Chapter 26

1.4K 60 6
                                    

"Baby? Matagal ka pa ba?"

Tanong ni Blade sa kasintahan habang abala siya sa pagsasapatos.

Hindi niya alam kung bakit ba napaka tagal maligo ng mga babae. Para bang gusto na nilang ubusin ang lahat ng tubig sa gripo. Samantalang siya ay hindi pa ata tumagal ng limang minuto lalo na kapag nagmamadali siya.

Noong una ay hindi pa siya sanay, ngunit kalaunan ay nasanay na rin. Lalo pa ng sabihin ng mga kaibigan niya na maging ang mga asawa ng mga ito ay tulad ni Jaica na para bang ayaw ng umalis sa loob ng banyo.

"Sandali na lang. Magbabanlaw na lang ako!" Sigaw ni Jaica sa kanya.

Napailing na lamang siya at bumuntong-hininga. Lampas bente minutos na itong nasa loob ng banyo. Tapos na siya sa pagbibihis ngunit ito ay nasa loob pa rin ng banyo.

"Baby kanina ka pa dyan sa loob ng banyo. Kapag hindi ka pa lumabas papasok na ako dyan. At alam mong hindi na tayo makakaalis oras na pumasok ako dyan."

Dinig niya ang pagtawa ni Jaica saka ito sumagot sa kanya.

"Ito naman, napaka mainipin mo talaga. Eto na patapos na." Tumatawang ani Jaica.

At dahil hindi nakasara ang pinto kaya naman dinig na dinig niya ang boses nito maging ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa loob ng shower. Glass ang wall ng buong shower maging ang sliding door nito. Kaya kita niya mula sa kinatatayuan niya ang silhouette ng katawan nito.

Sandali siyang natigilan saka sumandal sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip ang mga braso sa harap ng dibdib. Malaya niyang pinapanood ang magandang hugis ng katawan nito mula sa babasaging dingding habang naliligo ito.

"Boss, nandyan ka pa ba?"

"Hmm.." Maikli niyang sagot.

Mahinang natawa si Jaica saka ito humarap sa glass wall at nakapamaywang na nagsalita. Alam niyang pinapanood na naman siya ni Blade habang naliligo. Madalas kasi nitong ginagawa iyon.

"Pinapanood mo na naman ako, noh? Sabi nila nagkakaroon daw ng kulite ang naninilip, ikaw rin bahala ka." Pananakot nito sa kanya.

Natawa si Blade at napailing pa dahil sa sinabi nito. Umalis siya sa pagkakasandal sa hamba ng pinto saka naglakad papasok sa loob ng banyo.

Kinuha niya ang bath towel saka niya binuksan ang salamin na pinto.

"Bakit naman ako magkakaroon non eh hindi naman ako naninilip. Gusto ko lang pagmasdan yung magandang tanawin na nasa harapan ko." Aniya kaya humagikhik ng tawa si Jaica.

Lumapit siya kay Jaica bago niya ito marahan at buong pag-iingat na pinunasan ang buong katawan nito.

"Hmm.. Talaga lang ah?"

Nakangiting tumango-tango si Blade bago niya isinuot ang bathrobe sa katawan nito. Nananatiling nakatitig naman si Jaica sa kanya kaya napatingin siya sa mukha nito.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nakataas kilay niyang tanong dito.

Ngumiti si Jaica saka ito sumagot sa kanya.

"Mahal kita, boss. Sobrang mahal na mahal kita." Ani Jaica kasabay ng paghaplos nito sa pisngi niya.

Natigilan siya saka nakagat ang ibabang labi upang pigilan ang kilig na nararamdaman.

Nang maramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi at tainga ay ibinaon na lamang niya ang mukha sa leeg nito kaya mahinang natawa si Jaica.

"Aysus, kinikilig ang bossing ko." Tumatawang ani Jaica.

Naiinis na umungol si Blade saka nito lalong ibinaon ang mukha sa leeg ni Jaica at yumakap ng mahigpit dito.

"Kasalanan mo. Pakikiligin mo ako tapos pagtatawanan mo." Reklamo niya.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon