si Blade, lalo na ang magaspang niyang ugali. At alam kong ginagawa lang niya iyon dahil iyon lang ang paraan para maprotektahan niya ang sarili. Ginagawa niya iyon upang huwag siyang mapalapit sa ibang tao. Takot na siyang magtiwala at magmahal dahil takot siyang maiwan at masaktan muli. Alam mo bang si Blade ang pinaka sincere at totoong tao na nakilala ko. Masasabi kong isa siya sa taong may malaki at mabuting puso. Masayahin at maaasahan sa lahat. Parating nandyan kapag kailangan. At higit sa lahat ay tunay na kaibigan."

Nakatingin lamang siya kay Jace habang nagsasalita ito. Hindi din niya namamalayan na nangingilid na ang luha niya sa mata.

Alam niyang minsan ay mahirap talagang intindihin si Blade, ngunit alam din niyang napakabuti nito dahil umpisa pa lang ay nakitaan na niya ito ng kabaitan. Subok na niya iyon dahil isa siya at ang pamilya niya sa tinulungan nito.

"Bata pa lang si Blade ng pabayaan siya ng mga magulang niya kung kani-kanino. At lumaki siya na ibang tao ang nag-aalaga sa kanya. Simula ng mamatay ang Lolo at Lola niya ay hindi na niya muling naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya lalo na ang pagmamahal ng mga magulang niya. Kaya noong dumating si Bryan sa buhay niya ay sobrang saya niya. Kay Bryan niya muling naramdaman na may pamilya pala siya. Na may masasandalan din siya."

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon