Chapter 34

1.2K 46 16
                                    

Matapos ang halos tatlong linggong hindi pagpasok ni Blade sa trabaho ay nagpasya na itong magpakita sa headquarters.

Naisip niyang hindi makakatulong para sa kanya kung sasarilinin lamang niya ang lahat. Kung magkukulong lang siya.

At alam niyang kung may mga tao man na makakatulong sa sitwasyon niya, iyon ay ang mga kaibigan at kasamahan niya.

"Tang ina, nabuhay ka!" Ani Hiro ng makita siyang pumasok sa loob ng quarters nila.

Napatingin sa kanya ang lahat ng kasamahan dahil sa sinabi ni Hiro. Agad niyang iniangat ang kanang kamay saka nagbigay galang at sumaludo sa kapitan nila.

Napatayo pa si Jace sa pagkakaupo saka mabilis na lumapit sa kanya at yumakap.

"Welcome back, buddy. Na miss kita." Ani Jace habang nakayakap ito at tinatapik ang balikat niya.

"Tapos na ba ang pag-e-emote mo?" Pang-aasar muli ni Hiro sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin bago siya dumampot ng ballpen sa ibabaw ng mesa at ibinato dito.

Tumatawa itong umilag sa ibinato niya bago nagtago sa likod ng kapitan nila.

"Welcome back bud..!" Sabay namang ani Kurt at Xander.

Lumapit din ang mga ito sa kanya saka tinapik ang balikat niya.

"Mabuti naman at lumabas ka na sa bahay mo. Siguro naman kahit papaano ay nakapag pahinga na yang utak mo? Siguro naman magkakapag isip ka na ng tama?" Ani Jake.

Nahihiya siyang yumuko at tumango dito. "Pasensya na kayo sir. Hindi ko lang talaga kinaya noong umalis siya. Tapos hanggang ngayon wala akong lead kung nasaan siya. Kung ano ang nangyari sa kanya."

Lumapit si Jake sa kanya saka ginulo ang buhok niya. "Naiintindihan ka namin Robles. At kung mayroon mang mga tao na nakakaintindi sayo, walang iba kung hindi kami yon. Pinagdaanan naming lahat yang nangyayari sayo. At alam namin kung gaano kasakit sa pakiramdam na wala ka man lang magawa. Kasi hindi mo alam kung ano gagawin mo. Kung paano mo siya matutulungan."

"Tama, ako nga halos mawala na si Aria sa akin noon, diba? Halos mamatay ako non habang nakikita ko siyang nag-aagaw buhay. Wala akong magawa non bud. Kung pwede lang na ako ang nasa kalagayan niya ginawa ko na. At tanging sa itaas lang ako kumapit. Kaya ikaw kapit lang bud." Ani naman ni Hiro na seryoso na ang mukha.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa bud. Tingnan mo ako. Diba nawala rin si Avia sa akin. Pero ibinalik siya ng diyos sa akin. Pasasaan ba't malalampasan mo lahat ito." Ani naman Kurt.

"Alam namin na nahihirapan ka na. At narito kaming lahat para damayan ka. Hindi mo kailangang solohin ang problema mo, Robles. Pamilya tayo dito. At ang pamilya, nagdadamayan. Nagtutulumgan." Ani naman ni Xander.

Napayuko si Blade dahil sa pagtutubig ng kanyang mata. Alam niyang kahit madalas ay inaasar niya ang mga kaibigan, at madalas din ay napipikon ang mga ito sa kanya, ngunit alam naman niyang sa oras ng kagipitan ay sila lamang ang makakapitan niya. Lalo na't lumaki siyang kulang sa atensyon at pagmamahal ng mga magulang.

"Salamat sa inyong lahat. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Sa bawat araw na lumilipas na wala siya. Na hindi ko alam kung nasaan siya at kung ligtas ba siya. Para akong unti-unting namamatay. Tapos halos gabi-gabi napapanaginipan ko pa siya." Ani Blade. Naihilamos pa niya ang kamay sa mukha.

Inakbayan siya ni Jace saka nginitian. "Tandaan mo bud, nandito lang kami. Pwede bang pabayaan ka namin? Alam mo, kung hindi ka nagpakita ngayon, kami sana ang pupunta sayo." Ani Jace.

Kumunot ang noo niya saka tumingin sa buddy niya. "Bakit?"

Imbis na si Jace ang sumagot ay ang kapitan nila ang nagsalita kaya napatingin siya dito.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon