Chapter 33

1.1K 47 10
                                    

"Blade, tulungan mo ako...! Please tulungan mo kami..!" Umiiyak habang duguan si Jaica sa harapan niya. May hawak itong bata na duguan sa mga braso nito.

Pinilit niyang inaabot ang kamay nito ngunit lalo itong kinakain ng dilim. Sumisigaw siya habang tinatawag ang pangalan nito.

"Jaica! Baby...! Hintayin mo ako. Ililigtas kita...!" Sigaw niya habang pilit niyang itinatayo ang katawan mula sa pagkakahiga.

Parang may kung anong mabigat ang nakadagan sa katawan niya kaya hindi siya makatayo at hindi niya magawang lumapit kay Jaica upang alisin ito sa madilim na parte ng silid.

Nagpumiglas siya ngunit hindi niya magawang makaalis sa pagkakahiga. Para bang nakatali ang buong katawan niya.

"Blade...!" Ani Jaica bago ito tuluyang kainin ng dilim.

"Jaica....!!!!" Sigaw ni Blade kasunod nito ay ang pagbalikwas niya sa pagkakahiga sa kama.

Pawis na pawis ang buong katawan niya at halos hinababol na niya ang kanyang hininga.

Agad niyang iniikot ang paningin sa kabuuan ng kanyang silid bago inihilamos ang mga palad sa mukha.

"Fucking dream!" Inis niya ani bago siya tuluyang tumayo at pumasok sa loob ng banyo.

Naghilamos siya ng mukha saka tiningnan ang sarili sa harap ng salamin.

Ilang araw na siyang walang tulog. At kung matutulog naman siya ay puro si Jaica ang laman ng panaginip niya. Paulit-ulit itong umiiyak habang duguan at humihingi ng tulong sa kanya. Madalas din ay may hawak itong bata habang umiiyak ito.

Alam niya at ramdam niyang nasa panganib ito. Ngunit paano niya ito tutulungan? Paano niya ito hahanapin kung wala man lang silang makuhang kahit anong lead sa grupong El Diablo.

Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding ng sala. Alas sais pa lang ng umaga kaya napailing siya. Tatlong oras pa lang ang tulog niya ngunit heto at mukhang mahihirapan na naman siyang makatulog.

Pumasok siya sa kusina saka binuksan ang ref. Kumuha siya ng isang bote ng alak bago niya ito binuksan at dinala sa bibig.

Palabas na sana siya ng kusina ng biglang tumunog ang doorbell niya. Nang silipin niya ang peephole ay nakita si Bryan na nakatayo habang may kung anong bitbit ito.

Binuksan niya ang pinto saka parang walang ganang tiningnan ito.

"Alak agad? Ang aga naman ata nyan?!" Ani ni Bryan ng pagbuksan ito ni Blade ng pinto.

Hindi niya ito pinansin at tinalikuran lamang niya habang nakasunod ito sa kanya.

"Kumain ka na ba? May dala akong pagkain?" Ani muli nito.

Tinungga niya ang bote ng alak na hawak niya saka siya naglakad palabas sa veranda. Ni hindi niya pinansin at binigyan ng sulyap ang kapatid.

Si Bryan naman ay napailing na lang saka idineretso sa kusina ang pagkain niyang dala bago inilagay sa loob ng ref.

Naglakad ito patungo sa veranda saka sumandal sa hamba ng sliding door bago naghalukipkip ng mga braso.

"Inilagay ko sa ref yung dala kong pagkain. Kapag nagutom ka initin mo muna bago mo kainin."

Nakatingin siya sa kawalan habang patuloy na tinutungga ang alak na hawak niya.

Ilang linggo na ang lumipas simula ng iwanan siya ni Jaica at hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya. Noong unang mga araw ay naghintay siya na baka isang araw ay kakatok ito sa pinto ng condo at sasabihin nitong namiss siya nito.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon